Twitter | Facebook | LinkedIn

Beverly Hills Street, Bonuan Gueset, Dagupan City, Pangasinan, Philippines, 2400
US Toll Free: 1-866-256-5455

Harapan Episode 2 Transcript

0:00:00.4

Davila:            Pilipinas, walong kandidato sa pagka-senador haharap sa taumbayan, live.

Elchico:          Anim-naput-dalawa ang naglalaban-laban para sa labing-dalawang pwesto sa Senado. Sino sa kanila ang papasa sa pagkilatis ng taumbayan? Ako po si Alvin Elchico.

Davila:            At ako naman si Karen Davila. Ito ang ikalawang ABS-CBN Senatorial Town Hall Debate. Kapamilya, tutok na sa ating Harapan 2019.

[Music]

Davila:            Ang mga kandidatong maghaharap, eto na para sa kanilang opening statement.

[Crowd clapping]

Davila:            Ang tanong, ano ang vision o pangarap mo para sa Senado at ano ang pangunahing batas na isusulong mo?

                        Simulan natin kay Atty. Romulo Macalintal.

[Crowd cheering]

[Music]

Macalintal:    Magandang gabi sa inyong lahat, mga kaibigan. Ano ang aking pananaw para ating Senado? Isang Senado na binubuo ng mga taong hindi magnanakaw ng Pork Barrel.

[Crowd cheering]

Macalintal:    Isang Senado na hindi pagsasamantalahan ang kaban ng yaman ng ating pamahalaan. Isang Senado na binubuo ng mga taong hindi umuurong sa mga debateng katulad nito.

[Crowd clapping]

Macalintal:    Para malaman ng taumbayan, ano ba ang kanilang gagawin para sa ating mamamayan, hindi ho ba? At isang Senado na gagawa ng batas na kaagad may impact sa taong-bayan tulad ng batas na nais ko para sa mga senior citizens.

0:02:13.2

[Crowd clapping]

Macalintal:    Na ‘pag dating ng (80) – ng 70 years old, dapat ang discount natin ay 30% na. ‘Pag dating natin ng 80 years old dapat ay 40% at ‘pag 90 pataas, dapat 50% ang discount. At ‘yung sinasabi nilang Centenarian Law na nagbibigay sa atin ng PHP100,000, ‘pag dating natin ng 100 years old, aba mas – dapat baguhin ‘yan. Kasi ‘pag tayo dumating ng 100 years old, naku hindi na natin kilala ang pera.

          Kaya ang dapat gawin, baguhin natin. Papaano? ‘Pag dating ng 80, ibigay ang PHP30,000. ‘Pag dating ng 90, ibigay another PHP30,000. ‘Pag dating ng 100, PHP40,000 balance at every year, may – ikaw ay – you will live beyond 100 years old, dapat may allowance na PHP100,000 yearly ang mga Centenarians para may magamit ang mga nag-aalaga sa kanila.

                        Atty. Romeo Macalintal…

[Ting]

Macalintal:    …number 41 sa balota.

[Crowd cheering]

Elchico:          Susunod, Conrado ‘Ding’ Generoso.

[Crowd cheering]

Generoso:       Magandang gabi bayan. Ding Generoso po sa balota, 33 Generoso, GenPederalismo.

                        Huwag po nating pag-usapan ang pangarap sa Senado. Pagusapan natin ano ang pangarap natin sa ating bayan. Ang Senado po ay isa lamang sa mga instrumento kung papano natin itatatag ang isang bansang Pilipinas.

                        Tandaan po natin, ang bayan natin, Lupang Hinirang. Pinagpala, mayaman. At ang ating lahi, Pilipino, Pili na, Pino pa. Kaya wala pong dahilan para ang kalahati ng ating mamamayan ay maghirap. Ano pong problema? Ang problema natin ay sistema.

0:04:10.6        Bulok po ang ating Sistema – sistema ng gobyerno, sistema ng lipunan.

                        Kaya ang dala po natin sa Senado, pagbabago ng sistema. Base po sa Konstitusyon na isinulat kasama po ang inyong lingkod bilang Spokesman at Technical Officer, isinulat ng ConCom ang Pederalismo. ‘Yan po ang ating gagawin.

                        Lilikha po tayo sa pamamagitan nito ng labing-walong rehiyon na kasing yaman ng Singapore para ang ating mga kababayan hindi na po maghirap, magkaroon ng trabaho hindi lamang dito sa Metro Manila kundi sa buong bayan.

                        Samahan niyo po ako sa pangarap na ito. Thirty-three, Generoso para sa Pederalismo.

[Crowd cheering]

[Clapping]

Davila:            At salubungin natin Magdalo Representative, Gary Alejano.

[Crowd cheering]

Alejano:          Maganadang gabi po sa inyong lahat. Ang nais ko sa isang Senado ay magsusulong ng interes ng mga Filipino at hindi interes ng mga dayuhan. Isang Senado na kakampi ng taong-bayan na hindi po… ay magsusulong ng hindi maganda sa ating bayan. Isang Senado na may talino at integridad na kayang magbalangkas ng mga batas, ng mga isyu na hindi takot, tahimik o tatango-tango lamang sa kagustuhan ng Malacañang.

                        I envision a Senate of the Philippine – Filipino people by the Filipino people and for the Filipino people, not for China, not for any other country. Kaya ang gusto kong isusulong…

[Crowd clapping]

Alejano:          …ay ang pagdepensa ng ating teritoryo at ang pangangalaga ng ating karagatan at likas na yaman sa pamamagitan ng isang maliwanag na maritime strategy na magtatalaga ng isang institusyon na magtututok dito dahil ito ay may implikasyon sa ating pagkain, kabuhayan, trabaho at enerhiya nating mga Pilipino sa ngayon at sa kinabukasan ng darating pang henerasyon.

0:06:29.7       Ang Pilipinas ay para sa Pilipino, atin ito…

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Alejano:          …ngayon, bukas. Magandang umaga po – magandang gabi po, Gary Alejano, Otso-Diretso.

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Elchico:          Magpakilala ka, Agnes Escudero.

[Crowd cheering]

Escudero:       Ako po si Mrs. Agnes Nieva-Escudero, number 28 sa inyong mga balota. Ako po ay nagtapos ng Public Administration at nagkaroon ng Master in Management. Nagti-take po ako ng Master in Management sa University of the Philippines, Mindanao. At meron din po akong kurso na kinuha sa Adamson University, BS Chemistry.

                        I envision a Senate na talagang maka-Pilipino. May isang maliwanag na Senado na talagang tutulong sa mga taong nasa kabundukan. Hindi yung Senado na nalalaman lamang kung ano ang nandito sa kapatagan. Dapat ang mga Senador na uupo sa ating Senado ay may alam sa mga kabuhayan na dapat ibigay sa mga katutubo, sa mga Islamized IP or ‘asa ating mga Moros.

                        I envision a Senate na magmamahal sa tri-people, the Muslim, Lumads and Christian. And I would like to enact a law na magkaroon ng Barangay Industrialization Act.

                        Kailangan buhayin natin ang mga nasa barangay para ma-decongest ang nasa Luzon. Kailangan ang mga nasa bundok magkaroon ng kanya-kanyang kabuhayan, produkto na makikilala na kanilang ginawa, at mga kabundukan maging isa siyang cultural tourism.

0:08:18.8       I envision our country as a blessed country na magiging maganda ang kanyang pananaw para sa mga Pilipino…

[Bell rings]

Escudero:       …masayahin sa lahat.

[Crowd clapping]

Davila:            Ikaw naman former Congressman, Erin Tañada.

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Tañada:          Magandang gabi po sa inyong lahat. Ang pangarap ko sa isang Senado’y isang Senadong hindi takot, isang Senadong makabayan, at isang Senadong naghahanap ng mga solusyon para sa ating bansa.

                        Alam naman po natin marami pong naiiwanan, napapabayaan, at nakakalimutan sa ating – sa ating lipunan. Kaya kailangan po natin tignan at hanapan ng solusyon sa mga tanong napag-iiwanan. Ito’y importante lalung-lalo na sa ating mga magsasaka, sa ating mga coconut farmers kung saan sila po ay nagmartsya mula sa Mindanao papunta sa Maynila para lamang mapanawagan ang ating pamahalaan na magamit at makuha ang Coco Levy Fund.

                        Nakakalungkot po. ‘Yan po ay tinanggihan po ng ating Pangulo noong nakaraang linggo kaya ako po, kung ako po’y magiging mapalad, sisiguraduhin po natin na itong Coco Levy Fund ay magamit ng ating mga magsasaka sa niyugan dahil alam po natin…

[Crowd clapping]

Tañada:          …bagsak po ang presyo ng niyog ngayon. ‘Yan po ay nasa halagang PHP20,000 lamang ang kinikita nila sa isang taon or less than PHP2,000 per month. Kaya hanapan po natin ng solusyon ang mga naiiwan, napapabayaan at nalilimutan ng lipunan.

0:10:09.0       Ito po si Erin Tañada, number 59 sa balota.

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

Elchico:          Ikaw na, former Senator Mar Roxas.

[Crowd cheering]

Roxas:            Mar Roxas po. Bakit ko gusto tanggalin ang buwis sa produktong petrolyo? Sampung piso bawat litro ‘yan na ipinataw ng TRAIN 1 and TRAIN 2.

[Crowd Clapping]

Roxas:            Bakit ko gustong isabatas ang 4Ps na napakatagal na na hindi nagbibigay ng kasiguruhan sa ating mga magulang.

[Crowd cheering]

Roxas:            Bakit ko gusto pabilisin ang internet dito sa ating bansa na siyang ginagamit at inaasahan ng halos isang milyong mga kababayan natin sa kanilang paghahanap-buhay.

[Crowd Clapping]

Roxas:            Bakit? May gusto ako ikuwento sa inyo. Ka Ed Borja, isang mangingisda diyan sa Laguna Lake. Apat ang kanyang anak. Ang kanyang misis gumagawa ng tsinelas. Nangingisda siya kung pabugsay ang kanyang gamit, siguro tatlo, limang kilo ang kanyang nahuhuli. Kung motorized bangka ang kanyang ginagamit na inuupa, siguro mga nasa sampu, labinlimang kilo ang kanyang nahuhuli.

                        Sa halos 25 taon, napa-aral niya ang kanyang mga anak, pero hanggang ngayon lublub pa rin sa kahirapan. Wala pa ring kaginhawaan. Nais ko na ang ating Sendao ay maging tunay kakampi ng bawat ordinaryong Pilipino.

[Crowd cheering]

0:11:56.4

Roxas:            Sa pamamagitan ng pagpasa ng mga makabuluhang batas na magpapagaan ng kanilang…

[Bell rings]

Roxas:            …pasanin. Maraming salamat. Magandang gabi sa inyong lahat.

[Crowd cheering]

Davila:            Ang susunod, former Congressman Neri Colmenares.

[Crowd cheering]

Colmenares:   Magandang gabi. Neri Colmenares po. Kakampi niyo sa laban doon sa Kongreso.

                        Ang vision ko sa Senado ay isang Senado na independent, na finu-fulfill niya at tinutupad niya ang mandato sa Konstitusyon na checks and balance. ‘Pag tama ang Presidente, wala siyang problemang kilanlanin ‘yun pero ‘pag mali ang Presidente wala siyang takot na tutulan ‘yun.

[Crowd clapping]

Colmenares:   Ang aking plataporma po kasama diyan, isang Senado na hindi naglalagay ng Pork Barrel doon sa budget…

[Crowd clapping]

Colmenares:   …dahil nako-compromise ang independence ng Senado at ng Kongreso ‘pag may Pork Barrel. Plataporma po, bawasan o dagdagan ang sahod at pensyon, pababain ang presyo sa pagtanggal ng VAT sa kuryente, tubig at langis, at ang excise tax ng TRAIN law at buwagin ang mga kartel na nagma-manipulate ng price.

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

Colmenares:   Regular na trabaho, bawal ang kontraktwalisasyon. Pero alam niyo po ang plataporma madaling sabihin ng kahit sinong kandidato. Dapat po tingnan natin ang kandidato na hindi niya lang sinasabi ‘yan dahil may election kundi ginagawa niya at nilalaban na ‘yun bago pa man ang election.

0:13:35.7

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

Colmenares:   Neri Colmenares po. Pinaglaban ko ang mga bills na ito, dagdag pensyon, baba ng presyo, taas ng sahod doon sa Kongreso. Kakampi niyo po sa Kongreso. Kakampi niyo sa Senado.

[Crowd cheering]

Colmenares:   Maraming salamat po.

[Bell rings]

[Crowd cheering]

[Music]

Elchico:          Kayo na po, Abner Afuang.

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

[Music]

Afuang:          Ako si Abner Afuang dating Alkade ng Pangsanjan, Laguna. Ang plataporma ho at ang (bingat) pananaw ‘ho sa ating Senado, putulin natin ang political dynasty na ginawa nilang cottage industry sa pagpasok sa politika in disguise as public servant.

[Crowd clapping]

Afuang:          Ibig ko ho ipasa ho iyan dahil hangga’t hindi nawawala ‘yan, kayo, young generation, kawawa ang sambayanang Pilipino.

                        Munting kibo, akala natin mawala si Marcos, gaganda ang Pilipinas. Lahat ng pumalit, puro magnanakaw na pangulo. O, pumalit si Ramos, nung pulis ako siya ang nagtanggal sa akin.

0:14:58.4

[Crowd laughing]

Afuang:          Ibenta natin ang Fort Bonifacio parang ‘yan maging moderno ang Armed Forces of the Philippine. Nademanda ba ni Gloria “Pandak” Arroyo, PEA-Amari deal.

[Crowd laughing]

Afuang:          Expo scam binanatan ko sa tatlong dyaryong sinusulatan ako. Pag-aaralan daw. Wala hong nangyari. Ang susunod kong pilit ipasa, death penalty by firing squad.

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Afuang:          ‘Yan ho ang masasabi ko dahil ‘pag sasabihin nila na, “Hindi gan’to, gan’to eh, saradong Katoliko po ako.” ‘Wag niyong idahilan ang simbahan.

[Bell rings]

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Afuang:          Maraming salamat po.

Elchico:          Thank you.

Davila:            Maraming salamat po sa ating mga kandidato. Una na pong nagkumpirmang darating sina JV Ejercito, Bato dela Rosa, Zajid Mangudadatu at Rafael Alunan pero nagpasabing hindi na sila makakarating dahil sa kampanya sa Cebu.

                        Si dating Senator Serge Osmeña naman, nagpasabing hindi makakarating ngayong gabi.

Elchico:          Uusad na po tayo. Napapanuod po ang ating Town Hall Debate sa ABS-CBN, ANC, DZMM TeleRadyo, news.abs-cbn.com, Facebook, Iwant at TFC.

[Crowd cheering]

0:16:17.4

Elchico:          At abangan ang pagharap ng mga kandidato sa taumbayan sa pagbabalik ng Harapan 2019.

[Music playing]

[Crowd cheering]

Cheng:            Magandang gabi po. Tuloy-tuloy po ang coverage natin dito sa ating live streaming dito sa Facebook, sa Youtube, sa news.abs-cbn.com at sa Iwant app.

                        Narinig niyo po kanina mainit na mainit po ang pagsalubong ng ating mga supporters sa walong kandidatong kalahok po sa ating Senatorial Town Hall Debate ngayong gabi.

                        Nakita niyo nga po si election lawyer, Romy Macalintal, dating abugado ni GMA, ni P-Noy at ni Leni – Vice-President Leni Robredo, ngayon tumatakbo pagka-Senador si dating Spokesperson ng Consultative Committee to Review the Constitution, Ding Generoso, isusulong ang pederalismo.

                        Si Magdalo Representative, Gary Alejano ay idedepensahan daw ang ating teritoryo kung saka-sakaling maluklok sa Senado. Ang isa pong teacher na si Agnes Escudero, isusulong naman Barangay Industrialization Act at Cultural Tourism. Dating Representative Erin Tañada susunod sa yapak ng kanyang – kanyang father at grandfather sa Senado, gusto daw tutukan ang mga napag-iwanan kagaya ng mga coconut farmers. Si Mar Roxas nagbabalik pulitika, isusulong daw ang pagsasabatas ng 4 P’s at at tatanggalin ang buwis sa petrolyo at pala – pabibilisin ang internet.

                        Si dating representative Neri Colmenares, tatanggalin naman ang pork barrel at bubuwagin ang kartel sa presyo ng bigas. At si dating mayor at dating pulis Abner Afuang, gustong buwagin ang political dynasty at ipaglalaban ang death penalty by firing squad.

                        So mga kapamilya, tuloy-tuloy lang po ang inyong pagtutok dito sa ating ikalawang Town Hall Debate. Magpagpadala po ng inyong komento sa Faebook at Twitter, #Harapan2019.

                        At kung makikita niyo po sa ating likuran, naghahanda po ang ating mga kandidato. At sa ilang saglit po lamang ay magbabalik tayo with Karen at Alvin. Huwag pong kalimutan magpadala ng inyong mga komento at panuorin din po ang ating replay ng ating Harapan 2019 sa ABSCBN Channel 2 pagkatapos ng Gandang Gabi Vice.

                        At ang iyong comments po ay aming babasahin gaya po ng nabanggit namin kanina. Inimbitahan din po namin ang inyong mga kandidato mula sa administration slate kung kayo po ay nagtataka na kung bakit apat sa mga kumakandidato ngayon ay kalahok ng opposition slate at ang apat naman ay mga independent candidates.

                        Inimbitahan po namin sila at sila po ay nag-confirm. Ito po ay sina Senador Jayvee Ejercito, si dating DILG representative Rafael Alunan, si Maguindanao Representative Sajid Mangudadatu at maging si former PNP Chief Bato Dela Rosa. Pero sa kasamaang-palad ay nandun po sila ngayon sa Cebu para sa PDP-Laban na sortie kasama po si Pangulong Rodrigo Duterte.

                        At inimbitahan din natin si dating Senador Serge Osmeña pero sila din po ay – o siya din po ay tumanggi sa – or nag-withdraw – in fact, nag-confirm tapos nagwithdraw po sa ating debate ngayong gabi.

                        Gayunpaman ay sa susunod na Linggo po, March 3 ang ikala – ika-tatlong yugto ng ating Harapan 2019 Senatorial Town Hall Debate. Inaasahan natin na sila po ay sasama. Si Senador – si dating – si Senador JV Ejercito ay nag-confirm na po sa Twitter na sasama siya sa susunod na debate, sa ating Harapan sa susunod na Linggo.

                        Huwag kalimutan po ang #Harapan2019. Ipadala niyo po ang inyong mga komento sa Facebook at sa Twitter. Babasahin po natin ‘yan sa mga susunod na gap. Ang inyo pong mga komento…

Elchico:          Balik po tayo sa Harapan 2019.

Davila:            At ngayon, maririnig naman natin ang mga tanong ng ating mga kapamilya. Ito po ang sistema.

[Music]

Elchico:          Isang “Town Hall” o harapan sa taumbayan ang ating debate. Pumili ang ABS-CBN ng mga taong kumakatawan sa mga isyung kinakaharap nating mga Pinoy.

                        Nagpalabunutan para sa pagkakasunod-sunod ng pag-sagot ng mga kandidato. May isang minuto ang bawat kandidato para sagutin ang mga tanong. Maririnig ang hudyat na ito…

[Bell rings]

Elchico:          …kapag tapos na ang oras.

                        Ang ating Senatorial Town Hall debate, magsisimula na ngayon.

Davila:            At ang atin pong unang isyu, Human Rights. Madalas natin marinig ang salitang “Nanlaban sa mga operayon ng pulis.” Ano nga ba ang pinagdadaanan ng mga pamilya na nanlaban? Ito ang kuwento ni Marissa Lazaro.

Lazaro:           Base po doon sa pagkakasabi na lang ng mga pulis sa akin na may tumawag daw po sa kanila sa hotline nila na may nanghold-up. Nagkataon na na-check point nila ‘yung anak ko at tumakbo daw. Hinabol nila. Nagpaputok daw ng baril ‘yung anak ko.

                        Pero habang nilalakad ko po ‘yung mga dokyumento ng anak ko nakita ko po sa picture na ‘yung anak ko naiposas pa nila. Kaya tinatanong ko sila, paano niyo nasabing nanlaban ‘yung anak ko kung naiposas niyo?

[Background Noise]

Lazaro:           Hindi ko talaga inisip na mauuna pa siya. Mauuna ko pa siya ilibing. Sabi ko nga, “Ang sakit pala. Ang sakit pala maglibing ng anak. Ang sakit-sakit sa akin bilang ina talaga.”

0:01:57.8

[Music]

Davila:            At kasama po natin ngayon si Nanay Marissa. Ano po ang tanong niyo sa mga kandidato?

Lazaro:           Ano po ang magagawa niyong tulong para matigil na ang pulis abuse o patayan?

Davila:            Ang unang sasagot si dating Senator Mar Roxas.

[Music]

[Crowd clapping]

Roxas:            Hi, Nanay Marissa ‘no. Nakikiramay po ako at talagang malungkot. Naranasan namin ‘yan noong nauna ‘yung kapatid ko. Sabi nga nung nanay ko talagang masakit sa isang magulang na makita niya ang anak niya na mauna pa ‘no.

                        Isang mabilis na sagot na nandiyan ang teknolohiya para matigil itong mga pang-aabuso ‘yung tinatawag na body cam at saka dash cam. Ibig sabihin, lahat ng pulis magkakaroon ng body camera para lahat ng operasyon nila ay mare-record.

                        Dito mismo sa ABS di ba Alvin, Karen ‘yung inyong programa ‘yung CCTV, ‘di ba nakikita. ‘Yan ang pinakapruweba. ‘Yan ang pinapatunay kung ano talaga nangyari. Kung lahat ng pulis merong body cam, kung lahat ng sasakyan ng pulis merong dash cam, nakarecord kung ano talaga ang nangyari at hindi na mauulit ‘yung napakalungkot na trahedya na nangyari sa inyo, Nanay Marissa. So isang malinaw na kilos ‘yan.

[Crowd clapping]

Roxas:            Nandiyan ang teknolohiya…

[Bell rings]

Roxas:            …at murang-mura pwede bilhin. Salamat.

[Crowd clapping]

Davila:            Ang susunod, Neri Colmenares.

0:03:27.5

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

[Music]

Colmenares:   Napakalungkot po ng mga nangyayari sa ating kababayan dahil dito sa libu-libong EJK. Tatlo po ang arena ng laban natin diyan. Ang una, doon sa Kongreso o sa Senado. Dapat isang batas na nagdedeklara ng extrajudicial killings, specifically ang state sponsored killing, ay dapat bawal, ilegal, at may mabigat na parusa. 

[Crowd clapping]

Colmenares:   Bilang human rights lawyer po, nagsampa na kami ng ilang kaso kasama ang biktima ng EJK laban sa mga pulis. Pero ang problema po dito, may infrastructure of impunity sa gobyerno. Suportado ng gobyerno ang mga pulis na kinakasuhan dito. Bilang Senador, kailangan may malunsad na isang imbestigasyon. At hindi lang imbestigasyon, may malinaw na direksyon at suggest – recommendation para kasuhan ang mga ito.

                        Dapat, pangatlo po, sa pangatlong K ‘yan ah…Kongreso, Korte, Kalsada…dapat ilaban natin ang hustisya…

[Bell rings]

Colmenares:   …doon sa kalsada para maabot natin ang hustisya.

[Crowd clapping]

Colmenares:   Maraming salamat po.

[Crowd clapping]

Davila:            At susunod, Gary Alejano.

[Music]

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

0:04:43.2

Alejano:          Ako po’y nakikiramay, Nanay Marissa. Hindi lamang sa war on drugs, tinitingnan ho natin ‘yung abuso ng mga pulis. Una, dito sa recruitment process na hindi dapat may bahid ng korupsiyon at dapat kwalipikado ang isang pulis at hindi binibili ang kanyang pagpasok sa pulis dahil babawiin niya ito ‘pag siya ay naging pulis. Dapat ay mayroong matibay na PNP Internal Affairs Service na hindi lamang nililipat ‘yung mga scalawag kundi talagang matanggal sa serbisyo.

[Crowd clapping]

Alejano:          At importante…

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Alejano:          …na patibayin natin, ayusin natin ang criminal justice system because the police is not operating in a vacuum, ‘no? Para hindi sila mag-shortcut at hindi ho sila ma-subject sa korupsiyon. At ngayon po, dapat ang mga lider ang importante sa mag-aayos sa ating PNP. Hindi dapat inuudyukan ang ating PNP na i-violate ang Konstitusyon. Hindi dapat inuudyukan ang pulis na labagin ang karapatang pang-tao. Habang nandiyan si President Duterte, hindi matatapos ang patayan sa Pilipinas.

[Crowd cheering]

[Bell rings]

Davila:            At susunod, Agnes Escudero.

[Crowd clapping]

Escudero:       Hello po, Nanay Marissa. Naniniwala po ako na ang mga kapulisan natin ay tao rin. Ang gusto ko lang ay magkaroon ng mga moral and spiritual talaga sila na mga activities sa kanilang departamento kasi kung ang isang pulis ay may – malakas ang kanilang – kaniyang ispiritwal na bahagi, hindi siya makaka-commit ng ganyan. Kasi ang evil, in split second, diyan siya puwedeng pumasok sa isang tao lalo na kung nangangailangan. Kahit ilang batas pa ang gawin mo, sentensyahan mo pa ng kamatayan kung ang evil mind ay nasa kanya, talagang makaka-commit siya.

0:06:28.2       Therefore, kailangan ng ating kapulisan ang mga chaplain sa kanila – sa mga departamento ng ating kapulisan ay mag – talagang magbigay ng moral and spiritual na mga pagpapatatag sa kanilang pagkatao. ‘Yan lang po.

[Crowd clapping]

Davila:            Maraming salamat. Susunod, Erin Tañada.

[Crowd cheering]

Tañada:          Nakikiramay po, Nanay Marissa. Kung ako po ay magiging mapalad sa aking pagtakbo bilang Senador, maraming batas po ang pwedeng isulong.

                        Unang-una, sabi nga po, ito ay sinubukang ngayong Kongreso ‘yung pagsasabatas na dapat magsuot ng body cam ‘yung mga pulis.

                        Nakakalungkot po, hindi po ito pinasa ng kasalukuyang administrasyon dahil alam po nila na kapag may body cam, ‘no, mahuhuli po ‘yung mga pulis na hindi sumusunod sa batas.

                        Pangalawa po…

[Crowd clapping]

Tañada:          …yung usapin tungkol sa pagsasabatas ng Anti-Extrajudicial killings. Sinubukan po namin ‘yan sa – nung nakaraang Kongreso pero katulad po (ng sinabi) ni Cong. Neri Colmenares, hindi po ‘yan sinuportahan ng ating mga mambabatas.

                        Pangatlo, kailangan po mahusay ang ating training sa ating mga police officers. Importanteng-importante po ‘yan. Dahil kung hindi po natin gagawin po ‘yan, sigurado po, marami pong bad eggs…

[Bell rings]

Tañada:          …na mangyayari po.

0:07:54.4

[Crowd clapping]

Davila:            Maraming salamat. Ding Generoso.

[Crowd clapping]

[Music playing]

Generoso:       Magandang gabi po, Nanay at panalangin po sa katahimikan ng inyong anak. Ang suliranin po ng pagpatay sa mga operasyon ng pulis, maaari po natin sigurong ugatin sa sistema ng hustisya sa Pilipinas.

                        Nagkakaroon po ng shortcut, hindi lamang po siguro pulis, kundi ordinaryong sibilyan din dahil walang nakakamit na hustisya sa ating mga korte. Bumibilang po ng 10, 15, 20, 30 taon bago magkadesisyon.

                        Sa ganyang kalagayan ano ang inaasahan natin? May mga napipilitan po na isakamay ang batas. Kaya ang kailangan unang tutukan po natin, papaano natin titiyakin na magkakaroon ng hustisya. Kailangan pong pagulungin ang hustisya doon po sa draft federal constitution, marami pong mga bagong probisyon kung saan pagugulungin natin ng mas mabilis ang hustisya para ‘yang mga pagpatay na ‘yan ay maiwasan…

[Bell rings]

Generoso:       …na rin natin sa ating lipunan. Salamat po.

[Crowd clapping]

Davila:            At susunod, Romy Macalintal.

[Crowd cheering]

Macalintal:    Alam ninyo mga kaibigan, napaka-hirap ng maging mahirap. ‘Yan talaga ang problema ng ating mga kababayan. Sino ba ng nagiging biktima na anak na katulad ni Nanay Marissa? Puro mahihirap. May nabalitaan na ba kayong mayayaman na naging biktimang katulad nila? Wala? Bakit nangyayari ‘yan? Ngayon pa ba natin pag-uusapan ‘yan? Napakatagal nang problema niyan, Nanay Marissa. Hindi lang ikaw ang biktima – libu-libo. Kaya anong dapat nating gawin?

0:09:46.4       Talagang kailangan palakasin natin ang ating hustisya sa Pilipinas. Kailangan ang mga nagpapalakad ng batas ay tumutupad sa kanilang tungkulin.

                        Pero papaano tutuparin ‘yan? Graft and corruption naririyan lagi. Kung sino ang nagkakamali, sila ang pinagtatanggol. Kung sino ang gumagawa ng katiwalian, sila ang nabibigyan ng karangalan.

                        Para sa akin, makakaasa ka na kapag ako’y nandoon na, ikaw ang unang-una kong pupuntahan.

[Bell rings]

Macalintal:    Maraming salamat po.

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

Davila:            Abner Afuang.

[Music]

[Crowd clapping]

Afuang:          Sister Marissa, ako’y nakikiramay.

                        Si Afuang nung pulis Makati, nakipagbarilan, running gun battle, ah. Natapos sa Magallanes Interchange. Si Ramos nagjo-jogging mag-aala-una, si Ramos.

                        Anong sabi ni Mike Baluyot, anong gagawin n’yo ngayon kay Afuang? Spot promotion ‘yan. Doon ako tinanong nila Mike Baluyot, nila Vic Endriga. “Ano Afuang masasabi mo?” Kailangan pala dito papatay muna ako para mapromote. Eh kahit na mga kriminal ‘yan, may pamilyang iiyak diyan. Eh kung ako kriminal?

                        Kinabukasan published sa lahat ng pahayagan ‘yun. Pina-report ako ni Ramos, minumura ako naka-uniporme, bawiin ko daw. Hindi ko binawi, tinanggal ako sa pulis.

0:11:10.8         Nuong isang araw nabasa ko si Vitales, ang pinatay na pulis 165 na. Tahimik ‘yung mga Human Rights. Pag pulis at sundalo ang namatay…

[Bell rings]

                        …naka-duct tape.

Davila:            Maraming salamat po, Mr. Abner Afuang.

[Crowd clapping]

Davila:            Nanay Marissa, unang-una, our condolences to you, Nanay.

Lazaro:           Thank you po.

Davila:            All right. Alvin?

Elchico:          Maraming salamat.

                        Ang susunod na issue, presyo ng bilihin.

                        Bawat pamilyang Pilipino, dama po ang mabigat na pasanin ng mataas na presyo ng bilihin. Papaano nga ba pinagkakasya ng ordinaryong Pilipino ang kinikita sa araw-araw? Ito ang kuwento ni Aya Lachica.

Lachica:          Matinding pasakit talaga ‘yung pagtaas ng presyo tulad ng mga softdrinks, sigarilyo, mga kape kasi kunti na lang ang paninda ko. Wala na ngang puhunan. Wala nang pera.

                        Hindi na sapat ‘yung kita namin sa araw-araw kasi naghuhulog pa ako sa 5/6, pabaon pa sa mga anak ko. Wala nang pamalengke.

                        Ang pangarap ko sa pamilya ko na mabigyan ko sila ng magandang kinabukasan, mapaaral ko sila para ‘di sila matulad sa amin. Heto, naghihirap.

[Music]

Elchico:          At kasama po natin ngayon si Nanay Aya. Nanay Aya, ano po ang tanong ninyo sa ating mga kandidato?

Lachica:          Isa po akong vendor. Nagsisikap naman po ako. Hindi naman po ako tamad, pero hirap pa rin po kami. Paano ninyo po kami matulungang mga mahihirap? Mapapababa niyo po ba ang presyo ng mga bilihin?

0:12:56.6

Elchico:          Ang una pong kandidatong sasagot ay si Agnes Escudero.

[Crowd clapping]

Escudero:       Hello, Nanay. Magandang gabi po. Naniniwala ako na ang mga entrepreneurial at ang mga business ng ating mga kababayan ay importante. ‘Yun nga lang salat tayo sa kapital.

                        Naniniwala ako na itong mga taxation na ito is part of what I call, “floating economy”. But the true economy of our country is in the gold reserve, because it is where we print money.

                        Kung maganda, healthy ang ating gold reserve, maganda rin ang flow ng ating economy. Makaka-build ng maraming infrastructure, employment ang ating bansa. Pero kung ang mga gold reserve na ito ay hindi ginagamit sa tama, apektado po tayong mga mamamyan sapagkat sa atin ipapataw ang mga tax na ito.

                        Kung ganoon man ang mangyayari, nasa gobyerno pa rin kung tatanggalin nila o hindi ang mga tax na ito. Pabor po ako na tanggalin ang tax. Hindi po dapat pinapataw sa atin ‘yung mga korupsyon na ginagawa nila sa ating gobyerno.

[Bell rings]

[Crowd clapping]

Elchico:          Ano ang sagot mo, Neri Colmenares?

Colmenares:   Mataas na presyo ng bilihin, dapat may isang batas walang patumpik-tumpik, tinatanggal ang VAT sa kuryente, tubig at langis.

[Crowd clapping]

Colmenares:   Isang batas re-refill ang excise tax ng TRAIN Law ‘yun po ang maitutulong namin sa inyo. Isang aksyon para buwagin po ang mga kartel. Mina-manipulate nila ang presyo. Tumataas ang presyo dahil manipulado po nila.

0:14:47.0        ‘Yung sabi palagi ng gobyerno, “Saang kukunin ‘yung pondo?” Napakarami pong pondo sa gobyerno. Hindi na kailangan magpataw ng mga ganyan. Inflationary po ang mga products na ito. ‘Pag tumaas po ang gasolina o kuryente o tubig, aba’y tataas lahat ng produktong gumagamit sa kanila.

                        Ang pondo ng gobyerno nandiyan sa Pork Barrel. Nandiyan sa Risk Management Fund. Bilyon-bilyon para sa mga kalsadang walang patunguhan. Bilyon-bilyon sa mga tulay kahit walang ilog.

[Crowd clapping]

Colmenares:   Dapat po i-divert na ‘yung pondo na ‘yan. Tanggaling ‘yung tax. Ibuhos sa social services…

[Bell rings]

[Crowd clapping]

Colmenares:   …ang ating pondo. Maraming salamat.

[Crowd clapping]

Elchico:          Thank you po.

[Music]

Elchico:          Kayo naman po, Mang Romy Macalintal.

[Music]

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Macalintal:    Mataas na presyo ng bilihin kasi tumataas ang presyo ng langis. ‘Pag tumaas ang presyo ng langis kasama na ho ang pagtaas ng presyo ng lahat ng bilihin sa buong bansa. So ano ho ang dapat gawin? Dapat pa bang imemorize ‘yan?

[Crowd laughing]

[Crowd clapping]

Macalintal:    Simpleng-simple hindi ba? Ano ba ang dahilan at tumataas ang presyo? Dahil sa langis.

0:16:00.8       Bakit tumataas ang presyo ng langis? Dahil sa taxes. ‘Yang buwis na ‘yan ay dapat nating pag-aralan. ‘Yung TRAIN Law na ipinapataw na ‘yan. Sino bang Senador na ‘yung tumatakbo na nag-isponsor ng TRAIN Law na ‘yan?

                        ‘Yang mga ganyang Senador…

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Macalinatal:  …ay ‘yan mga hindi natin dapat ibinoboto. Ang problema, boto na kayo ng boto ng mga taong nagpapataas ng ating mga bilihin. Huwag kayo maghalal ng ganyang mga uri ng mga Senador.

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Macalinatal:  Kailangan i-suspend ang implementation ng TRAIN Law at nakakatiyak ako sa iyo, okay ang buhay natin.

[Crowd cheering]

Elchico:          Thank you. Ano ang sagot mo, Ginoong Gary Alejano?

[Music]

[Crowd cheering]

Alejano:          Ako ay naniniwala na ito ay epekto ng TRAIN Law, ‘no. ‘Yung pagpapatong ng taxes sa petroleum products. Kaya kami pinagpanukala na ito ay i-suspend na, ‘no. Dahil alam niyo po, noong pinasa ito, tinutulan ho natin ito dahil hindi ako naniniwala na ipataw ang buwis sa taumbayan dahil sumusobra ang ating pondo.

                        In 2016, almost PHP600 billion; in 2017, almost PHP400 billion. Dapat magkaroon tayo ng efficient collection ng taxes sa ating BIR at Customs. At dapat ang ating bansa, magkaroon ng isang maliwanag na food security strategy. Hindi ‘yung pabugso-bugsong polisiya.

                        Ang malaking…

0:17:17.7

[Crowd clapping]

Alejano:          …effect sa ating inflation ay ang bigas at isda, ‘no. Palpak ang pag-implement ng policy kasi hindi ho timing ang pag-angkat ng bigas sa labas at hindi timing ang pagbili sa palay sa ating – sa ating mga magsasaka.

[Crowd clapping]

Alejano:          Ako ay – hindi ako pabor sa Rice Tariffication dahil papatayin ang farming industry sa ating bansa.

[Crowd cheering]

Alejano:          Ngayon po, tulungan natin ang ating mga mangingisda upang sila ay makapagbigay ng pagkain…

[Bell rings]

Alejano:          …sa mga Pilipino.

Elchico:          Thank you.

[Crowd cheering]

Elchico:          Pakisagot si Aling Aya, Mang Abner Afuang.

[Crowd cheering]

Afuang:          Tapatan ho ay ang tariff na iyang TRAIN Law na ‘yan. Salot ho ‘yan. I-diskaril natin parang train.

[Crowd clapping]

Afuang:          Kawawa ang mga magbubukid dahil halimbawa kumikita ng yearly na lang, 19 million metric tonelada. Ito’y nagtayo ng tariff, i-import tayo sa Thailand, ‘di ang baba ng bigas. Tapos paano nila ibebenta ‘yung bigas nila? Kawawa ang mga magbubukid. Akala natin magbabago ‘yan tariff, dapat i-diskaril ‘yan. At saka ‘yang VAT…

[Crowd clapping]

Afuang:          …sa atin sinisingil. Kakain ka lang, bibili ka lang, tayo sinisingil.

0:18:33.1        Anong ginagawa mo? Sinong promotor niyan? Batman Recto. ‘Yun lang po.

[Crowd cheering]

Elchico:          Maraming salamat, Mang Abner.

[Music]

Elchico:          Ikaw na ang sasagot, Ginoong Mar Roxas.

[Crowd cheering]

Roxas:            Finally, Aling Aya, dumating ka na kay Mr. Palengke.

[Crowd cheering]

Roxas:            Nung tinatrabaho natin ‘yan nung DTI, ‘yung binebenta mong Master, Ligo…’yung mga delatang sardinas, PHP8.50 lang ngayon PHP18 na, PHP20, tama? So, bakit? Nabanggit ko kanina, nabanggit na rin ng iba, ‘yung TRAIN Law, ‘yung buwis sa petrolyo na alam naman natin pagnagmahal ang transportasyon, nagmamahal ang presyo ng lahat, una ‘yan. Pero pangalawa, tulungan natin ang ating mga magsasaka. Bakit?

[Crowd clapping]

Roxas:            Pilipino dapat ang nagpapakain sa kapwa Pilipino.Kung ang pera natin, ‘yung binabayad natin sa mga palengke, bumibili ng imported na bigas, pumupunta sa abroad ‘yan. Dapat sa mga magsasakang Pilipino natin ibinabayad ‘yong pera, iikot dito sa ating bansa ang pera natin, natutulungan natin ang atin at sa ganon…

[Bell rings]

Roxas:         …dadami ang supply…

[Crowd cheering]

Elchico:       Thank you po.

Roxas:         …bababa ang presyo.

Elchico:       It’s your turn, Erin Tañada.

0:19:56.5

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Tañada:      Nanay Aya, kasama – kasama po kayo sa 80% na naiiwan, napapabayaan at nalilimutan dito sa ating lipunan.

                    Importanteng-importante po ang trabaho ng Senado ay mabigyan ng solusyon ng mga – ng mga katulad po ninyo. Kailangan i-suspend ang excise taxes. Importanteng-importante ‘yan para hindi tumaas ang presyo ng mga bilihin.

                    Pangalawa po, kailangan rin magkaroon ng paga-aral kung kailangan isang minimum wage na lang po ang kailangan sa buong bansa.

[Crowd clapping]

Tañada:      Dahil alam naman po natin ‘pag tumaas po ang presyo ng gasolina, nationwide. Kapag tumaas po ang presyo ng bigas, nationwide. Kapag tumaas po ang presyo ng kuryente, kung minsan mas mataas pa sa probinsiya kesa sa Metro Manila. And yet kung nakikita po natin ang minimum wage sa Metro Manila ay mas mataas sa probinsiya. Kailangan po natin baguhin ‘yan para maabot ‘yung mga presyong bini – binabayaran ng ating mga mamamayan.

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Elchico:          Thank you.

                        And last but not the least, Ginoong Ding Generoso.

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

Generoso:       Aling Aya, madali pong sabihin na tanggaling ang tax, tanggalin ang ganito, tanggalin ang ganyan, isa pa isabatas ang presyo pero hindi po mangyayari ang ganyan.

                        Ang kauna-unahan pong dahilan kung bakit tumataas ang presyo natin, kulang tayo sa produksiyon ng sarili nating pangangailangan. Bawang na bawang lang, 80% ng bawang natin, ini-import. Kaya nga po maraming aswang sa gobyerno…

[Crowd laughing]

Generoso:       …dahil kulang tayo sa bawang na pantaboy sa aswang.

[Crowd laughing]

[Crowd clapping]

Generoso:       Kaya ang una pong dapat gawin natin, itaas ang produksiyon, mag-industrialize tayo, i-link-up natin ang agrikultura sa ating industriya. Ang dami pong – araw-araw po, tone-toneladang gulay ang nabubulok sa mga palengke. Pero kung ‘yan po’y ipo-proseso, hindi na po kinakailangan nating mag-import pa ng kung anu-ano sa ibang bansa.

                        Tama rin po, tanggalin ang excise tax sa fuel dahil ang fuel po, as a vital product, input sa produksiyon, dapat po ito ay wala nang buwis para po hindi mag-drive…

[Bell rings]

Generoso:       …ng presyo sa iba pang produkto.

Elchico:          Maraming salamat po sa ating mga kandidato.

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

Elchico:          Aling Aya, kuntento ka ba sa naging sagot ‘nung ating mga kandidato? Anong masasabi mo?

Lachica:          Kuntento na po.

Elchico:          Okay naman? Nasagot ‘yung tanong mo? Okay. Maraming-maraming salamat kay Aling Aya.

                        Sa aming pagbabalik, masusubukan ang bilis sa pagsagot ng mga kandidato. Diyan lamang po kayo. Ito ang Harapan 2019.

[Crowd cheering]

Davila:            At narito po tayo sa unang round ng ating Fast Talk, mabilisang sagot sa mabilisang tanong. Dalawang minuto sa bawat kandidato. Puwedeng ang sagot n’yo, yes, no, o mabilis na paliwanag.

                        Ang una, Ding Generoso.

[Crowd clapping]

Davila:            Simulan na natin. Naging spokesman kayo ng Charter Change Consultative Committee, anong pinakamalaking balakid sa Federalism?

Generoso:       ‘Yung hindi pagtanggap ng mga kongresista at senador lalo na sa anti-dynasty provision.

Davila:            May dapat bang sisihin kung bakit hindi lumipad ang Federalism?

Generoso:       Wala siguro. Kulang lang sa talaga sa impormasyon ang ating mga mamamayan.

Davila:            Sang-ayon ba kayo na gawing requirement ang college degree sa Senado at pagka-presidente na nakasaad sa federal draft charter?

Generoso:       Yes. College degree or its equivalent, kasi may equivalent. ‘Yung under the EO ni FVR, kung hindi ka naka-graduate, apply ka ng equivalent degree sa CHED, puwede kang bigyan ng degree.

Davila:            Hindi ba ito diskriminasyon?

Generoso:       Hindi naman kasi hindi naman absolute ang karapatan na mahalal sa puwesto. Kaya nga may requirement – by age, may residency, etcetera, kailangan registered voter. Isa lamang ‘yun sa mga requirement din.

Davila:            Bilang dating reporter, dapat bang hindi na gawing krimen ang libel?

Generoso:       Yes. Pabor ako na i-decriminalize ang libel pero dapat ding maging mas responsible ang mga mamamahayag.

0:01:19.8

Davila:            Tama ba ang pag-aresto kay Maria Ressa?

Generoso:       Ang pinag-uusapan dito ay hindi press freedom, ang pinag-uusapan dito ay reklamo ng libel. It is a private case between one individual and a journalist. So tignan natin sa merito ng kaso.

Davila:            Naniniwala ba kayong ginigipit ng administrasyong ito ang media?

Generoso:       Hindi siguro ginigipit ng administrasyon eh. ‘Yung isang tao na nagsasalita ng tungkol – kontra sa media, presidente man o ano, ‘yan ay hindi natin maituturing na panggigipit, Meron na ba tayo pong halimbawang talagang hinuli at pinarusahan dahil sa sinulat? Wala sigurong ganun.

                        Iba ‘yung kondisyon noong Martial Law kaysa ngayon.

Davila:            Sa Federalism Draft Charters, sang-ayon ka bang gawing unlimited ang termino ng mga elected officials?

Generoso:       Ah, maliwanag po sa Draft Charter ng ConCom na dalawang termino lamang at bawal din ang dynasty.

Davila:            Sa anong hindi ka sang-ayon sa ginawa ni Pangulong Duterte?

Generoso:       Siguro may pagkukulang doon sa kampanya kontra droga. Hindi nagawang masyadong mag – maliwanag ‘yung sistema, ‘no?

[Bell rings]

Generoso:       At ang isang kulang ay ‘yung…

Davila:            Thank you, Sir.

Generoso:       …korte, ‘no?

Davila:            Okay. Thank you.

Generoso:       Thank you, thank you. Salamat po.

[Crowd cheering]

0:02:32.0

Davila:            Ang susunod, Neri Colmenares.

[Crowd cheering]

Davila:            Tayo kayo, Sir.

Colmenares:   Ah, tatayo.

[Crowd laughing]

Colmenares:   Sabi daw uupo ako eh.

Davila:            Ah, tayo ka na, Sir.

Colmenares:   Uupo ba o tatayo?

[Laughs]

Davila:            All right. Okay, Fast Talk. Neri Colmenares…

Colmenares:   Yes po.

Davila:                  …Fast talk starts now.

Colmenares:   Yes.

Davila:            Dapat bang ituring na mga terorista ang CPP-NPA?

Colmenares:   Hindi po. May legitimate issue silang pinaglalaban — MNLF, MILF, NPA. Dapat ang sagot natin diyan, tunay na kapayapaan. Umupo na sila para pag-usapan ang just and lasting peace. I-address ang roots of the conflict. Bakit may giyera sa atin? Ang poverty…

Davila:            Sir…

Colmenares:   …ang injustice.

Davila:            …yes, no, short answer.

Colmenares:   No, no. No.

Davila:            Sang-ayon ba kayo sa pag-kolekta ng revolutionary tax ng CPP-NPA?

0:03:20.2

Colmenares:   Labag sa batas ang pag-kolekta ng revolutionary tax, pero hangga’t may NPA, merong revolutionary tax. Kaya babalik ako doon.

Davila:            Mm hmm.

Colmenares:   Dapat ang pangkapayapaan, igiit po natin ‘yun. ‘Yan ang ating legacy sa…

Davila:            Ah, Sir…

Colmenares:   …susunod na henerasyon.

Davila:            …ah okay. Mabilisan lang ‘to ah.

Colmenares:   Mm hmm.

Davila:            Sino ang pinakamagaling na presidente para sa’yo?

Colmenares:   Ah, lahat naman ng presidente merong pagkakamali.

[Crowd laughing]

Colmenares:   Ako po…

Davila:            Pangalan, Sir.

Colmenares:   …ang pinakamagaling na presidente ay si Andres Bonifacio.

[Crowd laughing]

Davila:            Sinong pinaka-corrupt na presidente para sa ‘yo?

Colmenares:   Marami ‘yun. Si Gloria Arroyo…

[Crowd cheering]

Colmenares:   …simulan ko nalang ‘dun. Para sa akin po.

[Crowd cheering]

Davila:            Kaya mo bang makatrabaho si Imee Marcos sakaling palarin kayong dalawa na manalo sa Senado?

Colmenares:   Well, kung hinalal kami siyempreng dalawa sa Senado, eh talagang collective ang Senado, talagang kailangang magtrabaho ‘dun, but it doesn’t mean I will agree with her.

0:04:10.6

Davila:            Sakaling i-appoint ka ni Pangulong Duterte bilang miyembro ng kabinete, tatanggapin niyo po ba?

Colmenares:   Hinding-hindi ko po tatanggapin ‘yan.

[Crowd cheering]

Davila:            Dapat bang babaan ang minimum age of criminal responsibility?

Colmenares:   Hindi po. Kasi ang sa akin, binibiktima na nga ang mga kabataan ng mga sindikatong ‘yan, di habulin mo ‘yug sindikato bakit ibaling mo sa kabataan ‘yung…

[Crowd cheering]

Colmenares:   …mataas na…

Davila:            Dapat bang…

Colmenares:   …ang pagparusa sa kanila.

Davila:            Dapat bang amiyendahan o tanggapin na ang Party List law?

Colmenares:   Hindi, in fact ang kontribusyon ng Party List law, sila ang lumaban para bumaba – ang mga tunay na party list po ano, lumaban para bumaba ang presyo ng kuyente…

Davila:            Mm hmm.

Colmenares:   …tubig, korupsyon, iniimbistigahan nila. Dapat nga solusyonan, palakasin ang Party List law at tanggalin…

[Bell rings]

Colmenares:   …’yang mga pekeng party list d’yan sa Kongreso. Thank you.

[Crowd clapping]

Davila:            Maraming salamat, Sir.

Colmenares:   Maraming salamat po.

[Music]

Elchico:          Tayo naman, Erin Tañada.

[Crowd cheering]

0:05:06.1

[Crowd clapping]

Elchico:          Are you ready?

Tañada:          Ready.

Elchico:          Anong isang katangian ang mayroon ka na wala sa ibang kandidato?

Tañada:          Ah, prinsipyo.

Elchico:          Pabor ka ba sa Federalism?

Tañada:          Hindi pabor.

Elchico:          Dahil?

Tañada:          Dahil hindi pa napag-uusapan ng husto ‘yung mga negative effects nito.

Elchico:          Pabor ka ba sa same sex marriage?

Tañada:          Hindi pabor.

Elchico:          Dahil?

Tañada:          Dahil mas pabor ako sa civil union partnerships.

Elchico:          May mali ba sa TRAIN Law? Yes or no?

Tañada:          Meron.

Elchico:          Ano?

Tañada:          Excise taxes sa petroleum products.

Elchico:          Sa tindi ng kriminalidad, o kung kapamilya mo ang pinatay, death penalty ba ang sagot?

Tañada:          (Hindi), reclusion perpetua.

Elchico:          Tama ba na may pork barrel ang mga mambabatas?

Tañada:          Mali.      

Elchico:          Dahil?

0:05:48.1

Tañada:          Dahil alam natin na walang check and balance at inaabuso ang Pork Barrel system dito sa ating bansa.

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

Elchico:          Kung mayroon kang advice kay Pangulong Duterte, ano ito?

Tañada:          Ah, kailangan ipasa na ‘yung Coco Levy Fund Bill para sa ating mga magsasaka sa niyugan.

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

Elchico:          Kung mayroon mang ginagawang maganda ang Pangulong Duterte, para sa’yo ano ito?

Tañada:          Free Irrigation Act.

Elchico:          Dapat bang buksan muli ang peace talks sa mga rebeldeng komunista?

Tañada:          Kailangan. Naniniwala ako sa kapayapaan.

[Crowd clapping]

Elchico:          Dapat bang kasuhan sina dating Pangulong Aquino at ilang opisyal dahil sa Dengvaxia controversy?

Tañada:          Iniimbestigahan na po ‘yan ng Department of Justice. Hayaan po natin magdesisyon sila.

Elchico:          Pabor ka ba sa medical marijuana?

Tañada:          Pabor po.

Elchico:          Dahil?

Tañada:          Dahil ‘yan po ay nagpapagaan sa epekto ng ibang mga sakit.

Elchico:          Anibersaryo bukas ng People Power, may kina – kalayaan na nga ba tayo?

Tañada:          Kulang pa. Ah, meron pong mga banta na kung saan nagbabalik po ang diktadora.

0:06:48.5

Elchico:          Kung mananalo ka, ibibigay mo ba ang buong detalye ng SALN mo kapag may humingi?

Tañada:          Opo. At dahil ako po ay advocate ng Freedom of Information Bill.

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

Elchico:          Kung mananalo ka, magsusulong ka ba ng batas laban sa endo?

Tañada:          Yes. Kailangan na higpitan po natin para hindi magamit ito para labagin ang karapatan ng mga manggagawa.

Elchico:          Dapat bang magkaroon ng batas laban sa mga balimbing sa pulitika?

Tañada:          Ay.

[Crowd laughing]

Tañada:          Siyempre po dahil…

[Bell rings]

Tañada:          …ako hindi naglilipat ng partido.

Elchico:          Thank you.

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Davila:            At ang susunod, Gary Alejano.

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Davila:            Mayroon bang traydor o nagtaksil sa Magdalo?

Alejano:          Wala.

[Crowd laughing]

Davila:            Wala kayong kaaway sa grupo niyo?

Alejano:          May kanya-kanyang prinsipyo at ginagalang namin ‘yun.

0:07:35.5

Davila:            Magbigay ka ng isang payo kay Pangulong Duterte sa pakikipag-ugnayan sa China.

Alejano:          Huwag ibenta ang West Philippine Sea.

[Crowd cheering]

Alejano:          Hindi dapat kapalit sa pag-uutang ang China.

Davila:            May pananagutan ba si dating Pangulong Aquino sa Mamasapano massacre?

Alejano:          Nasa kaso na po ‘yan. At ilagay natin – hayaan natin ang justice system na gumulong.

Davila:            Tama ang ginawa ni Pangulong Aquino sa Mamasapano massacre?

Alejano:          May kulang.

Davila:            Ano ‘yun?

Alejano:          Na dapat inako niya ang lahat ng responsibilidad doon, bilang tatay ng bansa.

Davila:            Kung mananalo ka bilang Senador, anong reporma sa militar ang unang isusulong mo?

Alejano:          ‘Yung modernisasyon ay importante at ang National Security Policy ay importante.

Davila:            Pabor ka ba sa pag-appoint sa mga reteradong military officers sa mga matataas na puwesto sa gobyerno?

Alejano:          Hindi ako pabor.

Davila:            Sakaling i-appoint ka ni Pangulong Duterte bilang miyembro ng gabinete, tatanggapin n’yo po ba?

Alejano:          Hindi ako tatanggap.

[Crowd cheering]

Davila:            Dapat bang ituring ng mga terorista ang CPP-NPA?

Alejano:          Hindi.

0:08:34.4

Davila:            Bakit?

Alejano:          Dahil mayroon silang legitimate grievances just like all other rebels. Ang sa akin ay gusto ko ng kapayapaan, dapat may peace talks tayo.

Davila:            Pabor ka ba sa same sex marriage?

Alejano:          Hindi.

Davila:            Medical marijuana?

Alejano:          Hindi po.

Davila:            Divorce?

Alejano:          Hindi po.

Davila:            Federalism?

Alejano:          Hindi rin.

Davila:            Bakit puro hindi ang sagot?

[Crowd laughing]

Alejano:          Ang Federalism ay hindi pa tayo handa. Ang mayayaman ay lalong yayaman, ang mahihirap lalong hihirap.

[Crowd cheering]

Davila:            Sang-ayon ba kayong gawin unlimited ang termino ng mga elected officials?

Alejano:          Hindi, dapat may term limits.

Davila:            Okay. Anong mabuting nagawa ni Pangulong Duterte?

Alejano:          Ang pagsupporta sa ating militar pero dapat it will not result in personal loyalty to him.

Davila:            Sino ang presidenteng dapat nakakulong para sa iyo?

Alejano:          Si Gloria Macapagal-Arroyo.

[Crowd cheering]

Davila:            Bakit?

0:09:17.7

Alejano:          Dahil sinira n’ya ‘yung mga institution at ang sinacrifice niya (ang) ating soberenya sa pag-papahayag ng JMSU sa West Philippine Sea at marami pang korupsiyon.

[Bell rings]

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Davila:            Maraming salamat po sir. At isyu ng pag-mimina, edukasyon. ‘Yan po ang ating babalikan. Kapit lang ito ang Harapan 2019.

[Music]

Elchico:       Nagbabalik ang Harapan 2019, issue number 3. Edukasyon. Napakahalaga po ng edukasyon sa bawat bata. Pero may mga batang Pilipino na nakaka-abot ng high school na halos hindi po makabasa ng tama.

Pagulsan:   Ako ay isang public teacher. ‘Yung Grade 7 ‘yun, ‘eto yung mga nagstu-struggle sa pagbabasa. Hindi pa nila kabisado lalo na sa English ‘yung mga sounds ng alphabet.

                    Good. Grade. Sing. (Sing). Man-made.

                    Nagulat ako’t naawa din ako. Since siguro una ‘yung kahirapan, may mga estudyante ako na sabihin nating hindi nakakapasok dahil walang pambaon. O kaya naman nagtatrabaho pa. Naniniwala ako na ang kabataan pa rin ang pag-asa ng bayan. Kungdi tayo magtitiwala sa kanila, sinong ang magtitiwala sa kanila?

[Music]

Elchico:       Dapat po ay makakasama natin si Teacher Mildred pero siya po’y nagkaroon ng emergency, kaya’t kasama natin si Teacher Arnel Salva, isang adviser sa Grade 7 Reading Program. Teacher Arnel, ano po ang iyong tanong?

Salva:          Una sa lahat, magandang gabi sa ating lahat. Hindi makakailang ang ating educational system ay problema – maraming problema sa kasalukuyan.

                    Ngayon, bilang kandidatong tumatakbo sa pagka-Senador, ano ang plano ninyo para mapaunlad ang sistema na – at kalidad ng edukasyon sa ating bansa?

Elchico:       Ang una pong kandidatong sasagot ay si Neri Colmenares.

[Crowd clapping]

Colmenares:   Ang una natin pong batas at ang una nating ipaglaban, ‘yung nilaban ko na po sa Kongreso. Ang problema sa ating educational system, privatized po ito. Dapat mas malaking public state universities dito sa Pilipinas…

[Crowd clapping]

0:01:51.9

Colmenares:   …at hindi pribado.

                        Pangalawa po, commercialized ito. Ibig sabihing commercialized, profit ang motivation ng may-ari ng mga eskwelahan at hindi ‘yung edukasyon mismo. Ang paglaban po para dagdagan ang pondo sa edukasyon, ‘yan ang problema natin. Kaya dapat po dagdagan ‘yan. Hindi lang ‘yan. Dapat may pondo rin – itaas ng sahod ng mga teachers, itaas ng sahod…

[Crowd clapping]

Colmenares:   …na involved sa education. Dagdag pondo doon sa classrooms at iba pa. Ang problema po sa gobyerno natin palagi, kaltas ng pondo katulad ng PHP51 bilyon na kinaltas sa DepEd sa 2019 budget. Kesa gastusin ang pondo ng taumbayan sa Pork Barrel, dapat ilaan sa edukasyon…

[Crowd clapping]

Colmenares:   …dapat ilaan sa kalusugan.

[Crowd clapping]

Colmenares:   Maraming salamat…

[Bell rings]

Colmenares:   …po.

Elchico:          Ginoong Mar Roxas, kayo na po.

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Roxas:            Ang mabuting edukasyon ay binubuo ng maraming bagay ‘no? Parang kadena ‘yan. ‘Yung dalawang kabilya ng kadena na nangangailangan ng matinding pagtutok, unang-una, doon sa mga guro dahil nangangailangan sila ng mga materyales, ng equipment, ng modernong mga pamamaraan, ng training ‘no, at higit sa lahat na ‘yung pagpili kung sinong magiging teacher ay hindi na idadaan sa palakasan o kung kaya naman sa ilang mga – sa ilang mga – halimbawa sa suhulan. Pagiging titser atsaka pagiging principal, nagkakasuhulan diyan.

0:03:11.4        ‘Yung isa pang dapat na tutukan ay ‘yung pagsasabatas ng 4Ps dahil ito’y nagbibigay ng kasiguruhan at suporta sa mga magulang na siguraduhin na pumapasok ang kanilang mga anak na nasa tamang timbang. Ibig sabihin, nakakakain sila so natatanggap nila ng mabuti ‘yung mga leksyon na ipinapamahagi sa kanila. So these are the two things…

[Bell rings]

Roxas:            …na matututukan.

[Crowd Clapping]

Elchico:          Pakisagot ang teacher, Ginoong Erin Tañada.

Tañada:          Maraming salamat. Teacher Arnel, ang isa sa mga kailangan gawin, taasan pa ang budget ng edukasyon para mas maraming teachers ang mailalagay po natin sa ibat-ibang mga paaralan. Dahil ito’y sasagot sa teacher-to-student ratio na kung saan…nakikita po natin masyadong malaking klase ang hinahawakan ng bawat teachers sa ating bansa. Kung ngayon ay nasa 1:60, kailangan ibaba po ‘yan to 1:40.

                        Pangalawa po, katulad ng ginawa po namin sa amin distrito, kailangan suportahan ng ating gobyerno ang continuous teachers’ training sa English, Science and Math.

[Crowd cheering]

Tañada:          ‘Yun po ang ginagawa po namin para ma-upgrade ‘yung skills ng teaching ng bawat mga teachers. ‘Yan po.

Elchico:          Maraming salamat. Ano ang sagot mo sa guro, Ginoong Ding Generoso?

Generoso:       Una, tutulan ko muna ‘yung pagsasabatas ng 4Ps, dahil pag sinabatas natin ‘yan mag-tuturo lang tayo ng mendicancy sa ating mga mamamayan. Ang pera diyan gamitin sa industriyalisasyon para magkaroon sila ng permanenteng trabaho.

0:04:56.4       Dito po sa draft constitution ginawa po ng ConCom na isang karapatan ang edukasyon mula elementarya hanggang sa kolehiyo. At kailangan na lang po ‘yan para maipatupad ‘yung progressive realization na sabi dito ay dagdagan, palaki ng palaki ang pondong inilalaan sa edukasyon.

                        Pangatlo po, kailangan po natin na i-review ang ating curriculum at ang mga pasilidad po ng ating paaralan ayusin. ‘Pag pumunta tayo sa probinsiya, sira-sira ang silya. Papaano makakapag-aral ang mag-aaral sa ganong kundisyon? Mainit ang eskwelahan. Tumutulo ang bubong. Bakit? Dahil ninakaw ‘yung pampagawa ng eskwelahan, eh.

[Crowd cheering]

Generoso:       Ang libro po natin, bago bilhin ang libro, dito lahat centralized purchasing ang libro. Bago makarating ang libro sa probinsya, nasira na ang mga pahina. In a Federal system, mapagaganda po natin ang sistema ng edukasyon.

[Bell rings]

Elchico:          Thank you.

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

Elchico:          Kayo naman po, Mang Romy Macalintal.

[Music]

[Crowd clapping]

Macalintal:    Narinig naman ninyo ang sinabi ni Teacher Mildred, ‘di ba? Narinig ninyo kanina. Napakaliwanag ang sinabi ni Teacher Mildred. Baon ng mga estudyante ang kailangan.

                        Oo nga, binigyan mo siya ng free tuition fees. Libre ang tuition. Ay papaano siya pupunta sa doon sa eskwelahan? Papaano ang kanyang pagkain?

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

0:06:19.7

Macalintal:    Alam mo ‘yan ang problema sa atin bansa. Bigay tayo ng bigay ng free tuition fees pero hindi natin naiisip na kailangan ang sustenance para sila’y makapag-aral. Kaya para sa akin baon, allowance ng mga estudyante ay dapat mabigyan nang ating pamahalaan.

                        Napakasimple lang, ‘di ba? Si Teacher Mildred, alam na alam niya ang problema. Kaya para sa akin, ‘yung baon, ‘yung allowance ng mga estudyante, ‘yan ay dapat nating ibibigay sa kanila. Huwag natin sabihin na free tuition fees lamang, free baon at allowances…

[Bell rings]

Macalintal:    …ibigay natin.

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Elchico:          Thank you po.

[Music]

Elchico:          It’s your turn, Ginoong Gary Alejano.

[Music]

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Alejano:          Kalidad na edukasyon para sa ating mga kabataan. Ang – ito ay responsibilidad ng ating estado. ‘Yung libreng edukasyon sa college ay hindi po ito enough. Dapat tingnan din natin ang naglilinang ng edukasyon sa mga kabataan – ito ‘yung mga guro. Dagdagan natin ang numbers ho nila dahil kulang nga. Tama, kulang ‘yan.     

                        And also, there should be a continuing education sa ating mga faculties at mga eskwelahan, at the same time, itaas natin ‘yung suweldo nila. Dahil sa pagtaas ng mga presyo ng bilihin ay hindi na po enough. Paano sila ganahan magturo sa mga estudyante kung kulang nga ang kanilang suweldo?

0:07:36.5

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Alejano:          At the same time, i-address natin ang kakulangan ng paaralan, classroom, pasilidad at mga libro. At ito’y maa-address ng pag-increase ng budget sa ating General Appropriations Act.

                        And of course, we should review our curriculum na dapat patibayin natin ang nasyonalismo, ‘yung mga batang nagmamahal sa ating bansa. At the same time, turuan natin silang humawak at gumawa ng pera at ito’y magiging mabuti sa kanila.

[Bell rings]

[Crowd cheering]

Elchico:          Thank you. Ikaw na, Abner Afuang.

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

Elchico:          Sige po.

Afuang:          I-abolish ho natin ang salot na batas na nilikha ng dating DepEd Secretary Armin Luistro, ‘yang K-12.

                        ‘Pag makikita n’yo, dahil ako, nagtinda ako ng tinapay makatapos lang akong high school. Tapos makikita mo, o, pagkatapos ng high school papasok ka na hanggang Grade 6, then 1st year college.

                        Hanggang – yang K-12, ‘yan – alam mo, nakakapag-aral lang, ‘yung mga anak ng mayayaman. Lalong dumami ang mga street children. Kaya hangga’t maaari, ‘yun lang ho. Pilitin nating ma-abolish ‘yang salot na batas na nilikha ng dating DepEd, si Armin Luistro. K-12, period.

Elchico:          Thank you.

[Crowd clapping]

0:09:03.6

[Crowd cheering]

Elchico:          Kayo naman po, Madam Agnes Escudero.

Escudero:       Hello po, Teacher Arnel. I’m also a Licensed Professional Teacher, tama po kayo. Alam mo, hindi lang ‘yan ang pinoproblema ko. Pinoproblema ko rin ‘yung mga nasa kabundukan na walang facility, walang school, walang blackboard, walang book, walang library. ‘Yan ang talagang sitwasyon doon sa mga indigenous peoples natin.

                        Ngayon, kung kalidad po ang kailangan, kailangan talaga ng budget para diyan. Kasi kung ‘yung – kung dito nga sobra-sobra na ang ratio – tama si Sir. Ratio ng estudyante is 1:60, minsan 1:80 pa. So kailangan talaga more teachers, taasan ang sweldo nila at dagdagan ang budget ng DepEd at saka ng CHED.

                        And moreso, kailangan ‘yung mga teacher natin na magtuturo, talagang dedicated doon sa mga slow learners. Kasi may – mayroon talaga – iba talaga. Mayroon talagang fast learners at slow learners. Kaya kailangan kung fast na siya doon na tayo sa mabilis – sa mga mahihina na mga bata.

Elchico:          Maraming salamat po.

[Crowd clapping]

Elchico:          Alam niyo, magaling kumilatis ‘yung mga teacher. What do you think, Teacher?

Salva:              Bawat isa naman po ay may puntos na sinasabi ang mga ating minamahal na kumakandidato bilang senador. Kaya lang nasa mamamayang Pilipino na ang pagkilatis mga sagot. Maraming salamat, Sir Alvin.

Elchico:          Maraming salamat. Karen?

[Crowd clapping]

Davila:            At hinga lang po tayo sandali. Ang pagsabak ng mga kandidato sa ating Fast Talk susunod na sa Harapan 2019.

[Music]

[Crowd cheering]

[Music]

Davila:            Nagbabalik ang Harapan. Ang ating issue number 4. Pagmimina at pagsasaka.

                        Maraming pasanin ang ating mga magsasaka. At para sa ilang magsasaka sa Zambales, mas lumalala ang kanilang sitwasyon dahil daw sa pagmimina. Ito ang kwento ni Crisanto Corpuz.

Corpuz:           Seventeen years na po akong nagbubukid. Simula nung nagkapamilya ako, dyan ko na sila binuhay. Pero nung 2010, iyun po yung malaking kalugihan namin nung natabunan po nang latak galing bundok dahil doon sa pagmimina. Totally hindi pakinabangan ‘yan. Nagdusa ho kami diyan. Hindi na namin maipanumbalik ‘yung kasiglahan noong lupa. Walang magandang naidulot na kagandahan sa amin ang mina. Hanggat andiyan sila, ‘yan patuloy kami mapapahirapan.

[Music]

Davila:            At kasama natin ngayon si Tatay Crisanto. Ang tanong niyo, Tatay?

Corpuz:           Sinira po ng mga minahan ang aming hanapbuhay at kalikasan. Dapat na po bang ipatigil ang mga minahan sa buong bansa?

Davila:            Ang unang sasagot, Neri Colmenares. Dapat bang itigil ang minahan sa buong bansa? Complete ban on mining.

Colmenares:   Yes. Ang ating mga resources at mining resources dapat po gamitin natin ‘yan. Puwedeng ituloy ang pagmimina po pero dapat regulated. Una, grabe dapat na regulations sa environmental impact niyan. Kung makita ninyo ang ginawa ng Marcopper sa Marinduque…

[Crowd clapping]

Colmenares:   …sinira ang ilog, kinalbo ang kagubatan. Dapat hindi payagan ‘yan.

                        Pangalawa, kung ano mang resources na mamimina natin diyan, dapat gamitin ‘yan ng Pilipino. Gamitin natin ‘yan para sa industriyalisasyon natin.

0:01:51.2

[Crowd clapping]

Colmenares:   Hindi ‘yan dapat nililipat sa ibang bansa.

                        Pangatlo, hindi lang dapat ‘yun, kaliit liit ng tax nila, dapat magbayad sila ng tax na karampatan dahil sa – ang sa sira na ginagawa nila sa ating kalikasan. Ang problema po ng pag-mimina ay hindi isyu talaga yan na sinisira lang ang kalikasan kung hindi pati kabuhayan dapat may accountability ang any mining company na nagsira ng kalikasan at kabuhayan ng mamamayan.

[Bell rings]

Colmenares:   Maraming salamat po.

Davila:            At susunod, Mar Roxas.

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

Roxas:            Ang problema sa pagmimina ay nagmumula sa hindi tamang pagpapatupad ng ating mga batas at regulasyon. ‘Yung mga batas natin kilala sa buong mundo bilang one of the most progressive, one of the strictest, one of the most regress – ano nga restrictive nga sa buong mundo ‘yung ating mga batas lamang hindi pinapatupad, nasa execution.

                        Para sakin diyan tayo dapat tumutok. Nasa tamang pagpapatupad at pagsisiguro na ibinabalik ng mga mining companies ‘yung ating kalikasan sa kung anong nadatnan nila. Magagawa lamang ito kung sinisiguro natin na may sapat silang capital.

                        Mahal ‘yung environmental protection. Mahal ‘yung pagpapabalik sa kalidad ng lupa kaysa doong – noong bago sila nagsimula. Kaya para sa akin, siguraduhin natin na sinusunod natin ang ating mga batas at nasisiguro natin ang ating kalikasan.

[Crowd cheering]

0:03:24.5

Davila:            At susunod, Erin Tañada.

[Music]

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Tañada:          Mang Crisanto, ako’y naniniwala na dapat kapag may mina hindi ‘yan malapit sa tubig, hindi ‘yan malapit sa ating mga palayan. Importanteng-importante po ‘yan.

[Crowd clapping]

Tañada:          Kaya bago magkakaroon ng mina sa iba’t-ibang mga lugar, kailangan konsultahin muna ang mga residente na naninirahan sa lugar. At kung hindi papayag ang mga residente na magkaroon ng mina sa kanilang lugar, dapat hindi payagan ng gobyerno.

[Crowd clapping]

Tañada:          ‘Yan ang importante. Dapat parating may consultation sa mga naninirahan.

                        Pangalawa, meron po tayong mga batas. Importanteng-importante ito ay mapatupad ng husto at bigyan ng parusa ang mga mining companies na lalabag po dito. Kung meron pong labag – lumabag sa mga batas na ‘yan, dapat meron pong fine at meron pong damages na kailangan para mai-rehabilitate ang lugar.

                        ‘Yan po ang dapat po nating gawin, people’s consultation.

[Crowd clapping]

Davila:            At susunod, Gary Alejano.

[Music]

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

0:04:30.9

Alejano:          Malaki ang role ng pagmimina sa pag-provide ng ekonomiya sa ating bansa at trabaho sa ilan nating mga kababayan. Around 200,000 to 300,000 na mga kababayan diyan nagtatrabaho.

                        Ngayon po, importante lamang na i-implement natin ang environmental laws, ‘no, at protektahan ‘yung mga nagtatrabaho sa minahan at ang mga komunidad sa paligid nito. This is all about implementation of policies and monitoring dahil dito pumapasok ang korapsyon.

                        At gusto ko lang i-emphasize po, there is a confusion on the role ng DENR. Dapat ihiwalay ‘yung function ng preservation and protection at dito sa exploitation dahil nako-confuse ang ating ahensya kung magprotekta ba siya o mag-exploit ba s’ya. So dapat ihiwalay ‘yan para maliwanag na pag protection – protection, exploitation – exploitation.

                        Pero kailangan natin ang resources na ma-generate natin ‘yan para sa ating bansa.

[Crowd clapping]

Davila:            At susunod, Abner Afuang.

[Crowd clapping]

Afuang:          Iyang…tulad nuong araw, ‘yang Pasong Tamo, ‘yang Marinduque Mining Company, talaga ‘pag titignan mo, ‘yan ang nagwasak ng ating kalikasan eh. At naalala n’yo nuong araw na – pati ang Romblon. ‘Pag pumunta ka doon, kuha ka lang marmol. Punta ka sa Romblon ngayon, wala na. Dahil diyan ko hinuli isang murder case, Sibuyan Island, Romblon, Romblon. Ang ganda nuong araw.

                        Pero simula nuong naging connivance ang mga – ang ating mga mambabatas, ‘yung mga LGU’s, nawasak ang minahan. Ang dami nating magagandang batas na dapat ipatupad, inuupuan.

                        Ilang decree ang iniwan ni Marcos? 7,883 decree. Na kapag nagigipit ‘yung mga magnanakaw na pumalit kay Marcos na pangulo – hindi, may PD ‘yan eh. PD ni Marcos ‘yan. 7,883…

0:06:35.8

[Bell rings]

Afuang:          …ang hanggang ngayon ay pinakikinabangan…

Davila:            Thank you, Sir.

Afuang:          …ng mga naging pangulo.

Davila:            Agnes Escudero.

[Music]

Escudero:       Tatay Crisanto, actually hindi lang po sa lugar niyo angmay problema niyan pati po sa mga indigenous people’s area. Kasi po hindi po talaga napapatupad ‘yung free prior and informed consent.

                        Magtataka na lang ang mga katutubo na, na approved na sa MGB ang mga – ang mga lisensya na hindi man lang nakonsulta ang mga nandoon sa vicinity n’yan.

                        At it encompasses so many hectares of land. Ngayon ang problema pa natin, ‘pag binili ng mga Tsino o ‘nung anong country ‘yan, iisang mineral lang ang binibili. Kunyari nickel lang. Wala pa ‘yung gold, wala pa ‘yung copper doon. So doon tayo dehadong-dehado.

                        Ngayon, kung tatanungin mo na dapat na ba? For me, kung hindi rin lang naman talaga makakabuhay ‘yan sa mga Pilipino, huwag na. Kasi sa taxation pa lang, kulang na kulang tayo.

                        Alam mo sa mga katutubo, 1% lang hindi pa binibigay. Hindi talaga nabibigay sa mga katutubo.

[Crowd clapping]

Davila:            All right. Thank you, Agnes Escudero. Ding Generoso.

[Crowd cheering]

Generoso:       Mang Crisanto, bibigyan ko kayo ng armas para sa mga umaabuso sa kalikasan.

0:07:51.8        Ito po, nakalagay dito, Environmental Right. At nakalagay din dito kung nasira ang inyong lupain dahil sa pagmimina, i-demanda niyo ‘yung nagmina. Siya ang mag-ayos ng nasira at bayaran niya kayo ng danyos. Nakalagay po ‘yan sa Draft Constitution.

[Crowd clapping]

Generoso:       Ngayon, malaki po ang kayamanan natin. Mahigit isang trilyong dolyar ang halaga ng ating mga mina sa kabundukan. The third largest in the world. Papaano po natin ito gagamitin?

                        Una po, ang polisiya natin sa mining dapat po ay ang tinatawag ko na “Mining with a Conscience.”

                        ‘Pagka hinukay natin ang mina at ginamit natin para paunlarin ang ekonomiya at pagandahin ang buhay ng Pilipino, masasabi ba natin sa ating konsensya na tama ang ginawa natin?

                        Kung hindi, ‘wag nating gawin. Pero kung masasabi natin na kayang dalhin natin ang konsensya, minahin natin, gamitin para sa ikauunlad ng ating…

[Bell rings]

Generoso:       …bayan.

[Crowd cheering]

Davila:            Maraming salamat. Romy Macalintal.          

Macalintal:    Dapat bang ipatigil ang pagmimina sa buong – sa buong bansa natin? Napakadaling sabihing “Oo dapat ipatigil dahil sa problema ni Mang Crisanto.” Pero napakahirap gawin dahil sa laki ng minahan sa ating bansa, na pag-ipinatigil mo hindi lang si Mr. Crisanto magkakaroon ng problema, kungdi ang lahat ng dumedepende sa nasabing industriya. Ang dapat dito ay responsible mining.

[Crowd cheering]

Macalintal:    Responsible mining ang kailangan dito. Kailangan natin ang mga taong tunay na magpapatupad sa batas. Hindi ‘yung bibigyan ng kung anu-anong permit, alam naman natin na may mga katiwalian nangyayari ngunit hindi binibigyan ng katarungan.

0:09:45.2       So ang dapat dito, responsible mining at habulin natin ang mga tiwaling opisyal na nagbibigay ng permit kahit ito ay hindi karapat-dapat. Iyan ang solusyon d’yan, Mang Crisanto.

[Bell rings]

[Crowd cheering]

Davila:            Maraming salamat. Tatay Crisanto, tanong ko lang, tinulungan ba kayo nung mining company?

[Music]

Corpuz:           Mayroon po kaso hindi sapat.

Davila:            Hindi sapat. Ikaw ba may solusyon kang nakikita sa mga sagot ng kandidato?

Corpuz:           Medyo may kalabuan pa rin po. Kasi ang totally po talaga sa amin n’yan, ang mina po salot sa aming magsasaka ‘yan, kasi halos lahat po ng minimina nila sa Zambales, puro water shed po ‘yan. Pinagkukuhanan po namin ng patubig namin sa palayan. Andoon po lahat ‘yan sa Zambales po, sa Sta. Cruz.

Davila:            So, Tatay Crisanto, maraming salamat. Mag-ingat po kayo at bantayan ang inyong boto. Thank you, Tatay.

                        At Fast Talk po tayong muli. Two minutes para sagutin ang mga issue. Alvin.

Elchico:          Two minutes po ah, para sagutin ng mga kandidato ang mga tanong. Sa round na ito, una po kayo, former Mayor Abner Afuang.

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Elchico:          Are you ready?

Afuang:          Ready.

0:11:07.1

Elchico:          Mic, please. Magbigay ka ng isang payo kay Pangulong Duterte sa pakikipag-ugnayan niya sa China.

Afuang:          Ang masasabi ko lang…

Elchico:          Mic, please. Mic, please. Mic, Sir. Mic.

Man:               Pakitaas po.

Elchico:          ‘Yan. Sige po. Go ahead.

Afuang:          Nung tumakbo ang Pangulo, tinigil ko ang pagsusulat dahil sabi mo, “’Pag ako ang naging Pangulo ng Pilipinas, ititirik ko ‘yang bandila sa West Philippine Sea.”

Elchico:          Sang-ayon po ba kayo sa paraan ng pagsugpo ng droga ng Duterte administration? Yes or no?

Afuang:          Mali.

Elchico:          Bakit?

Afuang:          Pabor ako kung ang uunahin ng Oplan Tokhang ‘yung evil, corrupt and narco-politicians sa upper and lower house of Congress…

Elchico:          Sangka…

Afuang:          …down to LGUs.

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Elchico:          Sangkaterba po ang dating military generals sa gabinete. Okay lang po sa inyo ito?

Afuang:          Hindi po.

Elchico:          Dahil?

Afuang:          Dahil aabusuhin ho. Ang nangyari – decision-making nila. Halos lahat sila mga PMAer.

Elchico:          Opo.

Afuang:          In doctrine ‘yan, eh.

0:12:03.9

Elchico:          Opo. Sang-ayon ka ba na ibaba ang age of criminal responsibility?

Afuang:          Ah ‘yan ang hindi ho.

Elchico:          Dahil?

Afuang:          Ang kababa – ah, kawawa ang bata. Trauma, erebo. Ang nangyayari, collateral damage.

Elchico:          Mm hmm.

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

Elchico:          Pabor ka ba sa Federalism?

Afuang:          Hindi ako pabor sa Pederalismo.

Elchico:          Anong isang katangian mo na wala ang ibang kandidato? Ikaw lang ang mayron.

Afuang:          [Laughing]

[Crowd laughing]

[Crowd cheering]

Afuang:          Ako, taos sa aking puso ang pagsisilbi sa bayan.

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Elchico:          Okay. Ano po ang kabuluhan para sa inyo ng People Power?

Afuang:          People Power, akala natin magbabago na ang pamahalaan. Ang nangyari ang mga yumaman ‘yung mga elitista ng rehemeng Cory Aquino.

Elchico:          Kung ang isang tao’y pumatay, dapat din bang patawan siya ng death penalty?

Afuang:          Ang isang taong pumatay?

Elchico:          Dapat ba siyang patawan ng death penalty?

Afuang:          Death penalty by firing squad.

0:13:04.4

[Crowd cheering]

Elchico:          Kung mayroong matututunan ang mga millennial kay Abner Afuang, ano ito?

Woman:         Tapang.

Afuang:          Ang masasabi ko lang sa inyo…

[Bell rings]

Afuang:          …kapag ako nasa Senado…

Elchico:          Maraming salamat po, Sir.

[Laughs]

[Crowd laughing]

Elchico:          Sige tapusin niyo po, Sir. Tapusin ninyo. Kung ika’y nasa Senado…?

Afuang:          ‘Pag ako nasa Senado, uunahin ko ‘yung evil, corrupt, and narco-politicians.

Elchico:          Thank you po.

Afuang:          Death penalty.

Elchico:          Maraming salamat.

[Crowd cheering]

Elchico:          Susunod sa Fast Talk, former Senator Mar Roxas.

[Crowd cheering]

Elchico:          Are you ready, Sir? Kung mayroon man, ano ang pinaka-magandang nagawa ng Duterte administration.

Roxas:            Ipinondohan ‘yung free health care at para sa akin napaka-halaga ‘yan  dahil napakarami ng mga kababayan natin magkasakit lang sa pamilya, nawiwindang na. So para sa akin ‘yung pag-pondo sa healthcare importante.

Elchico:          Kung maging Senador ka ulit, gagamit ka ba ng Pork Barrel?

0:14:01.5

Roxas:            Hindi.

Elchico:          Kung Senador ka noong isinalang ang TRAIN Law, ano ang boto mo, yes or no?

Roxas:            No.

Elchico:          Bakit?

Roxas:            Dahil ‘yun nga ang minumungkahi ko, hindi dapat kasama diyan ang pagbubuwis sa produktong petrolyo. Alam na alam natin ‘yan. Domino effect ‘yan. ‘Pag nagmahal ang transportasyon, nagmamahal lahat ng bilihin.

[Crowd clapping]

Elchico:          Pagbobotohan ang death penalty, ano ang stand mo?

Roxas:            Kontra ako sa death penalty.

[Crowd clapping]

Elchico:          Dapat bang babaan ang age of criminal responsibility?

Roxas:            Hindi. ‘Yung mga anak natin 18 anyos bago makapanood ng R na sine. Ibig sabihin wala pang sentido kumon. Bakit natin gagawing kriminal na 12 anyos o 15 anyos.

[Crowd cheering]

Elchico:          Sabi ni Pangulong Duterte, “Dapat mas malupit pa ang kampanya laban sa illegal drugs.” Agree or disagree?

Roxas:            Dapat palawakin niya. Hindi lang one dimensional na patay at patay lang. Dapat…

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Roxas:            …’yung – dapat gamitin ‘yung intelligence fund para ‘yung mga wholesaler, ‘yung mga nagpapasok dito ng mga chemical, ng mga droga, ‘yung mga may-ari at nagpapatakbo ng mga laboratory, ‘yan ang dapat na tinutugis.

[Crowd cheering]

0:15:04.4

[Crowd clapping]

Elchico:          People power anniversary bukas, ano ang halaga nito para sa’yo?

Roxas:            Dapat sariwain natin. Alalang-alala ko ‘yung feeling ng unity ng buong bansa, feeling na proud tayo na may narating tayo.

[Crowd clapping]

Roxas:            Lamang, magmula noon hanggang ngayon parang nawala or lumabo kaya dapat sariwain natin ito.

Elchico:          Ano ang aral na natutunan mo mula sa pagkatalo mo sa dalawa nakaraang halalan?

Roxas:            Masakit matalo, Alvin.

[Crowd laughing]

Roxas:            Pero tulad ng lahat ng bagay sa buhay, nalalagpasan din ito.

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Elchico:          Tama bang iregulate ang pagkampanya sa social media?

[Bell rings]

Roxas:            Hindi pwede regulate ‘yan…

Elchico:          Answer.

Roxas:            …dahil free speech ‘yan eh. Kung anong gustong sabihin ng tao, kasama na pati fake news, naging biktima tayo, ay talaga…

Elchico:          Thank you po.

Roxas:            …namang libre ‘yan.

[Crowd clapping]

Elchico:          Thank you po.

[Crowd clapping]

0:15:55.0

Davila:            At susunod naman Agnes Escudero.

[Music]

[Crowd cheering]

Davila:            Kamag-anak ba kayo ng pamilya ni Senator Chiz Escudero?

[Laughs]

Escudero:       Related po ‘yung husband ko.

Davila:            Sa paanong paraan?

Escudero:       ‘Yung mga Escudero po dito San Pablo, nakapag-ritwal po kami ‘dyan before.

Davila:            So sinusupportahan ka ba ni Senator Chiz Escudero?

Escudero:       We do not have any communication.

Davila:            Okay. Sinong pangulo ang may nagawa para sa indigenous peoples?

Escudero:       President Ramos.

Davila:            Sinong pangulo ang nakasama pa indigenous peoples?

Escudero:       Wala naman siguro.

Davila:            Sinong nagpopondo ng kampanya niyo?

Escudero:       Mga spiritual groups.

Davila:            Kung papalitan mo pangalan ng Pilipinas, ano?

Escudero:       Rizal Republic.

Davila:            Bakit?

Escudero:       I’m a fan of Dr. Rizal.

Davila:            Dapat ba gawing legal ang medical marijuana?

Escudero:       No.

Davila:            Hindi ka pa nakakatikim ng marijuana?

Escudero:       Never.

0:16:48.0

Davila:            Pabor ka ba sa charter change?

Escudero:       Okay lang. ConCom, the draft, Puno draft.

Davila:            Anong babaguhin mo?

Escudero:       ‘Yung ConCom draft is very nice for me.

Davila:            So ibig sabihin, sang-ayon kayo na may college degree ang Senador at Pangulo?

Escudero:       Dapat lang.

Davila:            Pati bise. Bakit?

Escudero:       For me. For me. Kasi okay lang doon sa lower level, but sa upper level talaga kailangan kasi (batas)…

Davila:            Hindi ba ‘to discriminatory?

Escudero:       Hindi naman siguro, ma’am, kasi bansa na ang dinadala mo eh.

Davila:            Kung binubugbog ka ng ‘yung asawa, isusulong mo ba ang divorce? Bakit?

Escudero:       No. I’m still – hindi talaga ako sa divorce law. I’d rather want the women go to the church. Kasi ang church ang sabi ng “’Til death do us part.” Ang church din ang nagsabi ng, “No man must divide what God has united.”

Davila:            So, sang-ayon ka ba sa annulment?

Escudero:       Meron na naman s’ya di ba?

Davila:            Oo. Ibig sabihin, kung hindi ka hihiwalay, binubugbog, hindi mo – hindi ka magpapa-annul? Titiisin mo?

Escudero:       Hindi ko pa naman naramdaman ‘yun, ma’am.

Davila:            Kunwa – sang – sang-ayon ka ba sa death penalty?

Escudero:       Never.

Davila:            Kunwari ang anak mo ang na-rape, gusto mo bang patawan ng kamatayan…

0:17:54.3

Escudero:       Never.

Davila:            …ang nang-rape sa anak mo?

Escudero:       No, no.

Davila:            Kaya mong patawarin ang taong ‘yun?

Escudero:       Yes.

Davila:            Dapat bang amyendahan o tanggalin ang Party List Law?

Escudero:       No.

Davila:            Sino…

Escudero:       Mas okay siya.

[Bell rings]

Escudero:       Kasi kailangan may representation ang indigenous peoples.

Davila:            Maraming salamat, ma’am.

Escudero:       Thank you.

[Music]

[Crowd clapping]

Davila:            At susunod naman, Romy Macalintal.

[Crowd clapping]

Davila:            Matapos nang mahabang panahon bilang election lawyer, bakit kayo tumatakbong Senador ngayon?

Macalintal:    Sapagkat nalalaman ko na sa pamamagitan nito, ‘yung aking advocacy para sa mga senior citizens ay aking maipagpapatuloy. Matagal na akong naging election lawyer, ngayon naman nais kong ang aking kapwa senior citizens and persons with disability ay aking mapaglingkuran.

Davila:            Nandaya ba si dating Pangulong Arroyo sa eleksyon?

0:18:40.1

Macalintal:    Walang katibayan na siya ay nandaya. Natapos ang kanyang kaso sa Supreme Court. Na-dismiss ‘yan at ang Korte Suprema ang nagsabi na iyan ay hindi napatunayan.

Davila:            Sino ang pinakamagaling na pangulo para sa’yo?

Macalintal:    Wala pa akong masasabi kung sino. Pare-pareho lang sila.

Davila:            Sino ang pangulo na dapat nakakulong ngayon?

Macalintal:    Well, kung sino man ang mapatunayang nagkasala, ‘yun ang dapat makulong. Bilang isang abugado, ako’y naniniwala sa due process.

[Crowd clapping]

Davila:            May tiwala ka ba sa automated election system?

Macalintal:    Napakalaki ng tiwala ko niyan sapagkat wala pang napatunayang anumang pagkakamali magbuhat ng 2010 hanggang 2016 elections. Kaya nga ako’y tumatakbo dahil sa ako ay nagtitiwala diyan. ‘Yung mga taong nagsasabing hindi nagtitiwala…

Davila:            Okay.

Macalintal:    …walang karapatang tumakbo.

Davila:            Pabor ka ba sa Federalism?

Macalintal:    Hindi ako pabor kasi hindi pa tayo handa sa ganyang uri ng gobyerno.

Davila:            Dapat ba gawing requirement ang college degree sa Senador, Bise at Presidente?

Macalintal:    Sa mga Presidente, pwede, pero sa mga Senador, hindi na dapat ‘yan. Ang dapat na qualification ng isang Senador ay marunong humarap sa debate na katulad nito.

[Crowd cheering]

Davila:            Anong masasabi mo sa mga hindi sumipot sa debate?

Macalintal:    Aba! Ay talaga namang ang nais nila ay kumapit lamang sa kanilang pangulo, pero taong-bayan na naghihintay, ay hindi lang masagot…

0:19:52.6

[Crowd cheering]

Macalintal:    …ang mga tanungan.

Davila:            Dapat bang palitan ang pangalan ng Pilipinas at gawing Maharlika?

Macalintal:    (I know), hindi na dapat iniisip ‘yan. Maraming mga problema ang ating bansa…

[Crowd laughing]

[Crowd cheering]

Macalintal:    …na dapat nating isipin. Ay papalitan pa natin ang ating bayan.

[Crowd clapping]

Davila:            Anong tamang nagawa ng Pangulong Duterte?

Macalintal:    Ah, ‘yung nilinis niya ang Boracay.

[Crowd laughing]

Davila:            Anong maling nagawa ng Pangulong Duterte?

Macalintal:    Naku, baka abutin tayo ng isang oras.

[Crowd laughing]

Davila:            Isang bagay.

Macalintal:    Well, isang bagay, ‘yung sinabi niyang, “Ang aking diyos ay stupido.”

Davila:            Pabor ka ba sa same sex marriage?

[Bell rings]

Macalintal:    Ay naku, hindi dapat ‘yan. Ano ah, pero igagalang ko ang karapatang ng bawat isa.

Davila:            Yeah, hindi ko na ma-follow up. Thank you, Sir.

Macalintal:    Salamat.

0:20:31.2

Davila:            All right, ilang minuto na lang po ang natitira sa ating Senatorial Town Hall Debate. Ang mensahe ng mga kandidato sa ating pagbabalik.

[Music]

[Crowd cheering]

Davila:            Sa pagtatapos ng ating Harapan, narito naman ang mga huling mensahe ng kasama nating mga kandidato.

Elchico:          Harapin po ninyo ang taumbayan at sabihin kung bakit kayo ang dapat nilang iboto at paano ninyo ipapakita ang pagmamahal sa bayan.

                        For your closing statement, 1 minute and 30 seconds. Magsimula po tayo kay dating Mayor Abner Afuang.

[Crowd clapping]

Afuang:          Importante ho sa akin ang katangian. Doon ko nakilala si Ms. Karen Davila.      

[Crowd clapping]

Afuang:          Binitay si Flor Contemplacion. Pag-bitay kay Flor Contemplacion, bumilib… sinunog ko ang bandera ng Singapore sa harap ng Singaporean Embassy at lahat ng Arab State sinunog ko. Siguro inborn, hanggang ngayon nagsusunog ako ng China.

[Crowd laughing]

Afuang:          Nagkagulo sa harap ng China Embassy, na kaya ako tumigil, anong sabi ng Pangulong Digong Duterte nuong tumatakbo? Tumutulong ako diyan. Takbo Duterte, takbo. Kapag ako naging pangulo, ititirik ko ‘yung bandila ng Pilipinas sa West Philippine Sea, province of China.

[Crowd laughing]

[Crowd clapping]

Afuang:          At ang masasabi ko, ‘yang pagmamahal ko sa bayan hindi sa dada, sa puso, hindi puro salita. Sa puso ang pagmamahal sa bayan. Puwedeng manahimik na ako.

[Crowd clapping]

0:01:43.3

Afuang:          Mahal ko ang bayan. Dahil kayo ang mga young generation. Ilang taon na ako? 47.

[Crowd laughing]

Afuang:          Seventy-four.

[Crowd laughing]

Afuang:          Ha? We are just passing by. Kayo kabataan, tatanda rin kayo.

[Crowd laughing]

Afuang:          Kaya ‘yung kabataan, ‘yung senior, lahat ng senior, adbokasiya ko rin. Libre sa lahat, sa freeway, expressway, sa sinehan.

[Crowd laughing]

Afuang:          Ibaba ko ng 60 hanggang 56.

[Bell rings]

Elchico:          Thank you po. Your time is up. Thank you.

[Crowd clapping]

[Crowd laughing]

Afuang:          Maraming salamat.

Davila:            Former Congress – former Congressman Neri Colmenares.

[Music]

[Crowd clapping]

Colmenares:   Neri Colmenares po. Kakampi niyo sa laban sa Kongreso. Isang batas po na nagtataas ng sahod at pensyon. PHP2,000 sa pensyon ng lahat ng senior citizen sa buong Pilipinas.

[Crowd clapping]

Colmenares:   Nagbababa ng presyo. Tanggalin ang VAT sa kuryente, tubig at langis, at i-repeal ang excise tax ng TRAIN. Isang batas din po na nagbabawal ng kontraktwalisasyon.

                        Pero ang plataporma po madaling gawin. Lahat naman ng kandidato puwede nilang sabihin na maka-mahirap ako o maka-manggagawa ako. Dapat po tingnan natin ang track record ng lahat ng kandidato.

0:03:00.7       Ako po, lahat ng sa plataporma ko nilaban ko na ‘yan noon pa. Bills para itaas ang sahod, bills para ipagbawal ang kontraktwalisasyon. Nilabanan ko po ang Meralco sa pinakamataas na dagdag singil sa kuryente. Naipanalo ang TRO noong 2013, napigilan ang mataas na singil sa kuryente.

                        Kinasuhan ko ang Smart, Globe, at PLD – at lahat ng telcos para doon sa overcharging sa text. May kaso pa kaming naka-pending ngayon laban sa Smart, Globe, at PLDT dahil sa mabagal na mahal na internet. Iyan po ang senador na kailangan natin…

[Crowd clapping]

Colmenares:   …’yung nangangalampag para maibigay ang kahilingan ng taong-bayan. Si Neri Colmenares po, I walk the talk. Pinaglaban ko kayo sa Kongreso, ipaglalaban ko kayo sa Senado. Maraming salamat.

[Bell rings]

[Crowd clapping]

Elchico:          Thank you. Former Congressman Erin Tañada.

[Crowd clapping]

Tañada:          Maraming salamat Alvin at sa lahat ng nanonood dito sa ABS-CBN. Ako po si Erin Tañada, number 59 sa balota.

                        Ang kailangan po natin, isang taong hindi takot lumaban. Ang kailangan po natin, isang tao na pinaguusapan po ang mga maseselan na issue na hinaharap po ng ating bansa.

                        Ang kailangan po natin ang isang tao na alam natin kung ano ‘yung tama at ano ‘yung mali. At kung ginagawa po ng ating pangulo ‘yung mali, eh puwedeng tumayo at sabihing mali ‘yun.

[Crowd clapping]

0:04:27.0

Tañada:          Alam naman po natin ang kailangan po na mga Senador ay ‘yung mga nagbibigay ng solusyon sa 80% ng ating pamahalaan, ‘yun – ng ating lipunan. ‘Yun po ‘yung mga naiiwanan, napapabayaan, at nakakalimutan ng ating bansa. ‘Yan po ay ‘yung mga magsasaka at manggagawa. Sila po ay mahirap o hindi, naghihirap.

                        Iyan po natin, ang kailangan po nating tutukan kung paano natin bibigyan ng lunas ang problema ng ating lipunan. Nandiyan po ‘yung ating mga coconut farmers na matagal pong naglalakad para mabawi po ang Coco Levy Fund.

                        Na – sila po ay nararanasan po nila ‘yung pagbagsak po ng presyo ng kopra mula PHP40 hanggang PHP12 lamang. Sila po ‘yung kailangan po natin tulungan. Sila ‘yung pinakamahirap na magsasaka at kailangan po natin ipaglaban sila.

                        Erin Tañada po, Number 59 sa balota.

[Bell rings]

[Crowd cheering]

Davila:            Magdalo Representative, Gary Alejano.

[Crowd cheering]

Alejano:          Gaya ng linya sa ating Lupang Hinirang, “’Pag may mang-aapi, ang mamatay nang dahil sa’yo.” Bayan muna, bago ang sarili kahit buhay ang kapalit.

[Crowd clapping]

Alejano:          ‘Yan ang pagmamahal sa bayan. Kaya ako’y naging sundalo, tagapagtanggol ng Pilipino. Nasabak sa giyera, nasugatan at muntik mamatay.

                        Nilabanan ang korapsyon…

[Crowd clapping]

Alejano:          …nakulong at nagdusa ng pitong taon kapalit ng isang komportableng buhay kasama ang aking pamilya at karangalan na magawaran ng Medal of Valor.

0:06:01.4        Para sa iba, pera ang puhunan. Sa isang sundalo, buhay ang puhunan para sa Inang Bayan.

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Alejano:          Kaya isipin po natin ito, ano ang ipamamana natin sa ating mga anak? Isang bansa na hawak sa leeg ng dayuhan at iilang makapiling Pilipino?

                        Kaya isipin po natin, pumili po tayo ng mga lider na ang puso ay nasa Pilipino. ‘Yan ang pinakamakabayang magagawa mo.

[Crowd clapping]

Alejano:          At kami po na mga lider, dapat kami po ay ehemplo. Kasi ‘pag duwag ang lider, maduduwag po ang lahat ng mga Pilipino.

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Alejano:          Pahalagahan po natin ang ating kasaysayan at ang binuwis na buhay ng ating mga ninuno upang tayo’y magkaroon ng kalayaan at kasarinlan. Hindi po pwedeng nagigipit ka, sa China naman kumakapit. Napakalupit sa mga Pilipino, takot naman sa mga Tsino.

                        Ang pagmamahal sa bayan…

[Crowd clapping]

Alejano:          …ay nakikita sa gawa at hindi sa salita lamang. Kaya po, Gary Alejano, ang sundalo ng Pilipino, lalaban para sa inyo.

[Crowd cheering]

Elchico:          Thank you. Binibining Agnes Escudero.

[Music]

[Crowd cheering]

Escudero:       Number 28 po sa inyong mga balota, Escudero, Agnes.

0:07:10.3        Nang wala pa po ang mga dayuhan sa ating bansa, ang mga katutubo po ang nandito sa ating mahal na bayan. Ngayon po, nasaan na po ba ang mga katutubo?

                        Alam niyo po ba na ang Clark, Pampanga is an ancestral land? Mga Aeta ang may-ari ng lupang iyan. Subalit nasaan ang mga katutubo ngayon? Naibibigay ba ang mga corporate social responsibilities na para sa mga katutubo? Nabigyan ba ng pabahay, nabigyan ba ng magandang edukasyon ang mga – ang mga Aetas na nandyan sa lugar na iyan?

                        Dumako naman tayo sa Mindanao. Nabibigay ba ng mga mining companies ang kanilang taxes sa mga katutubo, ang kanilang mga royalties? Nasusunod ba ang proseso ng free prior informed consent lalo na ang customary laws and traditions ng mga katutubo?

                        Pumunta tayo sa Cotabato. Ilang kababaihan at mga bata ang namamatay ng dahil sa giyera? Umaalis, displaced – umaalis sa kanilang mga lupa, pagbalik nila sa kanilang ancestral land hindi na sila ang may-ari ng kanilang lupa dahil inaagaw na ng ibang mga nag-aagaw ng kanilang mga lupain.

                        Kung minsan babalik sila, nung umalis sila nagtanim sila na palay malapit ng anihin, pag giyera pagbalik nila iba na ang umani ng kanilang mga tinanim. Ito ang mga kinasasadlakan ng ating mga kababaihan at mga anak sa mga kabundukan.

[Bell rings]

Davila:            All right, thank you very much.

[Music]

Davila:            Ding Generoso.

[Crowd cheering]

Generoso:       Dalawang tres po, 33, Generoso Pederalismo. Ano po ang inilalahad natin? Bagong mukha, bagong kaisipan, bagong sistema, bagong pag-asa. Marami po naririnig natin sa lahat ng kandidato tuwing halalan, paulit-ulit.

0:09:04.4       Bata pa po ako, limang taon, anim na taon, sa mga nakaraang halalan na aking nasaksihan, ang ino-offer po na solusyon narinig ko na nung bata pa ako. Ibinalita na nung mga nagbabalita sa radyo at telebisyon bago pa isinilang si Karen Davila. Hanggang ngayon ang binabalita niya pareho pa rin po. Tanungin natin siya. Hindi ba, Karen? Pareho ng ibinalita nina Johnny De Leon nung araw.

[Crowd laughing]

Generoso:       Ano po ang mali? Mali po ang ating sistema kasi. ‘Yun po ang atin – ito po, na-research po ng isang network dahil ini-imbestigahan ang buhay ko. May sinulat pala ako, January 9, 1980 dahil may eleksyon ng January 30. Ano pong nakalagay dito? Tinanong ko, ano ba ang dulot sa atin ng halalan? Ang sabi ko po dito kahit na paulit-ulit nating palitan ang tao sa gobyerno kung pareho ang sistema, walang mangyayari sa buhay natin. I wrote this…

[Crowd clapping]

Generoso:       …40 years ago.

[Crowd cheering]

Generoso:       Hanggang ngayon, ito rin po ang isinisigaw ko pa rin. Baguhin natin ang sistema. ‘Yan po ang tunay na pagmamahal sa bayan. Ang maghanap…

[Bell rings]

Generoso:       …ng sistema…

Elchico:          Thank you.

Generoso:       …na tama para sa ating lahat.

[Crowd clapping]

[Crowd cheering]

Elchico:          Thank you po. Ang makata, Atty. Romy Macalintal.

[Crowd cheering]

0:10:29.7

Macalintal:    Mga kapwa ko Pilipino, alam po ninyo ang termino ng isang Senador ay anim na taon na ang ibig sabihin, mahigit halos kalahating dekada ng ating buhay ay ipagkakatiwala natin sa kanila. Kailangan nating kilatisin ang mga taong ito. Alamin natin ang kanilang kasaysayan. Ano ba ang kanilang gagawin? Kasaysayan ng katiwalian? Kasaysayan ng pangungulimbat sa kaban ng bayan? Matagal na tayong humihingi ng pagbabago ngunit luma at luma pa rin ang ating inilalagay sa pamahalaan. Papano tayo hahanga – kukuha ng pagbabago kung luma pa rin?

                        Alam po ninyo, ang iniaalay ko ay sa katapatan sa serbisyo. Naging abogado ako ng matataas na pinuno ng ating bansa, Pangulo, Pangalawang Pangulo, Gobernador, Senador lahat ng ‘yan. Pero kahit isa sa kanila hindi ako humingi ng anumang proyekto o transaksyun upang ako…

[Crowd Clapping]

Macalintal:    …ay magkaroon ng komisyon sa kanila. ‘Yan ang dinadala ko. Kaya lagi ko sinasabi sa aking mga kaibigan, “Please save your last vote for me.” Save your last vote for me. If you save your last vote for me, you save your last vote for honesty and integrity. At tandaan ninyo ito, tatanda at lilipas din ako…

[Crowd laughing]

Macalintal:    …ngunit may mga batas akong gagawin para sa inyo doon sa Senado. Romy Macalintal…

[Bell rings]

Macalintal:    …number 41 sa balota.

Elchico:          Thank you po.

[Crowd cheering]

Davila:            At susunod, former Senator Mar Roxas.

[Crowd cheering]

Roxas:            Salamat.

[Crowd laughing]

0:12:14.8

Roxas:            Matagal na tayong magkakilala kaya hindi na ako magsasalita tungkol sa sarili. Gusto kong magsalita tungkol sa ating bansa. Kasama sila Marissa, Aya, Arnel, Crisanto na nagsalita dito, hindi ako kontento na hanggang sa kahirapan na lang ang mararating ng ating bansa.

                        Naniniwala ako na mas malayo pa ang kayang marating ng Pilipinas at ng mga Pilipino. Nasa atin ang sipag, nasa atin ang husay, nasa atin ang talento at talino. Bakit napakahirap na umahon, napakahirap na guminhawa sa Pilipinas? Naniniwala ako na kung ang gobyerno ay tunay na kakampi ng mamamayang Pilipino, giginhawa ang buhay nating lahat.

[Crowd clapping]

Roxas:            Tumatakbo ako sa pagka-Senado dahil alam ko isang pamamaraan dito ay ang isang masiglang ekonomiya kung saan lumilikha tayo ng trabaho. Isinaayos natin ang kita at ang sweldo at binabantayan natin ang presyo ng bilihin. Sa ganong paraan, giginhawa ang buhay ng bawat Pilipino. Nagawa ko na dati ito. Alam ko, magagawa ko muli ito.

[Crowd clapping]

Roxas:            Maraming salamat. Magandang gabi sa inyong lahat.

[Crowd cheering]

[Crowd clapping]

Elchico:          Maraming, maraming salamat po sa lahat ng ating mga kandidato. At ‘yan po ang ating Harapan 2019 ngayong linggo.

[Music]

Elchico:          Maraming, maraming salamat po at sa mga halalan partners po natin, thank you very much. Lalo na po sa Commission on Elections. Sa pamumuno ni Chairman Cherry Fabas na kasama natin ngayong gabi. Thank you po.

[Music]

0:13:54.1

Elchico:          Salamat din po sa aming exclusive media partner, ang Manila Bulletin.

[Music]

Elchico:          Ako po si Alvin Elchico.

Davila:            At samahan niyo po kami muli…

[Crowd cheering]

Davila:            …sa darating na Linggo at sama-sama nating kilatisin ang iba pang mga kandidato na tatakbo sa pagka-Senador.

[Crowd cheering]

Davila:            Ako po si Karen Davila. Hanggang sa susunod nating Harapan.

[Music]

[Crowd cheering]