Twitter | Facebook | LinkedIn

Beverly Hills Street, Bonuan Gueset, Dagupan City, Pangasinan, Philippines, 2400
US Toll Free: 1-866-256-5455

Harapan Episode 1 Transcript



0:00:38.5

[Video playing] [Music]

Davila:            Harapan na Pilipinas. Siyam na kandidato sa pagka-senador haharap sa taumbayan, live.

[Crowd cheering]

Elchico:          Animnapu’t dalawa ang naglalaban-laban para sa labindalawang pwesto sa Senado. Sino sa kanila ang makakasagot sa mga tanong at hinaing ng bayan?

[Crowd cheering]

                        Ako po si Alvin Elchico.

Davila:            At ako naman si Karen Davila. Ito ang una sa tatlong Senatorial Town Hall Debates ng ABS-CBN. Kapamilya, tutok na sa ating…

[Crowd cheering]

                        …Harapan 2019.

[Music]

                        Ang mga kandidatong maghaharap, ‘eto na para sa kanilang opening statement. Ang tanong, “Ano ang vision o pangarap mo para sa Senado? At ano ang pangunahing batas na isusulong mo?” Simulan natin kay Senator Bam Aquino.

[Crowd cheering]

Aquino:          Magandang-magandang gabi po sa ating lahat. Magandang gabi po.

[Crowd cheering]

Aquino:          Mga kaibigan, ang kailangan po ng ating bayan, isang Senado na independent. Hindi po sunud-sunuran sa mga taong nakaupo, bagkus ang kinakampihan ay ang taong bayan din po mismo.

[Crowd cheering]

Aquino:          Kailangan ho natin ng isang senadong magsisigurado na ang pangangailangan ng bawat pamilyang Pilipino natutugunan po – edukasyon, kalusugan, pagbaba ng presyo ng bilihin, hustisya. Kailangan ho natin ng isang Senado na ‘yun po ‘yung itataguyod. At siyempre po, kailangang lumaban din sa mga panukalang magsisilbing magpapabigat sa ating taong bayan.  

[Crowd cheering]

Aquino:          Kung tayo po pagpalain, ang gagawin ho natin, we will build on the reforms on education. Napasa na po natin bilang principal sponsor ang libreng kolehiyo dito po sa ating bansa.

[Crowd cheering]

0:03:14.3

Aquino:          Ngayon naman po, napakahalaga na ngayon na mas madali nang gumraduate ang ating mga kabataan, siguraduhin po natin na ang bawat graduate, mayroon pong magandang trabahong naghihintay po para po sa kanila.

[Crowd cheering]

Aquino:          Ang libreng kolehiyo po, iyan po ang unang reporma pa lang sa edukasyon. Kailangan nating dagdagan pa ito. Dagdagan ho natin ng pagpapaganda ng ating facilities, tulong sa ating mga guro, at pinakamahalaga po sa lahat, siguraduhin natin na ang bawat graduate meron pong magandang trabahong naghihintay po para po kanila.

[Crowd cheering]

[Bell rings]

Aquino:          Maraming salamat po. Thank you very much po.

Elchico:          Salubungin natin, Glenn Chong.

[Crowd cheering] [Music]

Chong:            Magandang gabi po sambayanang Pilipino. Ako si Glenn Chong, isang abugado at Certified Public Accountant. Dating kinatawan ng probinsya ng Biliran. Matapos po ang halalan nuong 2010, nakita ko po ang ebidensya at bakas ng dayaan sa ating halalan gamit ang Smartmatic Election System.

[Crowd cheering]

Chong:            Hindi po ninyo alam, may isang Pilipino na nakikipaglaban para sa inyo at para sa bayan. Para sa malinis at mapagkatiwalaang halalan.

[Crowd cheering]

Chong:            Ito po ang katunayan ko sa inyo mga kababayan. Mula sa 2010 hanggang 2019, 9 na taon nakikipaglaban po ako sa inyo, lingid po sa inyong kaalaman. Pero wala po akong kaso, ni isang kaso man lang. Ibig sabihin mga kababayan, ako ay nagsasabi ng katotohanan.

[Crowd cheering]

Chong:            Hindi kayang kakasuhan. Kaya po hindi po nila ako kayang (kunsabuhin), hindi po nila ako kayang bilhin. Anong ginawa nila? Pinagpapatay po kami. At ang unang biktima ay si Richard Santillan.

[Crowd cheering]

Chong:            Ang dugo po niya ay nasa kamay po nila. Kaya po mga kababayan, makikipaglaban tayo para maging malinis ang ating halalan.

[Crowd cheering]

0:05:18.9

Chong:            Ang laban n’yo ay laban ko, laban ng bawat Pilipino. Maraming salamat po.

[Crowd cheering]

Davila:            At susunod, Jiggy Manicad.

[Music] [Crowd cheering]

Manicad:        Magandang gabi po sa inyong lahat. Ako po si Jiggy Manicad, tumatakbong senador. And vision ko po para sa Senado, ay magkaroon ng bagong dugo ng magpapatupad ng mga makabagong polisiya kung saang po walang vested interest na inaatupag o ‘di kaya po ay tinitignan. Isang makakatohanan at isang pong patas na panunungkulan bilang public servant, ‘yan po ang aking pananaw.

                        Ang aking pong isusulong, pangunahin ay pagpaparami ng pagkain sa ating bayan. Pagpapalakas ng agrikultura, isang maka-Pilipinong agrikultura ang aking isusulong. Gawin po – gamiting ang mga pag-aaral at teknolohiya mula sa iba’t-ibang unibersidad. Sa UP Los Baños, Central Luzon State University, Tarlac State University, Benguet State University nang sa ganoon mapakinabangan po ng lahat.

                        Bukod po diyan, naniniwala ako na dapat pababain ang tinatawag na “Farm Inputs”. Pababain ang presyohan ng mga pataba at mga pestisidyo para sa mga magsasaka. Bigyang subsidiyo ang diesel na ginagamit sa mga traktora at bukod po diyan ay talagang i-mechanize ang mga sakahan.

                        Kung mura po na manggagaling ang pagkain mula sa kanayunan ay madali po itong mabibili ng mga mahihirap. Mayroon pa rin po tayong mga kababayan na kumakain lamang ng isang beses sa isang araw. ‘Pag minamalas ay hindi na po kumakain. Ito po ang tinatarget natin, mabigyan sila ng pagkakataon na makapamuhay ng maayos.

[Bell rings]

Manicad:        Salamat po.

[Crowd cheering] [Music]

Elchico:          Isang bagsak para kay Samira Gutoc.

[Crowd cheering]

Gutoc:             Magandang gabi! As-Salaam-Alaikum! Specially sa aking baby, d’yan sa Iligan, Marawi City. Nandito sila ngayong gabi, si baby Amir ko, three years old. Isa po akong ina, naging mambabatas po ng Autonomous Region in Muslim Mindanao. Isa po – isa pong babaeng lider dahil po naging aktibo tayo sa mga peace movements, dito sa Metro Manila.

                        Isa pong babae, the only thorn, este, rose among the thorns, at siya lang ang minsan tumatanggap sa debate na babae. [Laughs]

[Crowd cheering]

0:07:55.7

Gutoc:             Kinakaya ko po – kinakaya ko po dahil naniniwala tayo sa isang society, lipunan where equality of men and – men and women are guaranteed. Kinikilala po din natin ang kapayapaan ay dapat isulong, ang karahasan ay tuldukan. Mismo ito na experiensiya ko bilang isang Ranao Rescue Team worker. Nag-resign po ako sa administrasyon ni Duterte dahil sa isang rape joke na narinig ko.

[Crowd cheering]

Gutoc:             Narinig ko isang araw, or one week after the Marawi siege. I also served as Assemblywoman under the Aquino Administration. Under these circumstances, nakikita natin na kinakailangan po ng mga naninindigan na mga babae sa Senado. Kailangan po natin ng mga babaeng sumasabak, hindi natatakot at dapat nakikilala ang boses ng mga probinsiya dito sa Metro Manila.

                        Samira Gutoc po, naniniwala na bawat Pilipino ay dapat naririnig at walang nae-echapwera.

[Bell rings]

[Crowd cheering]

Davila:            At susunod, Florin Hilbay!

[Music]

Hilbay:           Ako po si Pilo Hilbay. Pinanganak at lumaki sa Tondo. Ang aking nanay ay isang Ilokana, graduate ng Grade 6, dating kasambahay. Ang aking, tatay, high school graduate, dating mensahero. Hindi po sila nakatapos, edukasyon ang tangi nilang pundar. Ako po ay nag-aral sa Tondo, naging isang ekonomista sa UST, nag-aral ng batas sa UP, isang iskolar ng bayan.

                        Noong 1999, pinalad po tayong maging Number One sa Bar Examinations. My entire professional life has been in public service. Ako po ay nagturo ng 18 taon. Noong 2014, pinalad po tayong maging isang Solicitor-General, isang batang pangunahing abogado ng bayan. Ipinaglaban, naipanalo, pinaglalaban pa rin natin ang West Philippine Sea.

[Crowd cheering]

Hilbay:           Bilang isang senador, tututukan ko ang sektor na aking pinanggalingan, ang sektor ng mga mahihirap. Ako ay may pangarap, isang Senadong malaya, isang Senadong hindi sunod-sunuran. Ako ay may pangarap, isang gobyernong lalaban sa droga nang hindi pumapatay.

[Crowd cheering]

Hilbay:           Rumerespeto sa kababaihan, hindi ibebenta ang ating teritoryo.

[Crowd cheering]

0:10:33.6

Hilbay:           Hindi gagawing dayuhan ang mga Pilipino sa sariling bayan. Hindi kakampi sa mga mandarambong at magnanakaw.

[Crowd cheering]

[Bell rings]

Hilbay:           Kasama ninyo, walang pangarap na imposible.

[Crowd cheering]

Elchico:          Introducing, Francis Tolentino.

[Music]

[Crowd cheering]

Tolentino:      Magandang gabi po sa inyong lahat, ako po si Francis Tolentino, isang abogado, dati pong mayor ng Tagaytay City, dati niyo pong MMDA Chairman.

                        Ang pangarap – ang pangarap ko po sa Senado, magkaroon po tayo ng isang Senado na maipagmamalaki natin. Maipagmamalaki natin sa hanay ng ibang bansa. Isang Senado na may moog sa kasaysayan, isang Senado na tumutugon sa mga pangangailangan ng ordinaryong tao. Isang Senado na malayo ang pananaw, forward-looking at tinitignan kung anong mga batas ang dapat ipatupad. Hindi ngayon, kung hindi sa kinabukasan para sa susunod na salinlahi. Isang Senado na hindi lang gumagawa ng batas dahil mayroong Senate investigation. Ang pangarap ko po ay isang Senadong maipag-mamalaki natin na magbibigay ng mataas…

[Crowd cheering]

Tolentino:      …na kalidad sa buhay ng bawat mamamayan na magbibigay ng dignidad sa bawat Pilipino at magbibigay ng kaligtasan sa Pilipino, hindi lamang ‘pag may sakuna, kaligtasan sa kahirapan, kaligtasan maging sa korapsyon.

                        Ako po si Francis Tolentino. Ang plano ko pong unang isulong bukod sa mga environmental laws ay magpasa ng batas kung saan masisigurado natin pagkatapos ng isang kalamidad ay makakabangon agad ang mahihirap na Pilipino. Magpasa ng isang batas na magplaplano sa mga lungsod at mga growth center ng Pilipinas. Isang Philippine Urban Development Commission na magpaplano sa lahat ng ating mga lungsod para sa kaunlaran. Maraming salamat po inyo.

[Bell rings]

[Crowd cheering]

Davila:            At kilalanin si Chel Diokno.

[Music]

[Crowd cheering]

0:12:45.5

Diokno:          Ako po si Chel Diokno at ako’y tumatakbo para sa Senado dahil ang batas ay hindi na patas.

[Crowd cheering]

Diokno:          Ang batas po natin ay ginagamit ng mga may kapangyarihan para isulong ang kanilang personal na interes. Ang batas po natin ay ginagamit ng mga corrupt at kriminal para sila’y mapawalangsala at ang batas ay ginagamit para lalo pang ilubog sa kahirapan ang mga mahihirap.

[Crowd cheering]

[Clapping]

Diokno:          Nasaan na po? Nasaan na ngayong ang hustisya? Siya’y nawawala. Siya’y nagtatago. Ayaw pong pag-usapan, ayaw bigyan ng pansin ng mga pulitiko ang hustisya dahil alam nila ang ibig sabihin ng hustisya ay pananagutan. Ang ibig sabihin ng hustisya ay empowerment at natatakot po sila, ‘pag magising ang mga taumbayan ay hindi na sila ihahalal sa susunod na halalan.

[Clapping]

Diokno:          Eh, ako po ay hindi ko – wala akong dalang bagaheng ganon at ako’y naniniwala na kailangan maayos natin ang hustisya para tayo umasenso at umangat ang buhay ng lahat.

                        Alam po ninyo ako’y – gagawin ko po ang lahat para ibalik ang katarungan sa’ting bayan. Magandang gabi po sa inyong lahat.

[Clapping]

Elchico:          Ayaw sa bobo, Larry Gadon.

[Crowd cheering]

[Clapping]

Gadon:           Magandang gabi sa inyong lahat at ako si Atty. Larry Gadon, isang abogado. Dahil na – ang senado ay paggawa ng batas, nararamdaman ko na kayang-kaya kong maging senador. At ang aking mga panukalang gagawin ay pagagaanin ko ang buhay ng tao sa pamamagitan ng pagpababa ng kuryente dahil ito ang nagpapahirap sa mga tao…

[Crowd cheering]

Gadon:           …at ito rin ang makakapagpalakas ng ating industriya. Kitang-kita – palalakasin ko rin ang food security. Kitang-kita sa distribution ng mga trabaho — 56% ang nasa service sector, 26% ang nasa agricultural at 18% sa industrial.

                        Makikita mo dito kahit ang Pilipinas ay napakayaman ang lupain ay salat na salat tayo sa pagsuporta sa agrikultura dahil 26% lamang ang employment dito. At pagdating naman sa industriya, 18% lamang ang employment. Ibig sabihin, hindi man ito nabibigyan ng atensiyon. At ‘yan ay dahil na rin sa kamahalan ng kuryente, yung pagkababa ng ating industriya.

0:15:37.3        Sa paulit-ulit na panahon na na ang ating mga lider sa bansa – paulit-ulit na sila ay humihingi ng inyong boto. Pero ano ang nangyayari pagkatapos n’yan? Hanggang dito ngayon pa rin tayo. Kung talagang gusto natin ng tunay na pagbabago, pumili kayo ng bago na hindi bobo!

[Crowd cheering]

[Bell rings]

Davila:            At kilalanin natin si Willie Ong.

[Music]

[Crowd cheering]

Ong:                Ako po si Dr. Willie Ong, isang doktor, isang cardiologist. Matagal na tayong tumutulong sa ating mga kababayan. Kaya lang sa tagal nating pagiging doktor, nakita natin ang dami talagang mga naghihirap at may sakit. Kaya ang priority ko talaga, kulang na kulang tayo dito sa kalusugan ng bayan natin.

                        At unang-una ‘yung libreng maintenance na gamot mula sa PhilHealth, ‘yan talaga fino-focus ko.

[Crowd cheering]

Ong:                Kasi sa ibang bansa nagagawa, tayo hindi kaya. Iyong mga libreng laboratory tests para check-up, libreng check-up sa doktor, kulang din tayo. Parang wala ding silbi ang PhilHealth natin, ‘di mo magamit pang-check-up, pang-inpatient lang. So ‘yan ang gusto nating tutukan.

                        At ‘yung mga operasyon. Ang dami kong nakikitang pasyente na may bukol sa leeg, may bukol sa katawan, hindi makatrabaho sila. At dahil dito, mga 50 to 100,000 sila. Pag magagamot natin ang – mabibigyan natin libreng operasyon, masi-save natin ‘yung buhay nila.

[Crowd cheering]

Ong:                So iyon lang po ang goal natin. Kahit sa mga kabataan, alam niyo naman ‘pag nagkasakit ang magulang n’yo, ang kapatid n’yo, talagang ubos ang budget natin, ubos ang income, pati pension mauubos din eh, lalo na kung nagda-dialysis. Pag nagda-dialysis, halos maibebenta mo na lahat.

[Crowd cheering]

Ong:                So, alam n’yo naman, hindi naman ako politiko pero nakita kong parang kailangan ko ‘to gawin para mas matulungan ang milyung-milyong Pilipino.

                        Maraming salamat po.

[Crowd cheering]

0:17:43.9

Davila:            At maraming salamat po sa ating mga kandidato. Kasama po dapat natin ngayon si Senator Koko Pimentel. Ngunit sinabi n’yang hindi na raw siya makakadalo dahil may importanteng kailangang asikasuhin.

Elchico:          So move on na po tayo, ano po? Napapanood po ang Town Hall Debate ni ABS-CBN, ANC, DZMM Teleradyo, news.abs-cbn.com, Facebook, Twitter, iWant, at The Filipino Channel.

                        At abangan, ang pagharap ng mga kandidato sa taong bayan sa pagbabalik ng Harapan 2019.

[Crowd cheering]

Elchico:          Balik po tayo rito sa Harapan 2019.

Davila:            Maririnig na po natin ang mga tanong ng ating mga kapamilya. At ito po ang ating sistema.

Elchico:          Isang “Town Hall” o harapan sa taong bayan ang ating debate. Pumili ang ABS-CBN ng mga taong kumakatawan sa mga isyung kinakaharap nating mga Pinoy.

                        Nagpalabunutan para sa pagkakasunod-sunod ng pagsagot ng mga kandidato. May isang minuto ang bawat kandidato para sagutin ang mga tanong. Maririnig ang hudyat na ito [Bell rings] kapag tapos na ang oras.

                        Ang ating Senatorial Town Hall Debate magsisimula na ngayon.

Davila:            Ang atin pong unang isyu, trabaho. Noong nakaraang halalan maraming nangako na ipatitigil na ang “endo” o End of Contract. Pero hanggang ngayon nandiyan pa rin ang endo at ‘yan ang hinaing ni Abel Tamayo.

Tamayo:         Ako po’y naging isang contractual sa mga pagawaan ng gamot, naging security guard pero hindi ko po naranasan ang maging isang regular na manggagawa. Kaya po noong ako’y napasok dito sa gobyerno bilang isang job order, ay naghahangad din po kami na sana mabigyan kami ng pagkakataon. Kaya ‘yun ang worry ko eh, paano ‘pag mahina na ako at ‘di na ako napapakinabangan o kaya bigla ako nagkasakit, bigla akong napilay, siyempre hindi naman nila sakop ‘yun. Ang – ako’y – iisa lang naman ang pangarap naming lahat na manggagawa din eh, maregular.

Davila:            At kasama natin ngayon si Mang Abel. Mang Abel, ano po ang tanong ninyo?

Tamayo:         Gusto  ko pong itanong sa mga ating kandidato ngayon kung ano po ang maitutulong niyo sa amin bilang isang ordinaryong manggagawa na magagawa niyong batas na matulungan kami na matapos na ‘to pong endo or mga kontraktual o ang JO?

0:02:09.3

Davila:            Senator Bam Aquino ang unang sasagot.

Aquino:          Magandang gabi, Kuya Abel. Alam niyo naman po na isa tayo sa mga author po ng Security of Failure Bill sa Senado. Nag-file na ho tayo diyan. ‘Yan po dumaan sa iba’t-ibang grupo ng mga manggagawa at ‘yan po sa batas na ‘yan sinisikap ho na matapos na talaga ang endo sa ating bansa.

                        Handa na po akong bumoto dito. Pero hindi po siya lumalabas sa plenaryo, pero handa na po akong bumoto para tapusin po ‘yung endo sa ating bansa. At siguro po para kay Kuya Abel, mas mahalaga pa, sisiguraduhin ho natin, hindi lang ‘yung pribadong sektor ang sakop ho nito pati rin po ‘yung mga nagtratrabaho na JO sa government offices, kailangan mawala na rin po ‘yung endo sa gobyerno.

                        At kasama niyo po tayo dito. Kung pagpalain po – irere-file po natin ‘yan kung ‘di po eto mapasa ng Mayo at sisiguraduhin ho natin handa tayong bumoto para matapos ho ang endo sa ating bansa.

                        Salamat po, Kuya Abel.

Davila:            At susunod naman, Dr. Willie Ong. Anong gagawin niyo sir?

Ong:                Yes, oo, kailangan naman talaga mahinto na ‘tong endo kasi kawawa ‘yung mga kababayan natin. Kahit sa mga government sector, I think 800,000 ang endo din.

                        Sa tingin ko sa mga malalaking kumpanya kaya naman nila ito matanggal ‘yung endo ‘pag malaki naman kinikita nila para at least tuloy-tuloy ‘yung sweldo at ‘yung mga benefits ng kababayan natin. Lalo na katulad ng sinabi ni Abel, ‘pag nagkasakit ‘di ba magkakaron ng maraming gastos, eh diyan nauubos ‘yung budget natin.

                        So – pero sa mga maliliit na mga negosyo baka hindi nila kaya. Pero sa mga malalaking businesses — mga fastfoods, department store, sa tingin ko dapat matigil na ‘yung endo at talagang boboto ako na mahinto na po ‘to.

0:03:49.3

Davila:            Atty. Florin Hilbay, kayo po ang susunod.

Hilbay:           Kailangang matapos ang endo. Ang endo ginagawang instrumento ng mga manggagawa. Hindi sila nagkakaron ng sense of participation sa ating mga industriya. Ang mga mangagawa ni hindi nila nararamdaman ang pagiging kasapi sa industriya, walang insentibong magtrabaho ng matagal, walang pang-insentibo para tumulong sa ating mga kababayan.

                        Napaka-importante na tulungan natin ‘yung ating mga kababayan dahil sila ay paulit-ulit lamang na nagagamit ng kapital. Hindi dapat ganoon ang relasyon ng kapital pati ng ating mga manggagawa. Habang wala pa tayong security of tenure dapat magkaroon tayo ng unemployment compensation para habang tumatawid sa bagong trabaho ang ating mga manggagawa mayroong ayuda ang pamahalaan at hindi sila naiiwan sa ere. ‘Yun ang kailangang gawin sa ating mga manggagawa.

[Clapping]

Davila:            Ang susunod, Atty. Chel Diokno.

Diokno:          Kailangan po may ending na ang endo. Tama po kayo, Mang Abel. ‘Yung issue na ‘yun hindi lang sa pribadong sector pati sa mga manggagawa sa ating pamahalaan.

                        Naaalala ko yung una-una kong kaso na nahawakan nung ako’y bagong abogado ay tungkol po sa mga kaswal, mga contractual sa MWSS pa po ‘nun. At hindi ko maintindihan kung bakit eh 30 taon na ang nakalipas hindi pa rin natin maayos itong problema ng kontraktwalisyon – contractualization. Dapat talaga po mawala na itong endo at ako’y – papagtanggol ko po ‘yan ‘pagka sakasakali makapasok ako sa senado.

Davila:            Atty. Larry Gadon, kayo naman sir.

0:05:27.7

Gadon:           There are about 42 million of the labor force – Philippines. Ngayon ang labor – ang service sector kasi is 56%, kaya hindi talaga maiwasan ‘yang endo kasi ang service sector ay ang iba d’yan panandalian lamang ang trabaho. Kaya ang solusyon d’yan, palakasin natin ang industrial sector, which is only 18%.

                        Eighteen percent lang, kasi hindi tayo nakakapag attract ng investors kasi nga napaka mahal ng ating kuyryente at pangit ang ating peace and order situation. Palakasin – gawin nating mura ang kuryente para maka-attract tayo ng investors and ayusin natin ang peace and order situation so that we can increase the regular workforce.

                        ‘Pagka na-increase – nabawasan natin ‘yan – ang kuryente –

dadami ang trabahong regular. Mababawasan ngayon sa service sector, malilipat sa industrial sector. ‘Yan ang solusyon.

[Crowd cheering]

Davila:            Samira Gutoc.

Gutoc:             Abel, umikot po ako — Cavite, Luzon areas, malaking issue po sa atin ang kontraktwalisasyon. Alam ko po na kailangan po ng security, kailangan po ng istabilidad ng bawat pamilya. Ang issue natin, trabaho, ‘di ba po? At hindi hawak sa leeg ng kumpanya kung kailan mawawala ang trabaho natin.

                        Indefinite contractualization is a form of slavery.

[Crowd cheering]

Gutoc:             It is a form of slavery when you don’t know when it’s going to end ‘yung iyong job term. I know there are contracts. Kailangan klaro sa atin when its going to end, there’s going to be insurance that it will be provided for us. We, the job sector, are the primary sector that provides the income for this country. Why are we the ones that are not insured? Insure us, please.

0:07:18.9

Davila:            At…

Gutoc:             Health – insurance po, job insurance by companies, Ma’am.

Davila:            At ang susunod, Glenn Chong.

Chong:            Hi, Sir Abel.

[Crowd cheering]

Chong:            Ang endo po ay nagsimula noong 1974 when labor only contracting was included in the Labor Code of the Philippines. 44 years na po nandiyan pa rin ang endo. Eh, paulit-ulit na rin po ang mga pangalan na nakakaupo sa Senado kaya sila po ang problema.

[Crowd cheering]

                        Bagong pangalan, bagong kandidato ang piliin n’yo. Ako po ay – itataya ko po ang aking political future upang isulong ang inyong kagustuhan na matanggal po ang endo or kontraktwalisasyon. Either tanggalin po natin ang labor-only contracting provision in the Labor Code o mag – balangkasin natin at maggawa ng panibagong batas na hindi na po ito pahihintulutan. Kaisa po ako ninyo upang mabigyan po kayo ng benepisyo ng regular na employment. That promise, I will keep.

[Crowd cheering]

Davila:            Ang susunod, Jiggy Manicad.

Manicad:        Mang Abel, ang endo po ay isang uri – ang – na makabago, modernong exploitation. Sinasamantala ang kahirapan, kahinaan ng isang empleyado para nang sa ganoon po ay malusutan ang mga labor laws.

                        Naniniwala po ako na dapat talagang tuldukan ang endo, hindi lamang po sa pamahalaan, hindi lamang po sa pribadong sektor, maging sa media. Marami po ang may problema diyan sa endo.

0:08:45.4       Lahat po ‘yan ay lalabanan natin at hindi po tayo mangingimi na labanan ‘yung mga malalaking kumpanya na nag – hanggang ngayon po ay nagpapatupad po ng ganiyang contractualization, lalo po sa pamahalaan na dapat ay maging modelo ng tamang pagpapalakad, tamang pagpapatupad ng labor laws.

                        Bukod po d’yan, isa pa pong concern, ‘yun pong mga barangay officials na wala pong sinusuweldo pero mga volunteers ‘yung iba. Dapat din po ito ay matutukan nang sa ganoon ay talaga pong walang masasabi na ini-exploit sa atin pong lipunan. Salamat po.

[Crowd cheering]

Davila:            At ang panghuli, Francis Tolentino.

[Clapping]

Tolentino:      Salamat po. Tol. Ang aking panukala d’yan, baguhin natin ‘yung Labor Code of the Philippines. Baguhin natin ‘yung mga appropriate…

[Clapping]

Tolentino:      …civil service regulations. Kailangan mayron talagang security of tenure. Tama ‘yung narinig ko kanina. Kailangan palakasin natin ‘yung industrial sector, ‘yung manufacturing sector. Kailangan natin taon-taon 3 to 4 million jobs…

[Clapping]

Tolentino:      …sa limang taon, bago marating natin ‘yung newly industrialized status.

                        Pero may dagdag ako sa’yo. Ang gusto ko ngayong mangyari, ‘yung mga senior citizens natin, ‘yung retirees, 56 years old, 60, makapagtrabaho uli, tanggapin uli sa labor force.

[Clapping]

Tolentino:      Salamat.

0:10:08.9

[Music]

Elchico:          Ang susunod na issue, presyo ng bilihin. Marami sa ating mga Pilipino umaaray na sa taas ng presyo ng mga bilihin, pati ‘yung mga may maliliit na negosyo, gipit na. Ito ang kwento ni Ronaldo Aribe.

Aribe:              Pangarap ko sa pamilya na makapagtapos lang ang mga anak ng pag-aaral tapos maka-survive lang, makaahon kami sa kahirapan sa buhay.

                        ‘Yung binibili kong ulam sa pananghalian, hanggang hapunan na namin kaya lang medyo tipid-tipid ng kaunti. Lalo sa bigas, mataas ang presyo. ‘Yung bibilihin na pang-ulam, kahit pang-sahog hirap pa eh. Pati mga gulay eh. Mahirap talagang ano, pagkasyahin ang kinikita sa isang araw.

Elchico:          At kasama natin ngayon si Tatay Ronaldo. Tatay, ano pong tanong po ninyo?

Aribe:              Matatanong ko lang, kasi isang OFW ang aking asawa at sa buwanan na padala niya ay medyo kapos talaga sa – dahil sa biglang pagtaas ng mga bilihin.

Elchico:          Mm hmm.

Aribe:              Kung kayo po ay mananalo sa eleksyon bilang senador, ano po ang inyong magiging batas o kaya magagawa sa pagtaas ng mga bilihin?

Elchico:          Ang una pong kandidatong sasagot ay si Samira Gutoc.

[Crowd cheering]

Gutoc:             Hi sir. Importante po sa OFW, nagdedeposito tayo ng pera. Minsan po ang taas ng remittance charges, kailangan po babaan para sa OFW families ang remittance charges para iyong bumibigay sa atin na pera ay buo, hindi siya masyadong nakakaltasan.

0:11:50.6        Issue ko rin po na ang taxation. Any form of taxation is an imposition, it is a burden. Importante po, the excise tax on TRAIN Law, it has to be reviewed, even suspended.

Gutoc:             Bakit ba naman TRAIN Law…

[Clapping]

Gutoc:                   …bakit ba naman taxation that is imposing on gasoline that affects everything else? Gasolina has a domino effect on everything else, especially sa atin sa mga probinsya na konti pa ang trabaho, konti pa ang source of income. Importante po review if not revoke that fuel excise tax imposition. Kailangan po ‘yung VAT i-review natin or suspend, repeal or put a ceiling on VAT, Value Added Tax.

[Clapping]

Elchico:          Ikaw naman, Glenn Chong.

Chong:            Sir, ang sagot ko po sa inyo ay long-term, kasi hindi po ito masosolba ng madalian. I always look at the election system. Ito po ‘yung puno, ugat at dulo ng kahirapan ng ating mga kababayan.

[Clapping]

Chong:            Kasi kapag ang eleksyon po natin tulad nitong Smartmatic system ay binibenta, binibili ng mga pulitiko, binabawi po ‘yan sa pera ng kaban ng bayan. So kapag naubos po ang pera ng kaban – ang pera sa kaban ng bayan, anong gagawin ng gobyerno, magpataw ng panibagong buwis. Ito’y magpapahirap sa ating mga kababayan.

                        Kaya if we’re looking for a long-term effective solution, kailangan po nating bawasan ang katiwalian sa gobyerno. At ito’y magsisimula sa isang madayang election system tulad ng Smartmatic.

                        Kaya po kung ako’y inyong pipiliin at pagkakatiwalaan, ang unang gagawin ko patatalsikin si Smartmatic at palitan…

[Crowd cheering]

0:13:22.0

Chong:            …ng hybrid election system. Isang mapapagkatiwalaang halalan upang makapasok po ang mga bagong leader na mapagkatiwalaan ninyo at will work for your best interest. Ito po ang long-term solution ko po. Maraming salamat.

[Bell rings]

Elchico:          It’s your turn, Atty. Florin Hilbay.

Hilbay:           Ilang taon po na hindi mataas at mabilis ang pagtaas sa mga presyo ng mga bilihin. Ang pagbilis ng pagtaas ng mga presyo ng bilihin ay nangyari lang po noong nakaraang taon. Dalawang bagay po ang ugat niyan. Unang-una ang pagpataw ng TRAIN Law. Malinaw po iyan. Pangalawa po ang mis-management ng NFA. Kaya po nahihirapan ang ating mga mamamayan, kaya po sila sumisigaw na napakataas ng presyo nga mga bilihin dahil d’yan sa TRAIN Law.

                        Ang atas – ang pangako ng ating Saligang Batas ay tinatawag na progressive system of taxation. Dapat ayon sa kakayahang magbayad ng buwis ang pinapataw na buwis. Malinaw sa akin na hindi nagampanan ng ating Kongreso ang kanilang responsibilidad na magpataw ng buwis ayon sa kakayahan ng atin mga mamamayan.

                        Pangalawa, kung nabantayan po nang maayos ang NFA ang ating bigas, hindi po kayo nandito ngayon at umaangal sa presyo ng mga bilihin. Salamat po.

[Bell rings]

[Crowd cheering]

Elchico:          Jiggy Manicad, ikaw naman sumagot.

Manicad:        Naniniwala po ako na dapat po ay hindi talaga isinasama sa panibagong taxation ang presyo ng mga produktong petrolyo dahil po tatamaan talaga nito ang mga basic commodities. Dapat po ang binubuwisan ay ‘yung pong makakasama sa kalusugan, maaalat na pagkain, matatabang pagkain at iba pa. Subalit, kung ito po, mga produktong petrolyo ang tatamaan, basic commodities at pinakamahihirap po ang tatamaan nito.

0:15:14.0        Subalit ang long-term po na nakikita ko dito dapat magkaroon talaga ng transparency sa tinatawag na oil acquisition, kung magkano po binibili ng mga kumpanya ng langis sa ibang bansa, itong mga oil na ito na dinadala sa Pilipinas nang sa ganoon, pag ibenenta po sa Pilipinas ay alam po natin ang presyo talaga niya kung mataas ba or talagang mababa po ang presyuhan ng mga ito. Mawala ang tax na mabigat sa produktong petrolyo, wala pong dahilan ang mga negosyante na itaas po ang presyuhan [Bell rings] ng bilihin. Salamat po.

[Crowd cheering]

Elchico:          Ikaw na, Larry Gadon.

[Crowd cheering]

Gadon:           Ang isyu dito ay ‘yung mahal ang bilihin ‘yun ang sinabi kanina. Alam niyo ba na ang inflation rate sa bigas nitong taon ng 2017 ay 8%, at ang isda ay 11%. At ang kagulat-gulat ha, ‘yung mga gulay 12%. Anong ibig sabihin nito? Kulang tayo sa produksyon. Walang kinalaman dito yung TRAIN Law. Ang kailangan dito…

[Crowd cheering]

Gadon:           …ay palakasin ang agrikultura sa pamamagitan ng pagbigay ng subsidiya dito sa mga farmers para yung kanilang pananim ay maging mausbong.

                        At ito namang sa mga fisherman, dahil nagmahal ng 11% yung isda, ay dapat sila ay bigyan ng mga panibagong kagamitan para sa modernong pangingisda. At dito naman sa mga gulay, bigyan sila ng mga kagamitan o asistihan sila na sila ay magkaroon ng magandang pagbiyahe ng mga gulay para ‘yung presyo nito ay mapanatiling mababa. Walang kinalaman yang TRAIN Law diyan.

[Bell ring]

0:16:55.4

[Crowd cheering]

Elchico:          Doc Willie Ong, kayo naman po.

Ong:                Yes. Sa mahal na bilihin talaga dapat talaga long-term ‘yung sa agriculture, mga ating magsasaka tutulungan natin, mabibigyan sila ng kapital sa mga tanim nila, sa patubig. Pero bukod sa mahal na bilihan, I think 70% diyan nauubos, isang malaking inflation ang hindi alam ‘yung inflation sa mahal ng presyo ng gamot. Kasi napaka – five times ang presyo ng gamot natin dito. Diyan nauubos ‘yung pera natin. So bukod sa pagkain, sa mga rental, ‘pag nagkasakit na ‘yung pamilya ay wala na talaga.

                        Kaya ang goal ko nga, magkaroon ng mga libreng check-up, libreng lab test sa PhilHealth para at least may safety net ang mga kababayan natin lalo na ‘yung mga OFWs na nagkakasakit din sa ibang bansa.

[Crowd cheering]

Elchico:          Susunod pong sasagot, Atty. Francis Tolentino.

Tolentino:      Mang Ronaldo, malaki yung problema natin, seryoso ‘yan dahil food security ‘yan. Lalong-lalo na pag tatama ang isang malakas na bagyo, sira ‘yung palayan natin sa Isabela, sa Cagayan,’ yung maisan, ang kailangan natin magbigay ng subsidy sa ating agrikultura.

                        Ang kailangan natin ibalik ‘yung sense ng Corporate Farming. Top 100 Corporations ng Pilipinas, tumulong sila sa agrikultura. Long-term sa mga kabataan, ibalik natin ‘yung mga agricultural high school. Palakasin natin ‘yung enrollment ng UP Los Baños at iba’t ibang agricultural schools.

                        At pangatlo siguro, ang dami nating proyekto ngayon, ilabas nila. Ilang trabaho ba ang naki-create nitong bawat proyektong ito?

0:18:26.3        ‘Yung mga nagungutang na negosyante, malalaking negosyante, ilang jobs ang maki-create? Siguro kung may pera ang tao, mababawasan, on the supply side, ‘yung inflation. Maraming salamat.

[Crowd clapping]

Elchico:          Atty. Chel Diokno, kayo naman po.

Diokno:          Ronaldo, hindi po makatarungan ‘yung sobrang pagtaas ng presyo ng bilihin. Hindi makatarungan ang excise tax na napapaloob sa TRAIN Law, dahil ‘yun ang talagang dahilan kung bakit tumaas ang presyo ng langis at sunud-sunuran na ‘yung ibang mga bagay.

[Crowd cheering]

Diokno:          Hindi rin makatarungan ang rate ng VAT. Dapat balikan natin ‘yung rate ng VAT at pababain natin ‘yan. At lalong-lalo na hindi makatarungan ‘yung tagapamahala ng NFA na pinabayaan nila ang isyu ng supply ng bigas sa atin.

                        Alam po ninyo, marami dapat managot dito sa nangyari at tayo talaga ang naghihirap pero sila naman ay nagpapakasarap. Palagay ko panahon na na magkaroon na sila ng pananagutan.

[Crowd clapping]

Elchico:          At panghuli, Senador Bam Aquino.

[Crowd cheering]

Aquino:          Mang Ronaldo, magandang gabi. Alam niyo po nung December 2017 pinapasa po ‘yung TRAIN Law at isa po ako sa mga nag-No sa TRAIN Law.

[Crowd cheering]

Aquino:          Apat lang po kami noon sa Senado nag-No po kami dahil aminado naman po ‘yung gobyerno noon na kung ipapasa po ‘yung TRAIN Law, tataas po ‘yung presyo ng bilihin.

0:19:47.4

Aquino:          At ‘yun po ‘yung sinasabi ko, kailangan ho natin ng mga senador na tututol at hihindi kapag ‘yung panukala makakasama po sa taong bayan.

[Crowd cheering]

Aquino:          Now, ano po ang nangyari? Nung sumipa po ‘yung presyo, sumipa po ‘yung inflation, by April nag-file na po kami ng Bawas-Presyo sa Petrolyo Bill na sinisikap na amendiyahan po ‘yung TRAIN Law. Tanggalin po ‘yung probisyon na nagdadagdag po ng buwis dito po sa diesel at gasolina. At ‘yun po ‘yung nagtutulak sa mga presyo po ng bilihin na pataas.

                        Alam ho ninyo, pagdating po ng 2020, may PHP2.00 na naman po na idadagdag po ‘yan at kailangan na ho nating amendiyahan ‘yan. Sana po iboto ho natin ‘yung mga senador na willing na mag-commit na baguhin po ‘yung TRAIN Law…

[Crowd cheering]

Aquino:          …tanggalin po ‘yung mga probisyon na nagdadagdag po [Bell rings] sa presyo ng bilihin.

Elchico:          Maraming salamat sa ating mga kandidato.

                        Boss, ikaw ba’y kontento sa mga sagot ng ating mga gustong maging senador?

Aribe:              Okay na po sa akin.

Elchico:          Sa mga kandidato, sino ang sumagot na para sa’yo ang swak sa tanong mo?

Aribe:              Well, halos – may ano sila eh.

Elchico:          Mm hmm, wala kang gusto eh, siyam lang yan sa 68 kandidato?

                        Sa aming pagbabalik masusubukan naman ang bilis sa pagsagot ng mga kandidato. Diyan lamang po kayo. Ito ang Harapan 2019.

[Crowd cheering]

[Music]

[Crowd cheering]

Davila:            At narito po tayo sa unang round ng ating fast talk. Mabilisang sagot po ito sa mabilisang tanong. Dalawang minuto sa bawat kandidato, puwede itong yes, no, bakit, at sagutin n’yo ng diretsohan.

                        Una, Florin Hilbay. Fast talk.

[Crowd cheering]

Davila:            Dapat bang managot si dating Pangulong Aquino sa Mamasapano Massacre?

Hilbay:           Hindi.

Davila:            Bakit?

Hilbay:           Hindi. Sa aking pananaw, nagbigay s’ya ng isang utos sa kanyang subordinate, hindi nagawa ng kanyang subordinate ‘yung utos na ‘yon. Hindi puwedeng managot ang isang pinuno sa kamalian ng kanyang subordinate.

Davila:            Dapat bang managot si dating Pangulong Aquino sa Dengvaxia controversy?

Hilbay:           Iyan po ay isang usaping legal. Hindi po natin masasagot ‘yan dahil ‘yan po ay nasa korte. Kung may responsibilidad ang presidente, dapat ang korte ang magsabi.

Davila:            Pabor ka ba na gawing legal ang medical marijuana?

Hilbay:           Pabor. Dahil medical ang…

Davila:            Nakatikim ka na ba ng marijuana?

Hilbay:           Hindi pa po.

Davila:            Pabor ka ba sa same sex marriage?

Hilbay:           Pabor.

Davila:            Dapat na ba gawing legal ang divorce?

0:01:22.7

Hilbay:           Dapat.

Davila:            Dapat ba maging college graduate ang mga senador?

Hilbay:           Hindi kailangan.

Davila:            Bakit?

Hilbay:           Dahil – dapat ang bawat Pilipino magkaroon ng access sa ating mga public – public positions. Hindi kailangang maging college graduate ang mga senador.

Davila:            Kung i…

Hilbay:           Dapat ang mamamayan ang magdesisyon.

Davila:            Kung ikaw ang pulis na tinapunan ng taho sa MRT ng babaeng Chinese, ipade-deport mo ba siya?

Hilbay:           Yes.

Davila:            Kung manalo ka, anong issue ang una mong paiimbestigahan bilang senador?

Hilbay:           Ang kultura ng pagpatay.

Davila:            Dapat ba ikulong si Pangulong Duterte?

[Crowd cheering]

Hilbay:           ‘Yan po ay dapat pagkatapos ng due process, kailangang husgahan ng hukuman.

Davila:            Pabor ka ba sa Federalism?

Hilbay:           Hindi. Magastos, hindi kailangan.

Davila:            Pabor ka ba sa constituent assembly?

Hilbay:           Yes. Kung kakailanganin.

Davila:            Pabor ka ba sa Cha-Cha na papayagang tumakbo muli si Pangulong Duterte?

Hilbay:           Hindi. Ang kanyang kontrata sa mga Pilipino, hanggang 2022 lamang.

0:02:27.4

Davila:            Maraming salamat. Florin Hilbay.

Hilbay:           (Salamat).

[Crowd cheering]

Davila:            Ang susunod natin sa fast talk – Francis Tolentino.

[Crowd cheering]

Davila:            Kapag wala kang garahe, dapat ba wala kang kotse?

Tolentino:      Hindi po.

Davila:            Dapat bang gobyerno na ang magpatakbo ng mga bus sa EDSA?

Tolentino:      Hindi po.

Davila:            Bakit?

Tolentino:      Eh, karapatan po ng pribadong sektor na pumasok din sa ganitong uri. ‘Pag binigyan sila ng prangkisa ibig sabihin eh, may imprimatur din po ang pamahalaan doon. Kaya ang pamahalaan ang dapat pumili kung sino ‘yung karapat-dapat na magkaron ng prangkisa.

Davila:            Sino ang dapat managot sa kapalpakan sa MRT?

Tolentino:      Eh yung DOTR po dati siguro.

Davila:            Sino ‘yun?

Tolentino:      Si Abaya, ‘yung mga dating magkasasama sila doon.

[Crowd cheering]

Davila:            Pabor ka ba sa anti-dynasty law?

Tolentino:      Hindi po.

Davila:            Dapat bang may batas kontra sa political turncoatism?

Tolentino:      Dapat.

Davila:            Maituturing mo bang balimbing ka?

Tolentino:      Hindi po.

0:03:31.7

[Crowd laughing]

Davila:            Bakit mo nasabi ‘yun sir?

Tolentino:      Ano po?

Davila:            Ba’t n’yo nasabi ‘yun sir? Dati po tumakbo kayo sa ilalim ng…

Tolentino:      Nung tumakbo po ako dati, independent po ako.

[Crowd cheering]

Tolentino:      Kahit tignan n’yo po ‘yung CONA ko, independiente po ako.

Davila:            Pabor ka ba na gawing legal ang medical marijuana?

Tolentino:      Hindi po.

Davila:            Bakit?

Tolentino:      Wala pa hong validated scientific basis na ito ay makakatulong.

[Crowd cheering]

                        Maging sa ibang estado po ng Amerika, hindi pa ho ‘to naaaprubahan.

Davila:            All right. Dapat bang isoli ng pamilya Marcos ang di-umano’y ill-gotten wealth nila?

Tolentino:      ‘Pag napatunayan po sa husgado.

Davila:            Sinong mas maituturing mong mas kaibigan ng Pilipinas, America o China?

Tolentino:      Historically, ang America pa ho talaga ang malapit sa atin.

Davila:            Dapat bang palitan ang pangalan ng Pilipinas at gawing Maharlika?

Tolentino:      Siguro po dapat ang sumagot po nito ang taong bayan.

Davila:            Pabor ka ba sa Cha-Cha na papayagang tumakbo muli si Pangulong Duterte?

0:04:28.3

Tolentino:      Sinabi na po – sinabi na ho ni Pangulong Duterte na hindi na siya magtatagal any minute longer after his term ends in 2022.

Davila:            Pabor ka ba sa Constituent Assembly?

Tolentino:      Opo.

Davila:            Boboto ka ba sa Federalism?

Tolentino:      Opo.

Davila:            Maraming salamat, Francis Tolentino.

[Crowd cheering]

[Clapping]

Elchico:          Oh, ako naman fast talk tayo. Kasama si Human Rights lawyer Chel Diokno.

[Crowd cheering]

Elchico:          Attorney Chel, may maganda bang nagawa ang Duterte administration?

Diokno:          Ah, ‘yung No Smoking.

[Crowd laughing]

Elchico:          Kung aalukin ka ng puwesto sa Duterte administration, tatanggapin mo ba?

Diokno:          Hindi po.

Elchico:          Bakit?

Diokno:          Ay, hindi ako sang-ayon sa mga dinadala niyang mga isyu at polisiya.

[Clapping]

Elchico:          Dapat bang palitan ang pangalan ng Pilipinas at gawing Maharlika?

Diokno:          Ay bakit pa natin papalitan ng pangalan ng ating bayan, ang dami dami natin problema na tunay.

0:05:23.2

[Crowd cheering]

Elchico:          Kung anak mo ang na-rape o napatay, dapat bang i-death penalty ang kriminal?

Diokno:          Hindi po ako – tutul na tutol po ako sa death penalty dahil anti-poor po ang death penalty.

[Crowd cheering]

Diokno:          It is the severity – it is not the severity of the punishment, but the certainty that stops crime.

Elchico:          Sa isang salita, ilarawan mo ang mga senador natin ngayon?

Diokno:          Naku, isang salita, nagdadalawang-isip.

Elchico:          Lulubog ang barko, isa lang ang natitirang life vest, kanino mo ibibigay? Kay Pangulong Duterte o kay dating pangulong Arroyo?

[Crowd laughing]

Diokno:          Naku. Baka sa akin na lang kaya. [Laughs]

[Crowd laughing]

[Crowd cheering]

Elchico:          Pabor ka ba – pabor ka ba sa Federalism?

Diokno:          Hindi po.

Elchico:          Dahil?

Diokno:          Ayaw ko ng Federalism dahil parang hindi naman niya ma-address ang talagang tunay na problema ng bayan, problema ng pagkain, trabaho, problema ng kalayaan at katarungan.

Elchico:          Pabor ka ba sa constituent assembly?

Diokno:          Kung magpapalit po tayo ng konstitusyon ay dapat constituent assembly.

Elchico:          Pabor ka sa Cha-Cha na papayagang tumakbo muli si Pangulong Duterte?

0:06:25.6

Diokno:          No na no, na no, na no ako sa Cha-Cha.

[Crowd cheering]

Elchico:          Dapat bang amyendahan ang Party-list Law?

Diokno:          Yes. Kasi ngayon eh ay pumasok na ang mga politiko sa party-list. Alam natin ‘yun tunay na layunin ng partylist ay para sa mga sektor, para sa mga nangangailan.

[Crowd cheering]

Elchico:          Ano ang stand mo sa same sex marriage?

Diokno:          I’m in favor of same sex marriage.

[Crowd cheering]

Elchico:          What about ang divorce?

Diokno:          I am in favor of divorce as well.

Elchico:          Dahil? Dahil?

Diokno:          Ay talaga naman mahirap ‘yung ating batas ngayon na kailangan pa ma-establish ang psychological incapacity.

Elchico:          Maraming salamat.

Diokno:          Alam naman natin na maraming…

[Bell rings]

Diokno:          …naghihirap na mga mag-asawa.

Elchico:          Maraming salamat Atty. Chel Diokno.

[Crowd cheering]

Elchico:          Panghuli po sa round na ito, Dr. Willie Ong.

[Crowd cheering]

Elchico:          Bilang doctor, dapat bang isapubliko ang estado ng kalusugan ng Pangulo?

Ong:                Yes.

0:07:18.1

Elchico:          Dahil?

Ong:                Para malaman ng taumbayan. Sa tingin ko healthy naman siya.

Elchico:          Bilang doctor, dapat ba ang medical marijuana?

Ong:                Puwede lalo na sa mga stage 4 cancer…

[Crowd cheering]

Ong:                …sa mga nabigyan natin ng chance ‘yung mga – after magandang medical studies.

Elchico:          Sa tanang buhay mo nakasubok ka na ba ng marijuana

Ong:                Never po.

Elchico:          Ano ang pinakasakit ng lipunan na dapat harapin o hanapan ng lunas ng Senado?

Ong:                Kulang ang pera, sakit sa bulsa. [Laughs]

Elchico:          Sino ang dapat managot sa paglaganap ng tigdas?

Ong:                Marami kasi ‘yan eh, worldwide problem. Tumataas ang tigdas at nagwawala – nawawalan ng tiwala ‘yung kababayan natin. Dapat talaga maitaas natin yang vaccination rate sa tulong ng DOH.

Elchico:          Agree or disagree. Umiiwas ang tao sa doctor dahil mahal maningil?

Ong:                Yes. Oo, nahihirapan sila. Kailangan nila talaga yung libreng gamutan kasi medyo mahal ngayon ang mga…

[Crowd cheering]

Ong:                …professional fee.

Elchico:          Kung papalarin ka, ano ang unang batas na gagawin mo?

Ong:                ‘Yung sa PhilHealth, kailangan malibre yung mga lab tests, maintenance medicines at ‘yung mga operation nila. ‘Yan ang kailangang-kailangan nila.

0:08:30.6

[Crowd cheering]

Elchico:          Kung sakaling gusto ni misis na magpa-lipo at botox, pabor ka ba?

Ong:                Hindi na kailangan, okay naman siya.

[Crowd cheering]

Elchico:          Dapat bang tanggalin ang term limits ng mga nahalal na pulitiko?

Ong:                Kailangan mayroong term limits para hindi maabuso.

Elchico:          Dapat bang ibalik ang death penalty?

Ong:                Ah, kung talaga sa heinous crime, pwede.

Elchico:          Pabor ka ba sa Federalism?

Ong:                Oo.

Elchico:          Dahil?

Ong:                Ah, pwede natin subukan kung makakatulong ‘to sa bayan natin.

Elchico:          Pabor ka ba sa constituent assembly?

Ong:                Yes, kung babaguhin ‘yung Constitution.

Elchico:          Pabor ka ba sa Cha-Cha na papayagang tumakbo muli si President Duterte?

Ong:                Hindi po. Ah, sinabi naman niya isang term lang siya.

Elchico:          Maraming-marami salamat, Dr. Willie Ong.

Ong:                Thank you.

[Crowd cheering]

Elchico:          Issue ng kalusugan at mga batang sangkot sa krimen, ‘yan ang ating babalikan. Kapit lang. Ito po ang Harapan 2019.

[Crowd cheering]

[Music]

Elchico:          Nagbabalik ang Harapan 2019.

[Clapping]

Elchico:          Issue number 3. Kalusugan. Kamakailan po, biglang dumami ang kaso ng tigdas ng ilang rehiyon. Karapatan ang mabuting kalusugan pero may mga lugar na hindi naaabot ng serbisyong medikal. ‘Yan ang istorya ni Dr. Erica Davillo.

Davillo:           Isa akong doktor. ‘Yung mga medical mission na pinupuntahan namin ‘yung mga liblib na lugar. Dalawang beses na kaming nakapunta ng Marawi, Tawi-Tawi, Siargao Island. Nakapunta kami ng Batanes.

                        Tuwang-tuwa sila ‘pag nakikita kami. ‘Yun ‘yung unang pagkakataon nila na makakita ng doktor sa buhay nila. Mayroon mang mga health centers sa mga liblib na lugar, ang problema walang doktor, malayo ‘yung mga health center, malayo ‘yung mga ospital sa mga bayan, sa mga komunidad.

                        Ang pinaka-challenge ko, hindi na darating ‘yung time na parang may mamamatay na lang na Pilipino na hindi man lang nakakita ng isang doktor.

Elchico:          At kasama natin ngayon si Dok Erica. Dok, shoot. Anong tanong mo?

Davillo:           Okay. Kung sakali pong maihalal, ano po ang puwede nating gawin upang makasiguro na mayroong mga doktor sa mga liblib na lugar dito sa Pilipinas? At bukod doon, ano ‘yung kasiguraduhan natin na may maibibigay pagdating sa kaligtasan ng mga doktor na ito?

Elchico:          Ang una pong kandidatong sasagot ay si Ginoong Glenn Chong.

[Crowd cheering]

0:01:36.1

Chong:            Hi Dok! Hi Dok! Noong ako’y Congressman pa lamang, nag-institute po ako ng strategic health initiative. Pumili po ako ng mobile clinic at nilagyan ko po ng 32 doctors, dentists and nurses.

[Crowd cheering]

Chong:            Araw-araw po kaming nagme-medical mission mula Lunes hanggang Biyernes. So I would like to institute that system nationwide for far-flung barangays para mayroon pong immediate intervention po para sa ating mga liblib na lugar.

                        But with respect to security, I think that would have to be provided by our internal security forces. I would like to look at it that way na i-integrate po natin ‘yung medical intervention with sufficient security. Nagawa ko na po ‘yan noong ako’y Congressman dati at I will build on that experience na gawin po ito nationwide. Maraming salamat po.

[Crowd cheering]

Elchico:          Doktor ang nagtanong, doktor din ang sasagot. Dr. Willie Ong.

[Crowd cheering]

Ong:                Yes, Erica. Alam naman natin napakahirap. May doktor na pinapatay ‘pag nasa probinsya. Sa Sulu, may medical mission, pinasabog. Kaya ang mga doktor hirap pumunta.

                        Tatlong strategy, una dapat magti-train tayo ng mga scholars na galing doon mismo sa Mindanao, sa lugar nila. Bibigyan natin ng salary.

[Crowd cheering]

Ong:                Libre ‘yung education nila para pagbalik nila maging doktor sila, magsisilbi sila doon at ligtas sila.

0:02:59.5

Ong:                Pangalawa, ‘yung mga barangay health workers. Sila ang tumitingin ng patients. Ito ‘yung tutulungan natin, ‘yung mga nurses para pumunta doon sa mga malalayong lugar.

                        Pangatlo, ang bagong-bago, telemedicine, ginagawa sa ibang bansa. May special machine lang, ‘yung doktor, pwede na sa PGH, magagamot n’ya ‘yung pasyente sa probinsiya. By telemedicine…

[Crowd cheering]

Ong:                …mayroon nang stethoscope ‘yun, may ultrasound na ‘yun, may lab test na ‘yun at safe na. ‘Yung expert dito gagamutin ‘yung nasa probinsiya. May Telemedicine Law na nakabinbin ngayon, maganda ituloy natin ‘yan.

[Bell rings]

Elchico:          Thank you.

[Crowd cheering]

Elchico:          Next, Samira Gutoc.

[Crowd cheering]

Gutoc:             Hi, Ma’am Doc. Bakit, Ma’am, ang tanong ko that our doctors, napakagaling, bakit po nag-a-abroad? Why do they leave? Why? Ang incentives for our doctors, are they provided for? Are they given enough incentives to stay in the provinces?

                        Ang dami nating magagaling hindi po nagseserbisyo sa mga probinsiya. Alam ko ‘yon where infant mortality is highest, ako po ay nandoon sa ARMM.

                        Importante po Doctors to the Barrios should be institutionalized, doctors for barrios should be given subsidy, barangay health workers and programming by the doctors led by doctors themselves should be a priority by the LGU, if not, the national DOH.

0:04:19.7

[Crowd cheering]

Gutoc:             Kailangan po automatic allocation ang health subsidy and health hazard insurance ng bawat doktor para hindi matakot ang doktor magserbisyo sa mga probinsya.

[Crowd cheering]

Elchco:            Larry Gadon, kayo na po ang susunod.

Gadon:           Ang issue ngayon ‘yung ah – ang malawakang issue ngayon ‘yung ah tigdas at saka ‘yung iba pang mga kinasasanhi ng pagkamatay ‘yung kagaya ng TB at saka pneumonia. Ah, hindi naman kailangan lahat ng lugar ay mayrong doktor eh, pwede ka namang mag-hire diyan ng mga nurses na pwedeng magsaksak ng mga vaccines, noh?

                        Ang problema ganito, kulang sa information campaign dahil sang-ayon sa datos ng Department of Health, ang mga nagpapabakuna ‘yung age na three months old hanggang sa nine years old or twelve years old ay umaabot sa mga 70%, noh, more or less. At ‘yung mga susunod na edad na twelve years old to – ah twelve months to 24 months ang nagpapabakuna dito ay less than 60%. And would you believe, ‘yung follow-up doon sa age na 35 months and above, ang datos diyan ay nasa mga 20% lamang. So anong ibig sabihin nito? Kaya sila tinatamaan [Bell ring] ng sakit…

Elchico:          Time is up, sir.

Gadon:           …hindi kumpleto ang kanilang vaccine program.

Elchico:          Thank you po. Maraming salamat. Susunod, Atty. Chel Diokno.

[Crowd cheering]

0:05:43.0

Diokno:          Mayroon na po tayong – mayroon na po tayong Universal Health Care Bill. Pumasa na ‘yan sa Kongreso, nasa Malacañang na ‘yan. Sana po ay maaksiyunan na ni Pangulo. Pangalawa, marami naman akong kaibigan na mga doktor talagang gusto naman nilang tumulong. Ang issue nga lang, one, security. Pangalawa ay resources.

                        So kung mabibigyan ng pamahalaan ng tulong itong mga doktor, I think we can address that problem. Education is also needed kasi ‘yung isyu kasi ng medical access ay kinakailangan alam ng lahat.

Elchico:          Ikaw naman, Jiggy Manicad.

[Crowd cheering]

Manicad:        Dok, pagkain, kalusugan, dapat po maging prioridad ng pamahalaan. Dapat po buhusan ng pondo ng pamahalaan ang kalusugan.

                        PHP200 million allocation ng bawat Senador kada taon. Kung ako po’y magkakaroon ng pagkakataon, ilalagay ko po ‘yan, idi-distribute ko sa lahat ng ospital sa bawat rehiyon sa Pilipinas nang sa ganoon magkaroon po ng access ang mga kababayan natin.

[Clapping]

                        Pangalawa po, naniniwala po ako na dapat talaga ay mapalakas ‘yung mga programa na pagiging makabayan ng mga doktor. Kailangan po any maitanim sa kanila ‘yung pagsisilbi sa kapwa ng todo. Subalit dapat may suporta ang pamahalaan na tamang insentibo para sa kanila.

                        At ‘yung seguridad po, ‘yan po ay kayang sagutin ng AFP at PNP. Galing na din po tayo sa Sulu, Tawi-Tawi, Basilan at nakita po natin ‘yung mga problema niyan sa security. Kayang-kaya po ‘yan ng military at PNP pagdating po sa seguridad. Salamat po.

0:07:19.1

[Crowd cheering]

Elchico:          Pakisagot po ang tanong, Senador Bam Aquino.

Aquino:          Yes. Unang-una, Doc Erica, salamat sa binibigay mong serbisyo sa taumbayan. Tama ka, may mga kababayan tayo mabubuhay, mamamatay na walang doktor na makikita.

                        Siguro po ‘yung pananaw ko dito puwede nating – ‘yung perspektibo po mula doon sa libreng kolehiyo, ‘no. Ngayon ho libre na po ‘yung kolehiyo sa ating state university and college. ‘Di na po malayo na magdagdag tayo ng mga scholarships para po sa mga potential doctors ho natin.

                        ‘Yung Doctors for the Barrios program maganda, pero ‘yung isang innovation po dito, baka puwede ‘yung 44,000 barangays natin ang nagbibigay ng suhestiyon kung sinong mga kabataan ang makakatanggap ng scholarships na ito. Gawin ito every three years.

                        Ngayon po milyun-milyong estudyante na ang mayroong libreng kolehiyo. I’m sure 44,000 po na medical students kayang-kaya ho nating tustusan. At palagay ko po ‘pag nagawa ho natin ‘yan, mayroon silang two to three years sa barangay, tapos may papalit na bago, magkakaroon po tayo doctor for every barangay gamit po ‘yung libreng kolehiyo sa ating state universities and colleges. [Bell rings] Salamat po.

[Clapping]

Elchico:          Kayo na po, Atty. Francis Tolentino.

Tolentino:      Doc, alam mo ang problema natin dito nagsimula ito noong ginawa ‘yung Local Government Code. Dinevolve ‘yung health functions sa mga LGUs subalit hindi binigyan ng pondo. Ang plano ko baguhin natin ‘yung Local Government Code, ibigay talaga ‘yung resources sa mga pamahalaang local, hindi gaya ngayon centralized.

0:08:48.1

Tolentino:      Bigyan kita ng halimbawa. Kung magkakaroon ng tigdas outbreak sa Mindoro Oriental, alam niyo po ba kung saan kukuha ng gamot? Project 4 Quezon City, Department of Health, Region IV-B.

                        So ang ibig ko pong sabihin palakasin natin ‘yung mga pamahalaang lokal. Maraming problemang nasyunal, ang solusyun, lokal.

Elchico:          Maraming salamat po. Ang panghuling sasagot, Atty. Florin Hilbay.

[Clapping]

Hilbay:           Kailangan pong ipasok sa educational system ang Doctors to the Barrios program. Kailangan nating magkaroon ng batas kung saan ‘yung ating mga bata gustong maging doctor. Pwede silang magkaroon ng access sa mga special scholarships para kapag sila ay nabigyan ng scholarship, pwede silang maging Doctor to the Barrios. Kaya mapagsasama po natin ang intensyun tumulong ng ating mga doktor sa tulong ng ating sambayanan.

                        Ang kalusugan ay karapatan. Hindi pwedeng dapat mayroong isang lugar kung saan walang doktor. Kung maisasama po natin sa ating educational system…

[Crowd cheering]

Hilbay:           …ang Doctor to the Barrios program, makakasiguro tayo na magakakroon tayo ng isang armada ng mga doktor na handing tumulong sa lahat ng ating mga kababayan. Salamat.

Elchico:          Maraming salamat po.

[Crowd cheering]

Elchico:          Doc, are you satisfied sa mga sagot ng ating mga kandidato?

0:10:06.7

Davillo:           Iba-iba pong mga plataporma at suhestiyon na galing sa mga kandidato natin. Siguro on my side, hayaan ko na po ‘yung sambayanang Pilipino ‘yung mag-decide kung sino ‘yung nararapat. At sana lahat po ng mga plataporma nila, ‘pag sila ay nailuklok, eh magampanan po nila ng taos sa puso. Salamat.

Elchico:          Maraming salamat, dok. Pasa natin kay Karen sa isa pang issue.

Davila:            At ang huling issue natin ngayong gabi, issue number 4, ang ating justice system, 15 ba, 12 ba, 9 ba, mainit na issue ang minimum age of criminal responsibility pero malaking isyu rin ang rehabilitasyon ng mga batang lumalabag sa batas. Ito ang kwento ni John Carlo Gambito.

Gambito:        Na-set-up ako sa drugs. Seventeen years old ako noong nangyari ‘yun. Tapos naming na-inquest, pinasok kami sa loob ng Molave. Mahirap ‘yung buhay doon eh. Hindi naman dapat ganoon ‘yung trato samin. Pinapahiga na lang kami sa sahig na malamig, sa pagkain pinag-aagawan pa nila, pinag-aawayan pa. Sana huwag na lang ibaba ‘yung criminal liability ng mga minor kasi mas mahirap para sa mga bata na makukulong. May pag-asa pong mabago ‘yung buhay namin kung tutulungan din po nila kami para hindi kami itrato na parang kriminal talaga.

Davila:            At ang kasama natin ngayon si John Carlo. Anong tanong mo sa mga kandidato?

Gambito:        Sa karanasan ko sa loob ng Molave, hindi sapat ‘yung mga programa nila ‘dun. Ngayon, sang-ayon ba kayo sa pagbaba ng criminal liability ng mga bata at paano ba ang tamang pagpapalakad ng Molave Youth Homes para tuloy-tuloy na ‘yung kanilang pagbabago?

Davila:            Sang-ayon, anong edad, anong dapat gawin? Larry Gadon, mauna po kayo.

0:11:59.2

Gadon:           Sang-ayon ako sa pagbaba ng responsi… kriminalidad. Dahil ang mga bata ngayon mas matalino. Alam naman nila kung ano ‘yung mali at tama. Ngayon kung ang problema ay ‘yung pasilidad, eh ‘di ‘yun ang bigyan ng pansin. Pero ‘wag nating pabayaan na kahit na ‘yung mga bata eh alam naman nila ‘yung – ‘yung meron naman silang tinatawag na “discernment”, eh gagawa sila ng krimen dahil ang nasa isip nila, hindi naman ako parurusahan eh.

                        Hindi dapat ganoon ang ating mentalidad. Konti lang naman ‘yang mga ganyang klase ng pag-iisip. Ang dapat ang isipin natin ‘yung general na pagpatupad ng batas na kung ano ang tama, ‘yun ang tama, at kung ang mali, mali at ‘yun ay dapat parusahan. Salamat.

Davila:            Tanong ko lang, anong edad sir?

Gadon:           ‘Yung 12 okay sa akin ‘yun.

Davila:            Okay. Jiggy Manicad, susunod.

[Crowd cheering]

Manicad:        Trese anyos po ay naniniwala ako na dapat ibaba dahil base po ito sa karanasan. Nakita natin sa kalye, mga batang hamog, mga batang courier ng droga at mga batang kriminal.

                        Subalit, hindi po sila dapat isama sa mga hardened criminals. Dapat po ay sapat ang pasilidad para sa kanilang rehabilitasyon. Turuan sila ng skills, paggawa ng kandila, sabon, turuan makapag-aral sa loob ng reformation center. ‘Di sila dapat i-selda at maramdaman nila na sila ay bata at meron pa rin pong pag-asa.

                        At ang long-term o pinakamalaki na dapat gawin ay habulin po ‘yung mga mastermind, ‘yung mismong mga drug lord, ‘yung mismong mga kriminal na gumagamit po sa mga batang ito nang mailayo po sila ng tuluyan sa kriminalidad. Salamat po.

0:13:47.7

[Crowd cheering]

Davila:            Glenn Chong, kayo na po, sir.

Chong:            Ganito po ang sagot ko. I tend to view itong pagbaba ng minimum – age of minimum – minimum age of criminal responsibility as a way of removing these children away from the marketplace of crimes. Kasi hindi po natin maipagkakaila na may mga sindikato pong gumagamit ng mga bata. By lowering the age, we actually remove more of these children away from them, from the marketplace of crime.

                        Now, what we need to ensure is ‘yung rehabilitation po nila, that it must be funded fully well at may dignidad po na maibigay po natin sa mga bata because the primary reason why we lower the minimum age of criminal responsibility or social responsibility is to rehabilitate them.

                        So kung rehabilitation po ang purpose natin ‘din, bigyan po natin ng sapat na pondo, may dignidad po sila paglabas po nila ng rehabilitation.

                        But then again, I stress, by lowering the age of criminal – social responsibility, we remove more children from the reach of criminal syndicates.

[Bell rings]

[Crowd cheering]

Davila:            Atty. Florin Hilbay, kayo naman, sir.

Hilbay:           Hindi natin mahihiwalay ang kriminalidad ng mga bata sa kanilang kahirapan. Ang kahirapan ay problema ng estado. Ang estado dapat umaaruga sa mga bata, hindi tinatrato na mga kriminal ang mga bata.

                        Alam natin na ang mga bata ay nagiging biktima. Bakit mo tatratuhing kriminal ang isang biktima? Walang sira-ulong maniniwala sa ganoong pananaw.

0:15:29.5

[Crowd cheering]

Hilbay:           Ang kulang ay ang aruga ng estado, hindi ang edad kung saan kailangan tratuhing kriminal ang mga bata. ‘Yun ang kulang, ang aruga ng estado.

                        Kaya ako, hindi ako tutol sa pagbaba ng edad ng responsibilidad dahil, again, hindi natin mahihiwalay ang kahirapan sa kriminalidad ng mga bata. Sila ay biktima, hindi mga kriminal. Salamat.

Davila:            At ang susunod, Senator Bam Aquino.

[Crowd cheering]

Aquino:          Hindi po ako sang-ayon sa pagbaba ng edad or ‘yung minimum age of criminal responsibility. Alam n’yo po ‘yung mga bata po dapat tulong ang kailangan po nila hindi kulong. Wala pong bata ang nangarap o 12 or 13 years old na nangarap maging drug courier.

                        Karamihan po ng mga krimen po ng mga bata ho natin, mga krimen na naka-link po sa kahirapan. Marami ho diyan, theft, robbery, kahit po ‘yung mga krimen po na nakadikit sa droga, kahirapan pa rin po ‘yung puno’t dulo po niyan. Kung kailangan pong parusahan ‘yung sindikato kahit po ‘yung mga magulang, parusahan n’yo po sila. Pero ‘yung mga bata, huwag naman ho nating itrato na kriminal.

                        Kung ibababa po ‘yung age of criminal responsibility, ang isang 12 years old puwede mong patawan ng reclusion temporal o reclusion perpetua kahit nasa reformatory center s’ya. Ano na pong kinabukasan ng batang ‘yun? Parang sinira n’yo na po ‘yung kanyang bukas.

[Crowd cheering]

0:16:53.0

Aquino:          Now, currently po hindi pinapatupad ‘yung batas. ‘Yung batas po nagsasabi, sa Bahay Pag-asa dapat ito. Kakaunti pa lang po sa LGU…

[Bell ring]

Aquino:          …ang meron nito, kailangan po itong pondohan at ipatupad ang batas.

Davila:            Thank you. Atty. Chel Diokno, sir.

[Crowd cheering]

Diokno:          Hindi po ako papayag na ibaba nila ang age of criminal responsibility. Ang dapat parusahan diyan ang mga sindikato, hindi ‘yung mga bata. Biktima din ang mga bata.

                        Pangalawa, meron tayong kasunduan, pinirmahan po ng Pilipinas ang Convention on the Rights of the Child. At klarong-klaro doon na hindi natin puwedeng ibaba ang age of criminal responsibility.

                        Pangatlo, kakaunti lang ang nakakaalam na ang Pilipinas ang number 1 sa buong mundo sa overcrowded jails. Alam naman natin, kakaunti pa lang ang mga Bahay Pag-Asa. Saan natin ilalagay ang mga bata na ‘yan ‘pag binaba natin ang age of criminal responsibility?

[Clapping]

Diokno:          Mahahalo sila, ihahalo ‘yan sa kulungan ng mga adult at lalo pa silang magiging matitigas na kriminal.

                        Kaya ako’y – hindi ako papayag talaga na ibaba ang age of criminal liability.

Davila:            Ang susunod, Samira Gutoc.

[Crowd cheering]

Gutoc:             Tutol ako. Tutol ako. Bahay Pag-Asa, hindi buhay parusa.

0:18:07.7

[Crowd cheering]

Gutoc:             Alam niyo ba, ang kabataan dito sa Pilipinas are suffering already. I’m a youth development lecturer, alam ko na ang pondo for SK, ang pondo for child rights is still to be allocated. Kino-control minsan ng barangay kapitan ang mga pondo para sa ating mga kabataan, para sa ating mga musmos na kapus-palad na mga bata.

                        Importante po, go to the – account, what – how many Bahay Pag-Asa’s have you built, try to implement the Juvenile Law. ‘Yun ang inyong tutukan, ‘yung mga batas proteksyon sa mga kabataan, huwag ‘yung mga edad na ‘yan.

[Crowd cheering]

Davila:            At susunod, Dr. Ong kayo na po.

[Crowd cheering]

Ong:                Yes. Ang focus talaga natin ‘yung pagpaparami ng Bahay Pag-Asa. Sa ngayon kasi, 53% pa lang ang may Bahay Pag-Asa. Kahit ‘yung mga social worker, mga 3% lang. Pero kung magkakaroon na ng maraming Bahay Pag-Asa, hindi natin ilalagay sa kulungan, para sa akin, puwede ibaba ng konti, hanggang 13 years old.

                        Ang average – ang average sa buong mundo is 11 years old. Sa US, Singapore, 7 years old. Sa Hong Kong, 10 years old. Sa South Korea, 14 years old pero binababa nila sa 13. Pero ibababa lang natin kung kumpleto na ‘yung Bahay Pag-Asa at hindi natin ilalagay sa kulungan.

                        Kung walang kulungan, sa labas na lang, sa piling na lang ng magulang nila.

Davila:            At ang panghuli, Francis Tolentino.

Tolentino:      Sang-ayon po ako, sang-ayon po akong gawing 12, 13 coming from 15. Tama po ‘yung narinig ko, Australia, 10 years old.

0:19:38.5        New Zealand, 10 years old. Myanmar, 7 years old. Hong Kong, 10 years old. South Carolina, USA, 6 years old.

                        Pero ang idadagdag ko po ganito. ‘Pagka na-prosecute po ang isang bata, dapat po magkaroon ng diversion proceedings, hindi po ginawa ito. Ida-divert sa special juvenile justice system. ‘Pag sila ay na-convict, papasok po sila sa isang reformative justice system, hindi po sila ihahalo doon sa kagaya nuong nagtanong kanina, magkakaroon po ng parang Boys Town, magkakaroon po ng isang kulungan na kung saan pagkatapos nila ay makakabalik sila sa lipunan, sa mainstream lipunan na may dignidad ‘din at kikilalanin bilang isang reformed individual.

[Crowd cheering]

Davila:            Maraming salamat.

                        Matanong ko lang John Carlo, anong pangarap mo sa buhay?

Gambito:        Maging criminology – ano po, pulis po.

Davila:            Ah, maging pulis. O, gusto ko sabihin good luck sa ‘yo, God bless you. Ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo at maging mabuting pulis ka. Thank you, John Carlo.

                        At hinga lang tayo sandali, iinit pa ang usapan dito. Fast talk tayo ulit sa pagbabalik ng Harapan 2019.

*[Music playing]

Elchico:          Fast talk po tayo muli. Two minutes para sagutin ng bawat kandidato ang mga tanong.

                        Sa round na ito, una pong sasalang, Glenn Chong.

[Music playing]

Elchico:          Ready, Sir?

Chong:            Yes, Sir.

Elchico:          Kung ikaw ang pulis tinapunan ng taho sa MRT ng babaeng Chinese, ipapadeport mo ba s’ya?

Chong:            Yes.

Elchico:          Bakit?

Chong:            Undesirable alien.

Elchico:          Kailangan ba ng pork barrel ng mga mambabatas?

Chong:            No.

Elchico:          Dahil?

Chong:            Karamihan sa kanila ninanakaw lang – binubulsa.

[Crowd cheering]

Elchico:          Tiwala ba kayo sa automated election system?

Chong:            Hindi.

Elchico:          Dahil?

Chong:            Mandaraya.

[Crowd cheering]

Chong:            Proven. Proven, mandaraya.

Elchico:          PCOS ulit ng Smartmatic ang gagamitin sa eleksyon, sa palagay mo, magkakadayaan?

Chong:            Yes.

0:01:02.4

Elchico:          Dahil?

Chong:            Eh, ‘yung ginawa nila sa 2016 ‘yun ang gagawin sa 2019.

Elchico:          May patunay po ba kayo doon?

Chong:            Yes.

Elchico:          Alin ang gusto mo sa eleksyon, endorsement ng iba’t ibang simbahan o endorsement ng Pangulo?

Chong:            I will work my way.

[Crowd cheering]

Elchico:          Dapat bang tanggalin ang term limits ng mga nahalal na opisyal?

Chong:            Hindi.

Elchico:          Dahil?

Chong:            Mga abusado karamihan.

[Crowd laughing]

Elchico:          So dapat may term limits po?

Chong:            Dapat may term limits kasi kung tatanggalin mo, unli ang abuso.

Elchico:          Tama bang nagpapalipat-lipat ng partido ang mga pulitiko?

Chong:            Depende po.

Elchico:          Sa?

Chong:            Kasi po ‘pag kinuha na po nila lahat ng partido, wala na pong matitira sa kabila. Madadaya ho.

[Crowd laughs]

Chong:            So pwede po siyang bumalik sa kabila.

Elchico:          Dapat bang amiyendahan o tanggalin ang Party-list Law?

Chong:            Yes.

0:01:52.3

Elchico:          Dahil?

Chong:            Inaabuso ng mga pulitiko.

[Crowd cheering]

Elchico:          Pabor ka bang palitan ang pangalan ng Pilipinas sa Maharlika?

Chong:            I leave it to the people.

Elchico:          Pabor ka ba sa Federalism?

Chong:            Yes, with reservations.

[Crowd cheering]

Elchico:          Ano po yung reservation na ‘yun?

Chong:            Ummm, ‘yong tax – tax jurisdiction should be limited to only two.

Elchico:          Pabor ka ba sa constituent assembly?

Chong:            Hindi.

Elchico:          Dahil?

Chong:            Wala akong tiwala sa mambabatas.

[Crowd cheering]

Elchico:          Pabor ka ba sa legalization ng medical marijuana?

Chong:            If proven right – if proven true, okay, go.

Elchico:          Have you ever tried?

Chong:            No!

Elchico:          Maraming salamat po, Glenn Chong.

[Crowd cheering]

Davila:            At ang susunod natin sa fast talk, Samira Gutoc.

[Crowd cheering]

Gutoc:             Yes, ma’am.

0:02:41.9

Davila:            Ang ating fast talk, may tiwala ka ba sa MILF, sa pagpapatakbo ng Bangsamoro Transition Authority?

Gutoc:             Siya po ay nagsulong for 14 years ng peace talks, yes of course.

Davila:            Sa palagay mo, nangungupkop ba or nangupkop ba ng MILF ng mga terorista?

Gutoc:             Hindi po. There’s no court evidence to that case.

[Clapping]

Davila:            Kung sakaling matalo ka, tatakbo ka ba sa eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region?

Gutoc:             No, po.

Davila:            Kung sakaling i-appoint ka ni Pangulong Duterte sa Bangsamoro Transition Authority para tumulong, tatanggapin mo ba?

Gutoc:             I will leave at that. I’m not so – sure.

[Crowd cheering]

Davila:            Dapat bang isailalim sa death penalty ang mga terorista?

Gutoc:             Dapat bang…?

Davila:            Isailalim sa death penalty and mga terorista?

Gutoc:             No to death penalty, ma’am.

Davila:            Sang-ayon ka ba sa Federalism?

Gutoc:             Terrorism?

Davila:            Federalism.

Gutoc:             No, ma’am. Not now. Sikmura bago pulitika.

Davila:            Dapat bang angkinin muli ng Pilipinas ang Sabah sa Malaysia?

Gutoc:             Hindi – we have to re-study the case, ma’am.

0:03:48.3

Davila:            Sang-ayon ka ba sa panukalang dapat may college degree and mga senador?

Gutoc:             Yes, po. Kailangan mag-aral.

Davila:            Bakit mo nasabi ‘yun?

Gutoc:             Yes, ma’am. Kasi marami po tayong artistahin lang at hindi nakakagawa ng batas.

[Crowd cheering]

Davila:            Panahon na ba – panahon na ba para gawing legal ang divorce sa Pilipinas?

Gutoc:             Marami na pong abusadong relationship. It’s time.

[Clapping]

Davila:            Kung saka-sakali, papayag ka ba na maging misis isa sa apat na asawa ng Muslim na mahal mo?

Gutoc:             Hindi po. It’s my choice. Women are given a choice.

[Crowd cheering]

Davila:            Pabor ka ba na tanggalin ang term limits ng mga mahahalal na opisyal?

Gutoc:             No. Term limits should be imposed.

Davila:            Dapat bang gawing legal ang medical marijuana.

Gutoc:             Yes po. I know many cases na kailangan na kailangan.

Davila:            Kuntento ka ba sa rehabilitasyon sa Marawi?

Gutoc:             No way. Of course not.

[Clapping]

Davila:            Bakit?

[Crowd cheering]

Gutoc:             Hindi po. Kulang. Hindi pa na-start.

[Ting]

0:04:50.0

Davila:            Thank you, Samira Gutoc.

[Clapping]

Elchico:          Senator Bam Aquino, are you ready?

[Crowd cheering]

Aquino:          Yes.

Elchico:          Ano ang pinakamabuting nagawa ni Pangulong Duterte?

Aquino:          Sa SMEs po, sa mga Small and Medium Enterprises mas maganda ‘yung pagpapatakbo ngayon.

Elchico:          Ano naman ang pinakaayaw mo?

Aquino:          Lagi pong kumikiling sa karahasan para sa lahat nung mga solusyon po niya sa bayan.

Elchico:          Kung anak mo ang naging biktima ng isang trese anyos, ipakukulong mo ba ang suspek?

Aquino:          Ano po – mayroon na po tayong batas na kung 13 anyos po ‘yan at seryoso ‘yung krimen, dapat po pumasok sa Bahay Pag-Asa.

Elchico:          Kung anak mo ang biktima?

Aquino:          Ah. Kung anak ko ang – kahit anak ko pa po ‘yung biktima. ‘Yung 13 years old po na perpetrator, nasa batas na po natin. Papasok ho siya dapat sa Bahay Pag-Asa kung seryoso po ‘yung krimen.

Elchico:          Dapat bang palitan ang pangalan ng Pilipinas ng Mahalika?

Aquino:          Hindi po.

Elchico:          Pabor ka ba sa Federalism?

Aquino:          Hindi po.

Elchico:          Pabor ka ba na tanggalin ang term limits ng mga nahalal na opisyal?

Aquino:          Hinding-hindi po.

0:05:47.5

Elchico:          Pabor ka ba na may iba pang Aquino na pumasok sa pulitika?

Aquino:          Siguro ‘pagkatapos ko, puwede na siguro ulit.

Elchico:          Kinakampanya ka ba ni Kris Aquino?

Aquino:          Opo. Buo ang suporta niya pero alam n’yo naman may mga endorsement ‘yun. So may mga regulasyon lang pong kailangan sundan.

Elchico:          Apektado ka ba sa mga kontrobersyang kinasasangkutan ng pinsan mong si Kris Aquino?

Aquino:          Siyempre, pinsan ko po ‘yun. Mahal ho natin siya.

Elchico:          Papaano? In what way?

Aquino:          Well, siyempre ‘pag ang isang tao po nakikita niyo may sakit or may karamdaman, kahit sino pa po ‘yan apektado po kayo, especially someone very close to you.

Elchico:          Bilang dating Chair ng National Youth Commission, anong katangian ng mga Millennial ang gusto mo.

Aquino:          Woke, #woke sila.

[Crowd cheering]

Elchico:          Ano naman ang ayaw mo na katangian ng mga Millennials?

Aquino:          Lagi pong instant ang expectation. Ang ating pong pagbabago sa ating bansa, ‘yung development hindi po siya instant, it really takes time.

Elchico:          Anong payo mo sa mga Pilipino, magnegosyo o mag empleyo?

Aquino:          Magnegosyo siyempre.

Elchico:          Bakit?

Aquino:          Siyempre po mas maganda kung sarili mong, you are your own boss. Ikaw ‘yung nagpapatakbo ng negosyo mo, may sarili kang oras, nakapaggagawa ka ng empleyo hindi ka lang namamasukan bilang empleyado.

Elchico:          Maraming salamat, Senator Bam Aquino.

[Bell rings]

[Crowd cheering]

0:07:03.3

Davila:            At ang susunod natin, Atty. Larry Gadon.

[Crowd cheering]

Davila:            Atty. Larry Gadon, sa iyong Facebook account sabi mo na isa kang true blooded Marcos loyalist. Naniniwala ba kayong may ill-gotten wealth o nakaw na yaman ang mga Marcos?

Gadon:           Ah, hindi sapagkat ‘yung ginawa ng PCGG marami silang mga tinatawag nating alleged cronies na kinumpiska nila ‘yung pera. Hindi lahat ‘yun ay sa Marcoses. In fact, marami ng naisauli sa mga Marcoses kagaya ng mga bahay nila, ‘yung Santo Niño Shrine, ‘yung ibang mga paintings, ‘yung ibang kagamitan.

Davila:            So sinasabi niyo, walang nakaw na yaman ang Marcos?

Gadon:           Wala.

Davila:            Okay. Tumatakbo ka sa ilalim ng KBL, may pera o suporta ka ba mula sa mga Marcos’?

Gadon:           Walang pera ang Pilipinas, paano mo nanakawin?

Davila:            Sinusuportahan ka ba ngayon ng mga Marcos…

Gadon:           Hindi.

Davila:            …sa kampanya?

Gadon:           Ah, hindi, hindi rin.

Davila:            Okay. Nagkaroon ba para sa’yo ng human rights violations noong panahon ng Martial Law?

Gadon:           Mas marami ang violation – ang human rights violations noong panahon ni Cory Aquino. ‘Andiyan ‘yung Mendiola Massacre.

[Crowd cheering]

0:08:14.7

Gadon:           Andiyan ‘yung pinatay ‘yung mga union leaders ng Hacienda Luisita.

Davila:            Maraming…

Gadon:           Sa panahon sa Noynoy, ‘yung ano, SAF44. Mas marami ang human rights violations sa mga Aquino.

[Crowd cheering]

Davila:            Maraming nagsasabing dapat humingi ang mga Marcos ng sorry sa kanilang human rights violations, sang-ayon ka ba dito?

Gadon:           Hindi, sapagkat kinakailangan ang Martial law noong time na ‘yun upang huwag tayong masakop ng komunista. ‘Yung maraming namatay noong Martial law ay mga NPA na pinatay ni Joma dahil gusto nilang sumurender.

[Crowd cheering]

Gadon:           ‘Yan ay malaking katotohanan ‘yan.

Davila:            Sa isang interview, lumabas na tila may galit kayo sa MILF. Ano’ng pinag-uugatan ng galit n’yo sa MILF?

Gadon:           ‘Yung panggugulo doon sa Mindanao. Dahil sila ay sinusuportahan lamang ng Malaysia upang guluhin ‘yung Mindanao upang ‘yung isyu ng Sabah ay hindi na maibalik sa atin.

Davila:            Pareho pa rin ba ang opinyon n’yo noong sinabi n’yong pasusunog n’yo, pupunta kayo doon pasusunog n’yo ang mga bahay?

Gadon:           Figure of speech ‘yan dahil political statement.

[Crowd cheering]

Davila:            Ano’ng ibig n’yong sabihin, Sir?

Gadon:           Pero Karen…

Davila:            So binabawi n’yo ‘yun…

0:09:22.5

[Ting]

Gadon:           Karen, huwag mong kalimutan na ang sinabi ko doon ay maninikluhod ako ng sampung beses sa kanila at luluha ako ng dugo, makikiusap sa kanila.

[Bell rings]

Davila:            All right, thank you very much, Atty. Larry Gadon.

[Crowd cheering]

Elchico:          Jiggy Manicad, handa ka na ba? Tama bang inaresto si Rappler Chief Maria Ressa?

Manicad:        Nasa Korte na po ‘yan at dapat po niyang patunayan ‘yung kanya pong kaso.

[Crowd cheering]

Elchico:          Hindi kalakihan ang kita ng journalist, saan ka kukuha ng panggastos sa kampanya?

Manicad:        Sa kabutihan po ng aking mga kaibigan noong high school, akin pong mga kamag-anak, at iba pa pong mga kaibigan na wala pong vested interest dito po sa pulitika.

[Crowd cheering]

Elchico:          Kung matatalo ka, babalik ka ba bilang reporter o anchor sa media?

Manicad:        Kung ako po ay tatanggapin ng aking mga aaplayan, subalit mas nais po nating manalo.

Elchico:          Dapat bang payagan…

[Crowd shouting]

Elchico:          …ng may-ari ng mga – ang dayuhan ng media companies?

Manicad:        Hindi po dapat payagan ang mga dayuhang media companies sa Pilipinas dahil ‘pag ho lumalim ang kanilang koneksiyon sa pamahalaan, ang impormasyon po ang magsu-suffer diyan.

0:10:31.7        Maari pong mag-leak yung mga security information na importante po sa atin.

Elchico:          Social media or traditional media, alin para sa iyo ang mas influential?

Manicad:        Pareho po. Napakalakas po ng social media dahil po ito po ay libre at lahat po may access, lahat may opinion. Pero sa nakikita po natin, malakas pa rin po ang traditional media.

Elchico:          Dapat bang may divorce na sa Pilipinas?

Manicad:        Ano po?

Elchico:          Dapat bang may divorce…

Manicad:        Divorce.

Elchico:          …sa Pilipinas?

Manicad:        Hindi po – hindi po ako pabor diyan. Dapat po matibay ang pamilyang Pilipino.

[Crowd cheering]

Elchico:          Dapat bang hindi na gawing krimen ang libel?

Manicad:        Dapat pa rin pong krimen siya para po wala pong pag-abuso sa hanay nating mga mamayag.

Elchico:          Dapat bang idagdag ang college graduate bilang qualification sa isang Senador?

Manicad:        Dapat po.

Elchico:          Dahil?

Manicad:        Para po napapag-aralan niya na maayos yung mga batas, mga panukala na nais po niyang ipasa at hindi lang po barabara.

Elchico:          Kung mananalo ka, ano ang unang isyung paiimbestigahan mo?

Manicad:        Ang papaimbestigahan ko po ay kung papaano ba talaga ang polisiya ng Department of Agriculture pagdating po sa pagpaparami ng pagkain. Kailangan po ay talagang nakalatag…

0:11:43.3

[Bell rings]

Manicad:        …ang mga polisiyang ito na maayos.

Elchico:          Maraming-maraming salamat, Jiggy Manicad.

                        Lumalalim na po ang gabi at may malalim ding hugot ang mga kandidato. Aalamin natin ‘yan sa huling ratsada ng ating Harapan 2019.

[Music playing]

Elchico:          Fast talk po tayo muli. Two minutes para sagutin ng bawat kandidato ang mga tanong.

                        Sa round na ito, una pong sasalang, Glenn Chong.

[Music playing]

Elchico:          Ready, Sir?

Chong:            Yes, Sir.

Elchico:          Kung ikaw ang pulis tinapunan ng taho sa MRT ng babaeng Chinese, ipapadeport mo ba s’ya?

Chong:            Yes.

Elchico:          Bakit?

Chong:            Undesirable alien.

Elchico:          Kailangan ba ng pork barrel ng mga mambabatas?

Chong:            No.

Elchico:          Dahil?

Chong:            Karamihan sa kanila ninanakaw lang – binubulsa.

[Crowd cheering]

Elchico:          Tiwala ba kayo sa automated election system?

Chong:            Hindi.

Elchico:          Dahil?

Chong:            Mandaraya.

[Crowd cheering]

Chong:            Proven. Proven, mandaraya.

Elchico:          PCOS ulit ng Smartmatic ang gagamitin sa eleksyon, sa palagay mo, magkakadayaan?

Chong:            Yes.

0:01:02.4

Elchico:          Dahil?

Chong:            Eh, ‘yung ginawa nila sa 2016 ‘yun ang gagawin sa 2019.

Elchico:          May patunay po ba kayo doon?

Chong:            Yes.

Elchico:          Alin ang gusto mo sa eleksyon, endorsement ng iba’t ibang simbahan o endorsement ng Pangulo?

Chong:            I will work my way.

[Crowd cheering]

Elchico:          Dapat bang tanggalin ang term limits ng mga nahalal na opisyal?

Chong:            Hindi.

Elchico:          Dahil?

Chong:            Mga abusado karamihan.

[Crowd laughing]

Elchico:          So dapat may term limits po?

Chong:            Dapat may term limits kasi kung tatanggalin mo, unli ang abuso.

Elchico:          Tama bang nagpapalipat-lipat ng partido ang mga pulitiko?

Chong:            Depende po.

Elchico:          Sa?

Chong:            Kasi po ‘pag kinuha na po nila lahat ng partido, wala na pong matitira sa kabila. Madadaya ho.

[Crowd laughs]

Chong:            So pwede po siyang bumalik sa kabila.

Elchico:          Dapat bang amiyendahan o tanggalin ang Party-list Law?

Chong:            Yes.

0:01:52.3

Elchico:          Dahil?

Chong:            Inaabuso ng mga pulitiko.

[Crowd cheering]

Elchico:          Pabor ka bang palitan ang pangalan ng Pilipinas sa Maharlika?

Chong:            I leave it to the people.

Elchico:          Pabor ka ba sa Federalism?

Chong:            Yes, with reservations.

[Crowd cheering]

Elchico:          Ano po yung reservation na ‘yun?

Chong:            Ummm, ‘yong tax – tax jurisdiction should be limited to only two.

Elchico:          Pabor ka ba sa constituent assembly?

Chong:            Hindi.

Elchico:          Dahil?

Chong:            Wala akong tiwala sa mambabatas.

[Crowd cheering]

Elchico:          Pabor ka ba sa legalization ng medical marijuana?

Chong:            If proven right – if proven true, okay, go.

Elchico:          Have you ever tried?

Chong:            No!

Elchico:          Maraming salamat po, Glenn Chong.

[Crowd cheering]

Davila:            At ang susunod natin sa fast talk, Samira Gutoc.

[Crowd cheering]

Gutoc:             Yes, ma’am.

0:02:41.9

Davila:            Ang ating fast talk, may tiwala ka ba sa MILF, sa pagpapatakbo ng Bangsamoro Transition Authority?

Gutoc:             Siya po ay nagsulong for 14 years ng peace talks, yes of course.

Davila:            Sa palagay mo, nangungupkop ba or nangupkop ba ng MILF ng mga terorista?

Gutoc:             Hindi po. There’s no court evidence to that case.

[Clapping]

Davila:            Kung sakaling matalo ka, tatakbo ka ba sa eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region?

Gutoc:             No, po.

Davila:            Kung sakaling i-appoint ka ni Pangulong Duterte sa Bangsamoro Transition Authority para tumulong, tatanggapin mo ba?

Gutoc:             I will leave at that. I’m not so – sure.

[Crowd cheering]

Davila:            Dapat bang isailalim sa death penalty ang mga terorista?

Gutoc:             Dapat bang…?

Davila:            Isailalim sa death penalty and mga terorista?

Gutoc:             No to death penalty, ma’am.

Davila:            Sang-ayon ka ba sa Federalism?

Gutoc:             Terrorism?

Davila:            Federalism.

Gutoc:             No, ma’am. Not now. Sikmura bago pulitika.

Davila:            Dapat bang angkinin muli ng Pilipinas ang Sabah sa Malaysia?

Gutoc:             Hindi – we have to re-study the case, ma’am.

0:03:48.3

Davila:            Sang-ayon ka ba sa panukalang dapat may college degree and mga senador?

Gutoc:             Yes, po. Kailangan mag-aral.

Davila:            Bakit mo nasabi ‘yun?

Gutoc:             Yes, ma’am. Kasi marami po tayong artistahin lang at hindi nakakagawa ng batas.

[Crowd cheering]

Davila:            Panahon na ba – panahon na ba para gawing legal ang divorce sa Pilipinas?

Gutoc:             Marami na pong abusadong relationship. It’s time.

[Clapping]

Davila:            Kung saka-sakali, papayag ka ba na maging misis isa sa apat na asawa ng Muslim na mahal mo?

Gutoc:             Hindi po. It’s my choice. Women are given a choice.

[Crowd cheering]

Davila:            Pabor ka ba na tanggalin ang term limits ng mga mahahalal na opisyal?

Gutoc:             No. Term limits should be imposed.

Davila:            Dapat bang gawing legal ang medical marijuana.

Gutoc:             Yes po. I know many cases na kailangan na kailangan.

Davila:            Kuntento ka ba sa rehabilitasyon sa Marawi?

Gutoc:             No way. Of course not.

[Clapping]

Davila:            Bakit?

[Crowd cheering]

Gutoc:             Hindi po. Kulang. Hindi pa na-start.

[Ting]

0:04:50.0

Davila:            Thank you, Samira Gutoc.

[Clapping]

Elchico:          Senator Bam Aquino, are you ready?

[Crowd cheering]

Aquino:          Yes.

Elchico:          Ano ang pinakamabuting nagawa ni Pangulong Duterte?

Aquino:          Sa SMEs po, sa mga Small and Medium Enterprises mas maganda ‘yung pagpapatakbo ngayon.

Elchico:          Ano naman ang pinakaayaw mo?

Aquino:          Lagi pong kumikiling sa karahasan para sa lahat nung mga solusyon po niya sa bayan.

Elchico:          Kung anak mo ang naging biktima ng isang trese anyos, ipakukulong mo ba ang suspek?

Aquino:          Ano po – mayroon na po tayong batas na kung 13 anyos po ‘yan at seryoso ‘yung krimen, dapat po pumasok sa Bahay Pag-Asa.

Elchico:          Kung anak mo ang biktima?

Aquino:          Ah. Kung anak ko ang – kahit anak ko pa po ‘yung biktima. ‘Yung 13 years old po na perpetrator, nasa batas na po natin. Papasok ho siya dapat sa Bahay Pag-Asa kung seryoso po ‘yung krimen.

Elchico:          Dapat bang palitan ang pangalan ng Pilipinas ng Mahalika?

Aquino:          Hindi po.

Elchico:          Pabor ka ba sa Federalism?

Aquino:          Hindi po.

Elchico:          Pabor ka ba na tanggalin ang term limits ng mga nahalal na opisyal?

Aquino:          Hinding-hindi po.

0:05:47.5

Elchico:          Pabor ka ba na may iba pang Aquino na pumasok sa pulitika?

Aquino:          Siguro ‘pagkatapos ko, puwede na siguro ulit.

Elchico:          Kinakampanya ka ba ni Kris Aquino?

Aquino:          Opo. Buo ang suporta niya pero alam n’yo naman may mga endorsement ‘yun. So may mga regulasyon lang pong kailangan sundan.

Elchico:          Apektado ka ba sa mga kontrobersyang kinasasangkutan ng pinsan mong si Kris Aquino?

Aquino:          Siyempre, pinsan ko po ‘yun. Mahal ho natin siya.

Elchico:          Papaano? In what way?

Aquino:          Well, siyempre ‘pag ang isang tao po nakikita niyo may sakit or may karamdaman, kahit sino pa po ‘yan apektado po kayo, especially someone very close to you.

Elchico:          Bilang dating Chair ng National Youth Commission, anong katangian ng mga Millennial ang gusto mo.

Aquino:          Woke, #woke sila.

[Crowd cheering]

Elchico:          Ano naman ang ayaw mo na katangian ng mga Millennials?

Aquino:          Lagi pong instant ang expectation. Ang ating pong pagbabago sa ating bansa, ‘yung development hindi po siya instant, it really takes time.

Elchico:          Anong payo mo sa mga Pilipino, magnegosyo o mag empleyo?

Aquino:          Magnegosyo siyempre.

Elchico:          Bakit?

Aquino:          Siyempre po mas maganda kung sarili mong, you are your own boss. Ikaw ‘yung nagpapatakbo ng negosyo mo, may sarili kang oras, nakapaggagawa ka ng empleyo hindi ka lang namamasukan bilang empleyado.

Elchico:          Maraming salamat, Senator Bam Aquino.

[Bell rings]

[Crowd cheering]

0:07:03.3

Davila:            At ang susunod natin, Atty. Larry Gadon.

[Crowd cheering]

Davila:            Atty. Larry Gadon, sa iyong Facebook account sabi mo na isa kang true blooded Marcos loyalist. Naniniwala ba kayong may ill-gotten wealth o nakaw na yaman ang mga Marcos?

Gadon:           Ah, hindi sapagkat ‘yung ginawa ng PCGG marami silang mga tinatawag nating alleged cronies na kinumpiska nila ‘yung pera. Hindi lahat ‘yun ay sa Marcoses. In fact, marami ng naisauli sa mga Marcoses kagaya ng mga bahay nila, ‘yung Santo Niño Shrine, ‘yung ibang mga paintings, ‘yung ibang kagamitan.

Davila:            So sinasabi niyo, walang nakaw na yaman ang Marcos?

Gadon:           Wala.

Davila:            Okay. Tumatakbo ka sa ilalim ng KBL, may pera o suporta ka ba mula sa mga Marcos’?

Gadon:           Walang pera ang Pilipinas, paano mo nanakawin?

Davila:            Sinusuportahan ka ba ngayon ng mga Marcos…

Gadon:           Hindi.

Davila:            …sa kampanya?

Gadon:           Ah, hindi, hindi rin.

Davila:            Okay. Nagkaroon ba para sa’yo ng human rights violations noong panahon ng Martial Law?

Gadon:           Mas marami ang violation – ang human rights violations noong panahon ni Cory Aquino. ‘Andiyan ‘yung Mendiola Massacre.

[Crowd cheering]

0:08:14.7

Gadon:           Andiyan ‘yung pinatay ‘yung mga union leaders ng Hacienda Luisita.

Davila:            Maraming…

Gadon:           Sa panahon sa Noynoy, ‘yung ano, SAF44. Mas marami ang human rights violations sa mga Aquino.

[Crowd cheering]

Davila:            Maraming nagsasabing dapat humingi ang mga Marcos ng sorry sa kanilang human rights violations, sang-ayon ka ba dito?

Gadon:           Hindi, sapagkat kinakailangan ang Martial law noong time na ‘yun upang huwag tayong masakop ng komunista. ‘Yung maraming namatay noong Martial law ay mga NPA na pinatay ni Joma dahil gusto nilang sumurender.

[Crowd cheering]

Gadon:           ‘Yan ay malaking katotohanan ‘yan.

Davila:            Sa isang interview, lumabas na tila may galit kayo sa MILF. Ano’ng pinag-uugatan ng galit n’yo sa MILF?

Gadon:           ‘Yung panggugulo doon sa Mindanao. Dahil sila ay sinusuportahan lamang ng Malaysia upang guluhin ‘yung Mindanao upang ‘yung isyu ng Sabah ay hindi na maibalik sa atin.

Davila:            Pareho pa rin ba ang opinyon n’yo noong sinabi n’yong pasusunog n’yo, pupunta kayo doon pasusunog n’yo ang mga bahay?

Gadon:           Figure of speech ‘yan dahil political statement.

[Crowd cheering]

Davila:            Ano’ng ibig n’yong sabihin, Sir?

Gadon:           Pero Karen…

Davila:            So binabawi n’yo ‘yun…

0:09:22.5

[Ting]

Gadon:           Karen, huwag mong kalimutan na ang sinabi ko doon ay maninikluhod ako ng sampung beses sa kanila at luluha ako ng dugo, makikiusap sa kanila.

[Bell rings]

Davila:            All right, thank you very much, Atty. Larry Gadon.

[Crowd cheering]

Elchico:          Jiggy Manicad, handa ka na ba? Tama bang inaresto si Rappler Chief Maria Ressa?

Manicad:        Nasa Korte na po ‘yan at dapat po niyang patunayan ‘yung kanya pong kaso.

[Crowd cheering]

Elchico:          Hindi kalakihan ang kita ng journalist, saan ka kukuha ng panggastos sa kampanya?

Manicad:        Sa kabutihan po ng aking mga kaibigan noong high school, akin pong mga kamag-anak, at iba pa pong mga kaibigan na wala pong vested interest dito po sa pulitika.

[Crowd cheering]

Elchico:          Kung matatalo ka, babalik ka ba bilang reporter o anchor sa media?

Manicad:        Kung ako po ay tatanggapin ng aking mga aaplayan, subalit mas nais po nating manalo.

Elchico:          Dapat bang payagan…

[Crowd shouting]

Elchico:          …ng may-ari ng mga – ang dayuhan ng media companies?

Manicad:        Hindi po dapat payagan ang mga dayuhang media companies sa Pilipinas dahil ‘pag ho lumalim ang kanilang koneksiyon sa pamahalaan, ang impormasyon po ang magsu-suffer diyan.

0:10:31.7        Maari pong mag-leak yung mga security information na importante po sa atin.

Elchico:          Social media or traditional media, alin para sa iyo ang mas influential?

Manicad:        Pareho po. Napakalakas po ng social media dahil po ito po ay libre at lahat po may access, lahat may opinion. Pero sa nakikita po natin, malakas pa rin po ang traditional media.

Elchico:          Dapat bang may divorce na sa Pilipinas?

Manicad:        Ano po?

Elchico:          Dapat bang may divorce…

Manicad:        Divorce.

Elchico:          …sa Pilipinas?

Manicad:        Hindi po – hindi po ako pabor diyan. Dapat po matibay ang pamilyang Pilipino.

[Crowd cheering]

Elchico:          Dapat bang hindi na gawing krimen ang libel?

Manicad:        Dapat pa rin pong krimen siya para po wala pong pag-abuso sa hanay nating mga mamayag.

Elchico:          Dapat bang idagdag ang college graduate bilang qualification sa isang Senador?

Manicad:        Dapat po.

Elchico:          Dahil?

Manicad:        Para po napapag-aralan niya na maayos yung mga batas, mga panukala na nais po niyang ipasa at hindi lang po barabara.

Elchico:          Kung mananalo ka, ano ang unang isyung paiimbestigahan mo?

Manicad:        Ang papaimbestigahan ko po ay kung papaano ba talaga ang polisiya ng Department of Agriculture pagdating po sa pagpaparami ng pagkain. Kailangan po ay talagang nakalatag…

0:11:43.3

[Bell rings]

Manicad:        …ang mga polisiyang ito na maayos.

Elchico:          Maraming-maraming salamat, Jiggy Manicad.

                        Lumalalim na po ang gabi at may malalim ding hugot ang mga kandidato. Aalamin natin ‘yan sa huling ratsada ng ating Harapan 2019.

[Music]

Davila:            Sa pagtatapos ng ating harapan narito naman ang (ilang) mensahe ng kasama nating mga kandidato

[Music]

Elchico:          Harapin po ninyo ang taumbayan at sabihin sa kanila kung bakit kayo (dapat iboto) at bakit kayo (inaudible) sa bayan?

[Music]

Elchico:          Isang minuto lang po. Simulan natin kay Samira Gutoc.

[Music]

Gutoc:             Books not bullets. Teachers not terrorists.

[Music]

Gutoc:             Tanks, we need to have no tanks anymore. We need schools.

[Music]

Gutoc:             Ang akin i-address sa Pilipinas. ‘Yan ho (drowned out by music). Bilang isang ina alam ko – ako mismo ang experiensya ng isang batang Mindanao – ay aking dinadala mismo ang experiensya ng echapwera sa Pilipinas (drowned out by music). Bilang isang batang Saudi alam ko ang OFW sa (drowned out by music). Bilang isang UP baka puwedeng may i-ambag ang isang law student din na (beterano) or graduate.

[Music]

Gutoc:             Bilang isang batang bagong mukha pero beterano sa panglilingkod 600 piece dialogs tinatrabaho parin ang kapayapaan hanggang ngayon baka may i-ambag, si Samira Gutoc tutok sa kababaihan at (drowned out by music).

[Music]

Elchico:          Maraming salamat.

Davila:            Larry Gadon.

[Music]

0:01:45.1

[Crowd cheering]

Gadon:           Kinakailangan na mabago ang sistema, lahat-lahat.

[Music]

Gadon:           Paulit-ulit na lang ba kayong boboto? Paulit-ulit na iboboto niyo ‘yung mga lumang Senador na wala namang nagawa kundi nagawa…

[Crowd cheering]

Gadon             …ganito pa rin tayo. Kung kailangan natin ng pagbabago, dapat bumoto kayo bago, hindi bobo, ‘no. At huwag kayong maniniwala sa SWS at Pulse Asia, mga propaganda lang ‘yan.

[Crowd cheering]

Gadon:           Mga bayaran ‘yan. Kailangan magbayad ng mahal para mas ayon sa kanila ang survey, ha. Pinagkakaguluhan tayo kahit hindi tayo artista kahit saan ako pumunta.

[Crowd cheering]

Gadon:           ‘Yang SWS na ‘yan, kasinungalingan ‘yan. Mga propaganda ‘yan, mga dilawan ‘yan.

[Crowd cheering]

Gadon:           Nag-umpisa ‘yan nuong panahon ni Cory Aquino.

[Crowd cheering]

Gadon:           Mga dilawan, ‘no. Kaya maraming malalakas na kandidato, huwag kayong maniwala diyan sa Pulse Asia, mga bayaran ‘yang mga ‘yan. Ang naniniwala sa Pulse Asia, mga bobo.

[Crowd cheering]

Elchico:          Kausapin mo ang taumbayan, Glenn Chong.

[Crowd cheering]

Chong:            Nuong isang araw – nuong isang araw natanggap ko po ang sulat ng isang tatay mula sa Tondo, kalakip po ang larawan ng isang bata, musmos na bata at sa harap po niya ay ‘yung alkansya na lagayan po ng tubig at half full po ng coins.

0:03:09.9       Ang sabi po ng tatay sa akin, “I-tu-turn over ko po sa inyo ang mga baryang ito na inipon ng aking anak. At kalakip po ng pag-turn over ng baryang ito ay i-tu-turn over ko po rin sa inyo ang kinabukasan ng aking anak.”

                        Kung ibibigay po ng tatay sa Tondo ang kinabukasan ng kanyang anak sa mga kamay na ito, gagawin at gagawin ko ang lahat upang maibigay ko po sa mga kabataan ang kinabukasan na inaasam-asam ng bawat tatay sa ating bansa. And I promise this over the grave of Richard Santillan who died for me and for our country and for the cause we believe in. Ang laban mo ay laban ko, laban ng bawat Pilipino.

[Crowd cheering]

Elchico:          Thank you.

Davila:            At susunod, Senator Bam Aquino.

[Crowd cheering]

Aquino:          Magandang gabi po ulit sa ating lahat. Mga kaibigan, ang pagmamahal po sa ating bayan ay pagmamahal po sa ating kapwa Pilipino lalo na po ‘yung pinakamahihirap, ‘yung tinatawag ho nating nasa laylayan ng lipunan. Hindi ho puwedeng ihiwalay ang pagmamahal ho sa Pilipinas doon po sa pagmamahal natin sa kapakanan ng bawat pamilyang Pilipino.

                        Ang hinahanap po nila ang mga Senador na tutulong po, magpapagaan sa kanilang sitwasyon, poprotektahan po sila sa mga panukalang magpapabigat, magtataguyod at makikipagtulungan upang isulong ang mga panukala na magpapagaan sa kanila pong sitwasyon. ‘Yan po ‘yung paraan ng pagpakita ho natin ng pagmamahal po sa ating bayan.

                        ‘Yung mga panukalang naipasa na po natin, ‘yung libreng kolehiyo, ‘yung tulong sa mga negosyante, ‘yung tulong po sa mga sektor, ‘yan po pagpapakita ng pagmamahal po natin sa sambayanang Pilipino.

0:04:55.5        Sana po ang iboto po natin mga taong magtatrabaho para sa inyo, mga taong itataguyod ang totoong pangangailangan po ng ating mga pamilyang Pilipino.

[Bell rings]

Aquino:          Salamat po.

Elchico:          Maraming salamat po.

Aquino:          Thank you very much.

[Crowd cheering]

Elchico:          Talk to the people, Atty. Florin Hilbay.

Hilbay:           Ang pagmamahal sa bayan ay ang pagrespeto sa dignidad ng bawat tao. Nasa taas, nasa gitna, lalung-lalo na nung mga nasa laylayan.

                        Ako po ay nagmahal sa ating bayan dahil ako po ay nagturo ng 18 taon. Tumaya po ako sa ating mga kabataan dahil sila ang pag-asa ng bayan. Kasama po natin ang sakripisyo ng libo-libong mga guro sa lahat ng sulok ng ating kapuluan, tahimik na nagsasakripisyo para sa ating bayan. 

                        Ang hamon po sa atin, ang hamon sa lahat ng mamamayang Pilipino, ang isang Senado, malaya at matapang. Hindi po natin kailangang pamahayan ang Senado ng mga epal na ginagamit ang pera ng gobyerno sa pangangampanya, ng mga mandarambong at ng mga magnanakaw na mag – magiging sunod-sunuran, ibebenta ang ating bayan, ang ating teritoryo. Ang trabaho ng Senado ay seryoso, hindi para sa mga payaso. Kasama n’yo, walang pangarap na imposible.

[Bell rings]

[Crowd cheering]

Elchico:          Thank you.

Davila:            At susunod, Jiggy Manicad.

[Crowd cheering]

0:06:24.6

Manicad:        Ako po si Jiggy Manicad. Lumaki po sa tabing riles ng tren, naging scholar ng bayan, nangarap na maging OFW subalit nakonsensya na huwag mag-abroad para ‘yung aking ibabayad na buwis ay akin rin pong maitustos o maitulong sa mga susunod na scholar ng bayan. Naniniwala po ako na ang pagmamahal sa bayan ay pagpapakita na hindi ka magnanakaw sa kaban ng bayan.

                        At bukod po doon ay magsusulong o magsusulong ng mga programa na talagang maka-Pilipino – pagpapalakas ng agrikultura na maka-Pilipino, paggamit ng teknolohiya na nasa sa atin lamang para maibsan ang gutom ng mga maraming Pilipino na hindi po natin gaanong nararamdaman.

                        Kaya po, muli, ako si Jiggy Manicad, tumatakbong Senador, hindi po magnanakaw at hindi magnanakaw.

[Crowd cheering]

Elchico:          Maraming salamat, Jiggy. Ikaw na, Francis Tolentino.

[Crowd cheering]

Tolentino:      Ako po si Francis Tolentino. Lahat po ng ginawa ko, trabaho lang po ‘yun. Mayor ng Tagaytay, MMDA. ‘Pag tayo po ay nasa evacuation center, tumutulong sa mahihirap, trabaho lang po ‘yun. Hindi ko po masasabi na ‘yun ang nagpapakita ng pagmamahal sa bayan.

                        Ang tunay na nagmamahal sa bayan, ‘yung mga ordinaryong tao – ‘yung panadero natin na gumagawa ng tinapay, yung mga teachers natin na gagawa ng lesson plan, gumagawa ng baon para sa kanilang mga anak, ‘yung mga pulis na nagta-traffic, ‘yung mga street sweepers natin. ‘Yun ang tunay na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan.

                        Itong mga cameraman natin na nagtatrabaho kahit lagpas sa takdang oras, ‘yung mga OFWs na nasa ibang bansa. ‘Yun po ‘yung nagpapakita ng pagmamahal sa bayan.

0:08:00.1       ‘Yun atin pong mga – ‘yung mga naglilinis ng kalye, ‘yun atin pong mga doktor na mababa ang sweldo, ‘yung mga nars, lahat po ito nagpapakita ng pagmamahal sa bayan.

                        Para sa akin po ang ordinaryong Pilipino ang tunay na nagmamahal sa Pilipinas. Ako po si Francis Tolentino.

Davila:            At susunod, Willie Ong.

[Crowd cheering]

Ong:                Papaano mo ba papakita yang pagmamahal mo sa bayan? Actually, ayaw ko sinasabi eh, mas gusto ko ginagawa. Doktor ako, cardiologist…

[Crowd cheering]

Ong:                …and for 25 years alam niyo naman ‘di tayo gumagamot sa mga mayayaman, gusto natin sa mga mahihirap. For 12 years, wala na rin akong sinisingil na professional fee, lahat po libre.

                        Eleven years na rin tayo dito sa Salamat Doc, at sa dami ng mga pasyente nakikita ko mga naghihirap, talagang nafi-feel ko, kailangan natin tutukan ‘yung kalusugan. Ano ‘yung gusto natin, ang goal natin? Gusto ko ligtas ang pagkain natin. Hindi ako naniniwala ligtas ang pagkain. ‘Yung gamot natin hindi ako naniniwala ligtas ang gamot natin. Mahina ang FDA natin. Ligtas yung bakuna natin.

                        Marami akong alam, maraming bulok sa mga – sa health issues, like ‘yung sa PhilHealth, ‘di ba? Sa ibang bansa may libreng outpatient, libreng maintenance, libreng check-up, libreng laboratory test.

[Crowd cheering]

Ong:                Pero sa atin wala tayo nito. So ‘yun talaga ang gusto kong itulong kasi health is wealth eh.

[Bell rings]

Ong:                Napakahalaga po.

Elchico:          Atty. Chel Diokno.

[Crowd cheering]

0:09:33.1

Diokno:          Tatlumpung-taon na po tayong tumutulong sa mga nangangailangan — mga kabataan, mga kababaihan, manggagawa, at iba’t ibang sector ng ating lipunan. Pero hindi na po sapat ‘yung paisa-isang panalo. Kailangan haharapin natin itong double standard ng hustisya sa ating bayan.

[Crowd cheering]

Diokno:          Bakit ho ‘pag milyun-bilyun o bilyun-bilyon na ninanakaw nakakalusot? Pero yung mahihirap ay agad-agad pinapakulong?

[Clapping]

Diokno:          Bakit ‘yung manunulat na nagsasabi lang ng katotohanan ay inaaresto?

[Crowd booing]

[Clapping]

Diokno:          Samantalang ‘yung mga drug lord na ‘yan ay hindi raw nila mahanap?

[Crowd laughing]

Diokno:          Panahon na po na ibalik ang katarungan sa ating bayan. At kung inyong mararapatin at ako’y handa maglingkod bilang boses ng katarungan.

[Crowd cheering]

Elchico:       Maraming-maraming salamat po sa lahat ng ating mga nag-aasam na maging senador.

                    At diyan po nagtatapos ang ating Harapan 2019. Maraming salamat po sa ating mga kandidato at sa mga halalan partners ng ABS-CBN, lalo na ang Commission on Elections, DFA-OVS, DepEd, at ang aming exclusive media partner, Manila Bulletin. Ako po si Alvin Elchico.

0:10:52.4

Davila:        O, sa darating na Linggo po ulit, sama-sama nating kilatisin ang iba pang mga kandidatong tumatakbo sa pagka-senador. Ako po si Karen Davila. Hanggang sa susunod nating harapan.

[Music]

[Crowd cheering]